This Unrequited Love 15

25 0 0
                                    

******

Lumaki akong nakadepende sa mga taong nakapaligid sakin. Nag-iingat ako sa bawat galaw na gagawin ko dahil natatakot akong sumama ang tingin nila sakin. Ayokong sabihan nila ako ng masama kaya hinding hindi ako gumagawa ng gulo. Kaya nung nagalit sakin si Shell ay sobra akong naapektuhan.

Malaki ang impluwensya sakin ng tingin ng mga tao sakin. Kaya hindi ko nagawang ipagsabi kahit kanino ang nararamdaman ko kay Kuya Ashton ay dahil natatakot akong isipin nilang immoral ako. At alam kong alam ni Shell itong kahinaan kong ito.

Napakagat ako sa labi. At napabuntong hininga. Alam kong hindi ko dapat iniisip ito at tanging ang mararamdaman lang ni Dylan ang dapat kong iniisip pero...

Paano nga kung sumama ang tingin nila sakin? Paano kung isipin nilang ahas ako? Mang-aagaw ng boyfriend ng kaibigan? Hindi ko ata kakayanin ang mga maling akusa nika.

Napapikit ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Minulat ko ulit ang mata ko. Ayokong saktan si Dylan pero ayoko ring isipin nilang ahas ako. Hindi ko alam ang pipiliin ko. Dignidad ko ba o si Dylan?

"Ninako?" Napatigil ako sa pag-iisip nang makita ko ang nag-aalalang mukha ni Dylan sa harapan ko. "May problema ba? Kanina ka pa nakatulala dyan."

Nginitian ko na lang siya at umiling. "Wala, wala. May iniisip lang ako."

Napatingin naman ako sa may likuran ko at nakita kong nakangisi sakin si Shell. Umiwas agad ako ng tingin. Alam niyang naapektuhan ako.

Napatingin ako sa paligid at nakita kong naglalakad na kami sa may hallway papunta sa mga pang-private party rooms dito sa bar na ito. Pumasok kami sa pinakadulong room at biglang sinalubong ng mga kaklase kong nakangisi.

Napatingin ako sa kanilang lahat at natigilan sa nakita kong banner na hawak ng isa sa mga kabatch ko. Give LOVE a second chance, Dylan and Shell. Nagtilian sila at hinigit ang dalawa saka pinagtabi sa isa't isa habang iniwan akong napako sa kinatatayuan ko.

Ah, bakit ko nga ba nakalimutan? Sila nga pala ang sweet couple sa batch namin.

Nakita ko ang bahagyang pamumula ng pisngi ni Shell habang nakatingin kay Dylan at ang pagkakunot ng noo ni Dylan habang nakatingin kayna Mike, tropa niya.

"Pare, anong ibig sabihin nito?" Naiinis na tanong niya sa katropa niya.

Nginisian lang siya ni Mike. "Surprise!" Sabi nito at mas dinikit pa niya si Dylan kay Shell. Parang kumirot bigla ang puso ko. "Para sayo to, pare. Alam naman naming hindi ka pa nagkaka-GF simula nung naghiwalay kayo ni Shell kaya alam kong mahal mo pa rin siya."

"Ano?!" Napatingin siya sa akin at sinasabi niya sakin gamit ang mata niya na hindi totoo ang sinabi ni Mike. "Kaya lang naman hindi ulit ako nag-GF ay dahil---"

"Alam namin, bro." Tinapik siya ni Jake, isa sa mga katropa niya. "Di ka pa nakakamove on kay Shell. Kaya nga subukan mo ulit siyang ligawan ngayon papayag ulit yan. Diba, Shell?"

Napatingin naman silang lahat ngayon kay Shell at mas nainis ako nang ngumiti siya na parang nahihiya kaya nagtilian silang lahat. Pucha. Anong nahihiya? Paniguradong galak na galak siya sa nangyayari.

Umiwas na lang ako ng tingin sa nangyayari at umupo sa isang tabi. Kinuha ko naman kaagad ang beer in can na nasa maliit na lamesa sa harap ko at ininom ko agad ito.

Napangiwi ako sa pait pero pinagpatuloy ko pa rin ang pag-iinom hanggang sa maubos ko ito. Binalik ko naman ito sa may lamesa nang wala nang natira dito saka binalii ang tingin sa kanila.

Nakita kong sinusubukan ni Dylan na umalis pero tinutulak lang siya pabalik ng mga tao sa pwesto niya kaya nangunot ang noo niya. Saktong nagkatinginan pa kaming dalawa nang naibaling niya ang tingin sa pwesto ko. Matagal-tagal ko siyang tingingnan hanggang sa nag-iwas na ako ng tingin.

This Unrequited Love (short story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon