This Unrequited Love 8

41 0 0
                                    

******

Umiyak ako.

At sa pag iyak kong ito binuhos ang lahat ng sakit, pagod at pasakit na nararamdaman ko na binuhat ko sa 10 taon na pagmamahal ko sa taong hindi ko dapat minamahal. Dahil magpinsan kami.

Hinayaan ko nang ilabas ang lahat kay Dylan dahil ito na ang huling beses na iiyakan ko pa si Kuya Ashton. Dahil titigil na ako sa pagmamahal sa kanya, kakalimutan ko na itong nararamdaman ko.

I'm giving up.

Napatigil ako bigla sa pag iyak ng biglang humigpit ang yakap sakin ni Dylan. Saka ko narealize ang pwesto namin ngayon. Magkayakap kaming dalawa dito sa parking lot.

Namula ako.

Biglang bumilis ang pintig ng puso ko.

Bakit ganito? Dati naman kahit niyayakap ako ng ganito ni Dylan wala akong ibang nararamdaman kundi friendship love. Hindi bumibilis ang tibok ng puso ko at hindi ako namunula.

Pero ngayon, gusto kong tumigil ang oras. Gusto kong magtagal itong pakiramdam na ito. Mainit at pakiramdam kong ligtas ako dito.

Mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sakin na nahihirapan na akong huminga pero ayoko pa ring kumalas. Amg problema nga lang, kailangan ko na talaga ng hangin.

Tinulak ko siya at huminga ng malalim. Mukhang sobra naman siyang natuwa sa kakayakap sakin kaya malapit na niya akong pisain.

"Ah, sorry kung napahigpit. Namiss..." Namula siya bigla at umiwas ng tingin. "Namiss lang kita..." Bulong niya.

Medyo napatawa naman ako sa kanya. Hindi ko inakalang ang cute niya palang mahiya. Nginitian ko siya. "Hindi okay lang, at least gumaan ang pakiramdam ko dahil sayo." Natatawa kong sabi.

Ngumiti naman siya at kumuha sa bulsa niya ng panyo. Nagtaka naman ako kung para san yun nang bigla siyang lumapit sakin at pinunasan ang mukha ko nang dahan dahan.

Namula ako sa ginawa niya. At kahit namumula rin siya, pinagpatuloy niya pa rin ang pagpupunas ng mga luha ko.

"Ang pangit mo talaga pag umiiyak ka." Natatawa niyang sabi.

Kumunot naman ang noo ko. "At talagang nang asar---"

"Kaya wag ka nang iiyak." Seryoso niyang sabi. Tinigil naman niyang ang pagpupunas sakin at nginitian ako. Yung klase ng ngiti na nakakatunaw ng puso.

Hinawakan naman niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. "Mas maganda ka kung nakangiti ka." Sabi niya sakin habang nakangiti. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

Natulala lang ako sa kanya at wala nang mabanggit na kahit isang salita kaya nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

Ngumiti siya ng malawak. "Tutal nandito na rin naman tayo, mas mabuti nang mamasyal tayo, diba? Para naman hindi sayang ang punta ko." Hinigit naman niya ako at nagsimula na kaming maglakad.

Tiningnan ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Napangiti ako. Bakit parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko tuwing kasama ko siya? Nawawala ang lahat ng lungkot ko tuwing kasama ko siya.

Tiningnan ko ang likod niya.

Kung siya kaya ang minahal ko, masasaktan ba ako ng ganito? Hindi siguro. Kung siya kaya ang minahal ko, sasaya kaya ako? Hindi ko alam.

Napapikit na lang ako. Masakit. Masakit pero kakalimutan ko na. Titigilan ko na. Dahil gusto ko nang sumaya. Gusto ko nang tumawa.

***

"Arcade? Seryoso ka?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako saka ngumiti ng malawak.

Bumilis na naman ang pintig ng bwisit kong puso. Ano ba talagang meron sa ngiti niya at palagi akong nahihirapang makahinga? Bwisit.

This Unrequited Love (short story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon