Prologue

184 4 4
                                    

Prologue

"Tara kain."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Panget at pinagpatuloy ang pagsubsob sa pagsosolve.

"Phillie."

Wala sa loob akong tumango kahit hindi ko naintindihan ang sinabi niya at tuloy lang sa pagdutdot sa sci cal niya.

Ano na nga ang sagot sa 1 + 1? Tangina.

Napakurap ako nang biglang mawala ang worksheet sa harap ko. Handa na akong bulyawan si Mon nang makitang hawak na n'ya 'yun pero agad n'yang kinuha ang bag namin.

"Richmon! Wala pa 'kong assignment! Sa'n mo dadalhin 'yan?"

"Kakain na tayo." Kibit balikat niya at hinila ako palabas ng room na parang hindi big deal ang pagkuha niya sa papel ko.

Kita mo 'to. Napakaepal!

"Mamaya na ako kakain! Wala pa akong nasisimulan. Akin na 'yan!" Bago ko pa mabawi ang gamit ko ay hinarang na n'ya ang kamay sa mukha ko. At dahil alam n'yang kukurutin ko s'ya gaya ng nakasanayan kong gawin, kinuha niya ang kamay ko para mahigpit 'yung hawakan.

"Gutom na 'ko."

"O, gagawin ko? Nasa'kin ba ang kaldero?"

"'Wag kang mapagpanggap. Kanina ko pa naririnig 'yung mga bulate mo." Binalingan niya ako at itinaas ang worksheet ko nang pasimple ko itong abutin. "Ako na bahala ang rito, Phillie. Madali lang 'to."

Pinanliitan ko siya ng mata na ginaya niya lang. Sa huli ay hinayaan ko na s'ya dahil for sure naman na hindi ko rin masosolve ang mga problems 'dun. Buti na lang talaga kaibigan ko ang kumag na 'to.

"Gulaman lang sa'kin, Mon," sabi ko nang makaupo sa usual spot namin sa canteen. Tumango lang s'ya at s'ya na ang pumila sa'min. Sumenyas ako sa kan'ya na bubuksan ko ang bag n'ya para komopya habang bumibili pa s'ya. Nag-ok sign ito kaya naman nagsimula na 'kong komopya.

Hindi na ganu'n karami ang tao sa canteen dahil halos patapos na ang lunch break. Pasimple kong nakagat ang labi nang mapagtanto na late na naman kami naglunch. At mas lalo pang napadiin ang pagkagat ko nang mapagkompara ang sagot namin ni Panget. Shet. Wala akong tinamaan.

"Tangina, Mon! Wala akong tinama sa mga pinagsasagot ko!" reklamo ko nang makaupo s'ya sa tabi ko. Itinago ko ulit ang notes namin nang makita inaayos na niya ang pagkain. Ayaw kasi niya ng may ibang ginagawa kapag nasa harap ng pagkain.

"'Wag ka na mamroblema. Turuan kita mamaya," sagot niya at inabutan ako ng kutsara.

Napanguso ako nang makita na binilhan niya ako ng laing at cucumber lemonade.

Sinulyapan ko siya na nag-umpisa na lantakan ang pagkain niya. Lihim akong napangiti. Desisyon. Sabi ko gulaman lang, eh.

"Magkano 'to, Panget?"

"Just eat, Phillie."

Inirapan ko s'ya. Sungit. Akala mo hindi balahura.

"May partner ka na sa thesis?" tanong ko. Napakunot naman ang noo niya na parang may mali sa sinabi ko.

"Ikaw malamang."

"Jinx daw 'yun," sabi ko. "Nakakasira raw ng friendship ang thesis. Ayaw kitang ka-partner."

"Sinong nagsabing kaibigan kita? Feeling mo naman, Panget." Bumagsak ang panga ko. Napakasama ng ugali! Binato ko s'ya ng tissue kaya humagalpak siya ng tawa. Hindi na n'ya kailangan mag-effort para makuha ang atensyon ng iba dahil hindi na bago ang mga matang kung makaligkis ng tingin sa kaniya, akala mo'y linta.

Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon