This Unrequited Love 10

30 0 0
                                    

******

"Tayo na lang. Boyfriend na kita." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Ito ang desisyon ko. Gusto kong tulungan na niya akong makalimot. Ayoko nang umiyak. Tapos na ako. Pagod na ako. Gusto ko makaranas ng masayang pag-iibigan.

Napatigil siya. Huminga ng malalim saka binuksan ang bibig pero sinara ulit. At namula ng sobra.

Napatawa naman ako sa kanya. Hinawakan ko ang pisngi niya saka ito pinisil. "Ang cute mong mamula. Parang kamatis!" Sabi ko at mas pinisil pa ang pisngi niya.

"A-araay! Aray!" Sabi niya nang nakapikit ang mga mata niya. Tumawa na lang ako. Palagi ko itong ginagawa sa kanya kapag nakyu-kyutan ako sa isang bagay.

Tinanggal ko na ang pagkakapisil ko sa pisngi niya. Hinawakan niya agad ito. Mas namula ang pisngi niya. Haha. Ang cute. Ngumisi ako sa kanya. Sinimangutan niya lang ako.

"Tinatawanan mo lang pala ako ah." Mas lumapit siya sakin. Uh oh. Mukhang may binabalak siya masama.

Umatras ako para makaiwas sa kanya. Mas lumapit lang siya at umatras ulit ako nang napaapak ako sa isang laruang kotse na nakakalat sa sahig at nadulas.

Agh. Ang mga makukulit kong pinsan na iniwan na lang basta basta ang mga laruan nila!

Mahuhulog na sana ako patalikod nang nahawakan agad ni Dylan ang bewang ko. Inikot niya ang braso niya sa bewang ko at mas hinigit ako palapit sa kanya hanggang sa magkalapit na ang mga mukha namin.

Ang lapit ng mukha ko sa kanya. Halos magdidikit na ang mga tungki ng ilong namin. Amoy na amoy ko ang hininga niya, mint. At ramdam na ramdam ko ang malalakas at mabibilis na tibok ng puso niya. Wait. Parehas lang pala kami.

Ang bilis bilis at ang lakas lakas ng pintig ng puso ko na parang nakikipagsabayan sa puso niya. Namumula ako at ganun rin siya.

Nagkatinginan kaming dalawa. Hanggang sa unti unti siyang lumapit at...

*Pak*

Pinitik niya ang noo ko!

"Oww!" Daing ko.

Lumayo naman siya sakin at humagalpak ng tawa. Tiningnan ko siya ng masama. Hinayupak na ito! Akala ko hahalikan niya ako tapos pipitikin lang pala niya ang noo ko.

Hinampas ko naman siya. "Galit na ako sayo! Nakakainis ka!" Naiinis kong sabi at pinagpapalo pa siya.

"Haha. Sige na, sige na, sorry. Bakit ka ba galit na galit?" Natatawa niyang sabi. Hahampasin ko ulit sana siya nang mahawakan niya ito at nilapit ang mukha niya sakin. "Baka naman nag-e-expect ka ng iba?" Nakangis niya sabi.

Namula ako. Inalis ko ang pagkakahawak niya at tinulak ko siya. "Hindi, mali ka!" Namumula kong sabi saka padabog na umupo sa upuang malapit samin.

Tinawanan niya lang ako saka umupo rin sa tabi ko. "Okay, sorry na. Magagalit ka agad sakin eh kakasagot mo lang sakin kanina. Ang lakas pala ng charms ko manliligaw palang ako pero sinagot na agad." Ngumisi siya.

"Hindi ah! Kaya lang naman kita sinagot dahil gusto kong--!" Napatigil ako saglit sa pagsasalita ko. Bigla kong naisip ang sasabihin ko sana sa kanya. Napatakip ako ng bibig. Sasabihin ko sanang ginagamit ko lang siya.

Napayuko ako at umiwas ng tingin sa kanya. Ang tanga ko! Alam kong nasasaktan ako pero hindi ko kailangang idamay si Dylan sa sakit na nararamdaman ko, diba?

Napabuntong hininga siya. "Ninako, hindi mo kailangan ma-guilty kung ginagamit mo man ako. Ako ang nagrepresenta sayo. Ako ang nagsabing gawin mo to. At masaya ako dahil dito. Pinasaya mo ako at papasayahin rin kita, yun ang mahalaga." Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito. "Wag ka nang maguilty, okay? Ngumiti ka na lang at yun ang magpapasaya sakin."

This Unrequited Love (short story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon