#18

66 3 0
                                    

#18

"Babalik ako."

Hinalikan ko ang kamay ni Phillie bago balingan si Justin. Bakas din ang matinding galit sa mukha n'ya pero tahimik lang s'yang tumango.

"Ako nang bahala kay Phillie."

Walang imik akong dumiretso palabas ng ospital. Pakiramdam ko sasabog ako ano mang segundo sa suklam na nararamdaman ko para kay Ynok.

Hinding-hindi ko mapapalagpas ang ginawa n'ya kay Phillie. Sisiguraduhin kong magbabayad s'ya.

Pagkalabas na pagkalabas namin ni Annika sa defense room, tawag ni Justin ang nakapagpatigil sa'kin. Naroon na raw si Ynok pero si Phillie naman ang nawawala. Nagmadali kaming pumunta ni Annika sa kanila pero naabutan kong nakikipagsagutan si Ynok sa mga panelists. Maging si Justin na gulat hindi alam kung paano s'ya aawatin.

"Pinaghirapan ko ang thesis na 'to, Sir! Hindi pwedeng hindi n'yo ako payagang makapagdefend! Anong magagawa namin kung kulang kami ng isa? It's not my fault!"

"Ynok, tumigil ka na! Hindi 'to mangyayari kung kanina ka pa nandito! Kanina ka pa namin hinahanap!"

"Bitiwan mo 'ko!" sigaw ni Ynok at muling hinarap ang Dean. "Magbabayad ako, Sir. Kung kailangan kong magdefend mag-isa, gagawin ko! Wala akong pakialam kung bumagsak sila sa subject na 'to. You can't do this to me!"

"Justin!" sigaw ni Annika nang suntukin ni Justin si Ynok. Nagkagulo na sa paligid pero hindi matigil ang mata ko sa paghahanap kay Phillie. May kakaibang kutob akong naramdaman.

At hindi 'yun maganda.

"Gago ka pala, eh! Kanina pa nag-aalala si Phillie sa'yo! Ayaw n'yang magdefend ng hindi ka kasama kasi ayaw n'yang bumagsak ka tapos gaganituhin mo kami ngayon? 'Wag mong pairalin ang kabobohan mo, Ynok! Binubukod ang personal na problema!" Inaawat na si Justin ng iba naming kaklase. Nilapitan ko sila. Hindi mawala ang tingin ko kay Ynok na walang pakialam kay Justin at pilit na sinusuhulan ang Dean. I've never seen him like this before. May kakaiba sa kan'ya. Parang wala s'ya sa sarili.

"Nasaan si Phillie?" seryosong tanong ko. Nang tignan n'ya ako ay punong-puno s'ya ng pang-uuyam. Tinuro n'ya ako.

"This is also your fault, Rino. Muntik pa akong sumablay dahil sa katangahan n'ya sa'yo!"

Wala sa loob kong hinila ang kwelyo n'ya nang may maiwan na tanong sa utak ko. "Sumablay saan?"

Nakakakilabot lang na ngumisi si Ynok at tinanggal ang kamay ko. Akmang susugurin ko na s'ya nang mapansin kong may naglalabasang estudyante. Lahat sila parang nagmamadaling pumunta sa court. Hindi nagtagal ay lumabas ang dalawang gwardya bitbit ang walang malay na katawan ni—

"Phillie!"

Pinangilabutan ako sa nakita. Kumaripas ako ng takbo pababa ng building. Kahit may kalayuan sa pwesto namin kanina, hindi ako pwedeng magkamali. Si Phillie 'yun! Walang habas kong hinahawi ang mga taong nagkukumpulan.

"Fuck!" mura ko nang makalapit sa kan'ya. Halos magdilim ang paningin ko sa pasang nasa pisngi n'ya. Namumutla rin s'ya at pawis na pawis. May sugat din s'ya sa bandang leeg at tuhod. Anong nangyari?! "Phillie! Can you hear me? Phillie, wake up!"

Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon