#29

37 3 0
                                    

#29

"Papunta na po ako, Mayor."

Binaba ko ang tawag at sinipat ang sarili sa salamin. Napangiti ako nang masiyahan sa ayos ko. Ngayon ang araw na kikitain ko ang customer na umorder ng sapatos. Papunta na rin si Mayor sa opisina ni Ms. De Cervio kaya nagmadali na ako.

Naagaw ang atensyon ko nang bahagyang gumalaw si Mon sa kama. Lumapit ako sa kan'ya at pinagmasdan s'yang payapang natutulog.

Ang gwapo shuta.

Halos masampal ko ang sarili sa biglaan kong pagngiti nang maalala ang ginawa namin kagabi. Bumuntong hininga ako at lumuhod sa gilid ng kama. Hinaplos ko ang mukha n'ya. Ngayong kilalang-kilala na s'ya ulit ng puso ko, pakiramdam ko ang unfair na hindi ko matandaan lahat ng pinagsamahan namin dati.

Noon, ayaw kong makaalala kasi natatakot ako na baka masyadong masaklap ang troma na pinagdaanan ko at wala akong kadamay para pumigil sa'kin na 'wag bumitaw. Pero dahil kay Mon, gusto kong magtake ng risk hindi dahil bahagi s'ya ng nakaraan ko kundi alam kong dadamayan n'ya ako. Hindi n'ya ako pababayaan.

Naniniwala na talaga akong patay na patay ako sa panget na 'to. Sobra ang pagtitiwala ko, eh.

Sinabi n'ya na hindi s'ya natigil sa paghahanap sa'kin at ilang pagkakataon na rin na nakasama ko s'ya nu'ng nasa fugue state ako. Nasasaktan ako sa tuwing naiisip kung gaano kahirap sa kan'ya na manatili sa malayo, nakamasid, at pinapanood akong magpatuloy sa payapang buhay nang 'di ginugulo ng nakaraan.

We can always create new memories together, yes, but I still want to recover my past memories. All of them. Ayoko nang matakot. Tapos na ako roon.

My phone beeped. Nakagat ko ang labi habang nakikipagtalo sa sarili ko kung gigisingin ko ba s'ya o hindi. He looks so peaceful. Parang gaya ko ngayon lang s'ya nakatulog ng ganito kalalim sa nakalipas na mga taon. Bumuntong hininga ako at hindi na s'ya ginising. Babalik din naman ako agad. Gusto kong magquality time sa bebe kong clingy.

Nag-iwan ako ng sulat sa nakahandang pagkain sa mesa. Ite-text ko rin s'ya mamaya para mabawasan ang pagtatampo n'ya. Ngayon pa lang kasi nakikita ko nang nakasimangot ang mukha n'ya kapag gumising s'ya na wala ako sa tabi n'ya.

I smiled and kissed his cheek. May naiwan pang marka ng lipstick pero hindi ko na binura para may tanda na nagpaalam ako.

Sinundo ako ng company car ng De Cervio Holdings. Kinakabahan ako. Nag-eexpect ako na 'di ganu'n kalaking tao ang kikitain ko pero nang makita ko ang mala-limousine na kotse na 'to, nagbago na ang isip ko. Mukhang seryoso si Mayor nu'ng sinabi n'yang big shot 'yung customer!

Ilang beses yata akong tumingin sa salamin para siguraduhin na desente ang hitsura ko. Kahit nang makapasok na ako sa loob ng lobby, hindi ko mapigilang mapatitig sa mga empleyado. They all look clean and neat. All professionals. Sinundan ko pa ng tingin ang dumaan babae sa harap ko. She's very pretty. Wala sa sarili kong hinawakan ang buhok ko. Siguro dapat nagbun din ako? O kahit ponytail para mukha rin akong malinis?

Kahit ang secretary ni Ms. De Cervio na sumundo sa'kin ang sophisticated ng dating. Compared to her attire, my short sleeves shirtwaist peach dress looks out of place. Pinili ko na lang idaan sa tikhim ang kaba. Confidence ang kailangan ko ngayon. I can't waste this opportunity for my business. Malaki ang matutulong nito sa'min.

Nang dumatig kami sa tamang palapag, hindi ko mapaliwanag kung para saan ang biglang pagsipa ng kaba sa dibdib ko. Habang papalapit ako nang papalapit sa dulong pinto, palala naman nang palala ang kabog nu'n.

I prepared my smile and straightened my back before I pushed the door open. Malaki ang kompiyansa kong ngumiti nang magtama ang tingin namin ng dalawang babaeng naghihintay sa loob ng opisina. Unang huminto ang mata ko sa eleganteng babae. She looked stoned when she saw me. Sumunod kong binalingan ang matandang babae na napatayo sa upuan n'ya.

Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon