#12

68 2 0
                                    

#12

Sa mga nakalipas na linggo, masasabi kong mas kalmado ako ngayon.

"'Dun ka nga! Mangongopya ka lang ng plates!"

Nakapamewang ako habang pinagmamasdan si Phillie na gumagawa ng plates n'ya. Tama, s'ya ang tinitignan ko, hindi 'yung plates n'ya. Nasa bahay kami at dito gumagawa ng mga gawain dahil ilang araw na rin kaming hindi nagkakasama. May mga pagkakataon na hindi ko s'ya masundo o mahatid kahit na gustong-gusto ko dahil sa pressure at stress ng pagrereview namin para sa national competition. Ngayong semestral break na kasi gaganapin kaya puspusan na ang pagrereview.

"Mon, paabot nga ng t-square." Inabot ko naman. Phillie looks perseverant to finish her plate. Kahit na kanina pa s'ya paulit-ulit hindi s'ya sumusuko. Seryosong-seryoso s'ya na inangat ang buhok para ipusod. Kagat ang lapis ay nilapat n'ya ang t-square sa papel at muling nag-isip. I'm praying hard that she's only doing this in front of me and not in front of someone else. Parang sumasakit ang ulo sa gigil kapag naiisip na may ibang nagmamasid sa kan'ya na walang pakialam kung ano ang posisyon n'ya sa mesa.

God. She looks marvelous on my table, and I can't help but think of salacious scenarios in my head! Stop it, Richmon!

"Tapos na ako ng sa'kin. Gusto mong kumopya?" namamaos kong tanong. Umangat ang magkabilang sulok ng labi n'ya at nag-angat sa'king ng tingin. Nakagat n'ya ang labi na parang pinag-iisipan ang alok ko pero mabilis ding umiling.

"Ayoko. Strong independent woman ako—Ah, putcha! Mali na naman!" Marahas s'yang bumuntong hininga at binagsak ang sarili sa lapag. Halos gumulong s'ya sa carpet at para bang hinang-hina. Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa nang saglit s'yang matahimik. Ramdam ko ang pagpipigil n'ya ng iyak sa bawat buntong hininga n'ya. Itinabi ko ang plate n'ya at lumuhod para kunin ang lapis at t-square sa kamay n'ya.

"Uulitin ko, Mon," pigil n'ya sa'kin kaya tumango ako at kinuha pa rin ang mga hawak n'ya.

"Balikan natin mamaya. Magpahinga ka muna." Hindi na s'ya nagreklamo. Umupo ako sa tabi n'ya kaya bumangon s'ya para tumabi sa akin. Pareho kaming nasa lapag at nakasandal sa kama ko. Agad s'yang sumandal sa balikat ko at kapwa kaming natahimik. Pinapakiramdaman lang namin ang isa't isa at kumukuha na rin ng lakas para mabawi ang pagod na nararamdaman namin. Totoo nga ang sinasabi nila na hindi biro ang pagkokolehiyo. Lahat na yata ng uri ng krisis mararamdaman mo sa buong taon mo ng pag-aaral. At sa bawat taon parang palala lang nang palala.

"Kumusta ka? 'Di na kita nakikita." Kahit na lagi pa rin naman kaming nagkikita sa campus, sabay maglunch, at nasa iisang klase, hindi na kami makapaglaan ng oras para magkasama talaga.

"As usual, hininga na lang ang ambag kay Mother Earth," she chuckled. "Pagod lang, Mon. Katulad mo."

We both sighed.

"Ikaw? Baka naman masyado mong pinapagod ang sarili mo, panget? Bakit ka pa sumama sa Majayjay kahapon? Sana nagpahinga ka na lang."

Pwede ko namang gawin 'yun pero... "Gusto nilang unti-unti akong maexpose sa media. Balak nilang palakasin pa ang imahe ng pamilya namin dahil malaki ang epekto nu'n sa kampanya ni Papa. They want to create an appearance like we're a perfect family. The one that could make them look like the loving mother and father of this province."

"Gusto mo pa ring maayos ang sa inyo ng Mama mo?" Hindi ako nakasagot sa tanong n'ya dahil kahit itanggi ko, may nagsasabi sa likod ng utak ko na gusto ko pa ring malapit kay Mama. Pinisil ni Phillie ang kapit sa kamay ko at ngumiti sa akin. "It's okay. Take your time, Mon."

Ano bang gagawin ko kung wala ang panget na 'to? Kaya patay na patay ako rito, eh. Sinadya kong ipabigat ang ulo ko sa nakasandal n'yang ulo sa balikat ko kaya pumalag s'ya at lukot ang mukhang bumaling sa akin.

Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon