#05
"Nand'yan na si Ma'am!"
Naggu-group study kami nina Mon at Justin nang mag-unahan sa pagpasok ang mga kaklase namin. Mabilis na bumalik si Mon sa row n'ya at umayos kami ni Justin. Grabe kasi ang sungit ng adviser namin.
Malayo pa lang ay rinig na rinig na ang takong ng sapatos n'ya!
"Takte. Ba't mas maingay ang yapak n'ya ngayon? May quiz ba, Phillie?"
Nanlaki ang mata ko sa binulong ni Justin. "Hala! Totoo ba? Hindi ako nagreview!"
"Nagtatanong ako! Patay tayo nito. Baka magpa-pop quiz s'ya!"
Nilingon ko si Mon na nagbabasa ng notes n'ya. Nang mahuli n'ya ang tingin ko ay sinenyasan ko s'yang itago ang notebook n'ya. Kaloka 'to. Siya lang ang may nakalabas na notebook! Baka sa kan'ya pa makakuha ng idea si Ma'am na magpa-pop quiz bigla.
Nagsesensyasan kami nang pumasok sa loob ang tunog ng takong. Nawala sa akin ang atensyon ni Mon at bigla s'yang napatuwid ng upo.
O, anyare rito?
"Miss Loyola, why are you facing the other row? Practicing how far your vantage point is?"
Mabilis akong napaayos ng upo at tumikhim. Ugh! Napahiya pa! Siniko ko si Justin nang matawa s'ya.
Nang ibalik ko sa unahan ang mga mata ay hindi ko inaasahan na may mga kasama si Ma'am. Napako ang mata ko sa babaeng may maliit at nahihiyang ngiti sa labi. Pasimple n'yang nilalaro ang mga daliri sa likod n'ya at halatang hindi sanay na karamihan ng nasa klaseng ito ay lalaki.
Middle length ang maalon n'yang buhok at may manipis na lip at cheek tint sa katamtamang kulay ng mukha. She has a cute fashion style. Mukhang mahilig s'yang magpatong ng mga kulay at kaunting abubot tulad nang bracelets at headband n'ya sa ulo. Ang ganda n'yang magdala sa sarili!
Nagawi sa akin ang tingin n'ya at parang nakahinga ito nang maayos dahil may babae sa klaseng ito. May iba pa naman kaming kaklaseng babae pero 'di ko alam kung bakit ako lang ang present ngayon. She smiled at me and waved a little.
She's cute!
May isa pang lalaki at halos mabato ako sa kinauupuan nang magtama ang tingin namin ni Ynok. He was the first one to look away and gripped his bag strap.
Oh wait... wait... wait!
'Wag mo sabihing—
"Attention, class. We have new students to join our class from this day forward. Please introduce yourselves."
New students!
"Good m-morning. I'm Annika Peter. I am a former student in CEAS—"
"Ano'ng major po?" tanong ng isa naming kaklase. Natawa ako kasi parang lahat kami ay nag-aabang sa isasagot n'ya. Medyo natawa rin ito at namula.
"Ah, Bachelor of Elementary Education."
"Noice! Mahilig ako sa mga bata!"
"Lol! Ikaw kamo ang isip-bata!"
Umingay ang klase dahil sa asaran ng mga kaklase ko. It made the atmosphere lighter lalo na't mukhang nasa good mood si Ma'am at nakikisali rin sa tawanan.
Unti-unti namang nauwi sa katahimikan ang lahat nang si Ynok na ang magpapakilala. He just stood there and directly introduced himself.
"I'm Ynok Macatangay. A former student in CBAA. From Bachelor of Business Administration, major in Marketing Management."
"Thank you. You may take your seat." Gamit ang pamaypay ni Ma'am ay itinuro n'ya ang katabi ko. Oh no. Nakaalpabetical ang seating arrangement namin! "Move one space, hijo. Macatangay, sa tabi ka ni Loyola."
![](https://img.wattpad.com/cover/307108131-288-k241120.jpg)
BINABASA MO ANG
Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)
RomancePhillie fits in every shoe. Except hers. Si Phillie na yata ang reyna ng labada sa buong barangay nila. The best pa na kapatid, anak, at kaibigan. Maging kurso ng engineering na halos gapangin niya palabas ng classroom araw-araw ay kayang-kaya niyan...