This Unrequited Love 12

28 0 0
                                    

******

"Kaya bakit ikaw pa, Ninako?"

Mahal pa niya si Dylan? Pero... hindi ba niloko lang niya si Dylan?

Lumingon ulit siya sakin. "Bakit ikaw kung andito naman ako, diba? Hindi ka pa nga sigurado sa nararamdaman mo eh. At alam kong mas mahal ko siya kesa sa kung ano pa mang nararamdaman mo para sa kanya."

"Hindi man ako sigurado pero alam kong hinding hindi ko itu-two time si Dylan." Sabi ko sa kanya. Tama man ang mga sinasabi niya pero hindi ko naman hahayaang api-apihin niya lang ang nararamdaman ko kay Dylan kahit maliit man ito kunpara sa kanya.

Tumigil siya at sinamaan ako ng tingin. Tumigil rin ako at mas sinamaan ko siya ng tingin.

"Bawiin mo amg sinabi mo." Naninigkit ang mata niya.

"Bawiin mo muna ang sinabi mo tungkol sa nararamdaman ko kay Dylan." Naiinis ko ring pahayag.

"Bakit ko babawiin kung alam kong tama naman ako?"

"Two timer ka. Wala kang karapatang apakan ang feelings ko." At bigla na lang niyang hinigit ang buhok ko. Pero magpapatalo ba ako? Syempre, hindi! Hinigit ko rin ang buhok niya.

"Wala kang alam, Ninako! Kaya wag na wag mong uulitin ang sinabi mo!" Tinulak niya ako. "Buo na talaga ang desisyon ko. Aagawin ko sayo si Dylan." Nakangisi niyang sabi saka ako nilagpasan. Napalingon naman ako sa kanya at nakita ko si Dylan na papunta dito. Hindi aiguro niya nakita ang nangyari. Nakangiti siya at kumakaway lang samin.

Lumapit agad sa kanya si Shell at may sinabi tapos nginitian niya si Shell at tumango. Umalis na si Shell at napatingin sakin si Dylan. Ngumiti agad ito at nagtatakbo palapit sakin.

"Uuwi na daw si Shell. Malapit lang pala ang bahay niya dito." Sabi niya pagkalapit niya. Hinigit ko agad siya palapot at tiningnan.

"Dylan, wag na natin ulit kausapin si Shell." Sabi ko sa kanya. Natatakot ako. Baka isang araw, maagaw nga niya sakin si Dylan.

Napakunot naman si Dylan ng noo. "Bakit naman?"

"Ayoko lang."

Napabuntong hininga si Dylan. "Akala ko ba okay na kayo?"

"Oo nga pero bigla---!"

"Ninako, wag mo na ulit itaboy si Shell. Nag usap kami nung bigla kang umalis kanina. Sabi niya sakin, gusto lang niyang ibalik ang dati niyong pagkakaibigan. At naisip ko na maganda na maibabalik na ulit ang dating kayo, diba?"

"Nagsisinunga--!"

"Ninako, please make up with her. Yan lang ang tangi kong hihilingin sayo. Makipag ayos ka na kay Shell. Mahirap bang gawin yun?" Napabuntong hininga ulit si Dylan.

Napatingin ako kay Dylan. Ang dami kong hiniling sa kanya na tinupad niya at ito lang ang tanging bagay na hiniling niya sakin. Pero... aagawin niya sakin si Dylan. Pero... baka magkagalit pa kami ni Dylan kung hindi ko ito gagawin.

Napabuntong hininga ako. "Okay. Makikipag-ayos ako sa kanya."

Hindi naman niya maaagaw si Dylan kung hindi ko siya ipapaagaw, diba? Hinding hindi ako magpapatalo sa imapakta na iyon.

Ngumiti naman sakin si Dylan at hinawakan niya ang kamay ko habang ang isa niyang kamay ay may hawak at yung akin namang isang kamay kay hawak hawak ang basket.

"Ang bait talaga ng girlfriend ko." Nakangiti niyang sabi. Napatingin ako sa kanya at ngumiti na lang din.

Sorry, Dylan. Hindi mabait ang girlfriend mo. War freak ang girlfriend mo lalo na kung may imapaktang nagbabantang aagawan siya ng boyfriend.

This Unrequited Love (short story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon