#22
"Mauuna na po ako," paalam ko para iwan si Annika sa Mama n'ya. Tumango naman ito at s'ya na ang nag-asikaso sa umiiyak na anak.
Nagkaroon ng gulo sa kalagitnaan ng laban namin kanina. Bigla dumating ang tatay ni Annik at pinipilit itong umuwi sa Laguna. Napag-alaman kong hindi suportado ng tatay n'ya ang pagsali n'ya sa kompetisyong ito kaya ganu'n na lang ang galit nang malamang tumuloy si Annika.
Lumikha ng malaking komosyon ang tatay n'ya dahilan para biglaang ipahinto ang buong kompetisyon sa lahat ng category.
She was so stressed the whole time her father was causing an upheaval. Hindi ko s'ya magawang iwan dahil responsibilidad ko s'ya dahil kami ang magkasama. Ngayong naawat na at kinakausap na ng ibang personnel ang tatay n'ya, ipapaubaya ko na sa nanay n'ya ang pagpapakalma rito.
Hindi ko pa nakakausap ulit si Phillie. Ang huling tawag ko sa kan'ya ay kanina pang tanghali. Alas otso pasado na ngayong gabi.
Handa na akong umalis nang hilahin ni Annika ang damit ko. Muli s'yang yumakap sa akin. "Pasensya na, Mon. Lagi na lang kitang naaabala..."
Umiling ako bilang pagtanggi. Hinawakan ang balikat n'ya at bahagya nang nilayo. "Hindi ka abala. 'Wag kang humingi ng pasensya. Mabuti pa magpahinga ka na. Babalik na ako sa kwarto ko."
Lumabas na 'ko pagkatapos niyon. Dahil sa isang hotel lang kami kasalukuyang nananatili, mabilis din akong nakarating sa nakalaang kwarto ko. As soon as I closed the door, I grabbed my phone from my pocket to call my Phillie. Pero napamura na lang ako nang makitang lowbatt ang cellphone ko.
Kinuha ko ang charger at sinaksak 'yun. Habang hinihintay na bumukas ang device, tinanggal ko ang necktie na suot at unang tatlong butones ng puti kong polo. Tinupi ko rin ang magkabilang manggas habang hindi nawawala ang mata sa cellphone. I scanned through my contacts and found Phillie's name. I dialed it and patiently waited for her to answerr but it was only ringing. Binalewala ko ang pagdagsa ng chats mula sa gc, sa ilang kaklase, at kay Justin. Kuryoso ako sa kung anong laman ng mga mensahe na 'yun pero mas kailangan kong unahing makausap si Phillie.
I miss her so bad.
Sa tatlong araw ng pananatili ko rito, walang oras na hindi ko s'ya hinahanap. Dapat yata talaga kinidnap ko na.
Dumaan ang pagkadismaya sa'kin nang hindi n'ya pa rin sinasagot ang tawag hanggang sa maging out of reach na ito. Nabalot ako ng pag-aalala. Bakit hindi n'ya sinasagot? May nangyari kaya? Did something happen when she went to see Mama?
Hindi mapakali, nagtipa na ako ng mensahe sa kan'ya. Bumungad sa'kin ang huling chat n'ya at selfie. Kahit nangingiti, may bahid pa rin ako ng pag-alala dahil hindi ko s'ya macontact.
mayamang buwan: baby, are you busy?
mayamang buwan: tinatawagan kita pero hindi ka nasagot. is everything okay?
mayamang buwan: kumain ka na ba? naudlot ang laban namin, may komosyong nangyari. lowbatt din ako kaya di kita natawagan agad. are you home? pls give me an update.
Hindi s'ya online at hanggang sent lang ang chats ko sa kan'ya. I leaned on the table and bit my lip while slowly tapping my finger, patiently waiting if she was going to read my messages. Pero lumipas ang ilang minuto, nanatiling sent 'yun.
Pansamantala kong iniwan ang convo namin para tignan ang iba. Sakto ang pagpasok ng ilan pang sunod-sunod na chat mula kay Justin.
jusztinpogi: anyare dyan pre? gagi pinagpipiyestahan sa gc ang livestream nyo
What livestream?
jusztinpogi: kanina pa ko nakikibardagulan sa gc dahil ginigiit na naman ng mga plastik mong kaklase na may relasyon daw kayo ni annika
![](https://img.wattpad.com/cover/307108131-288-k241120.jpg)
BINABASA MO ANG
Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)
RomancePhillie fits in every shoe. Except hers. Si Phillie na yata ang reyna ng labada sa buong barangay nila. The best pa na kapatid, anak, at kaibigan. Maging kurso ng engineering na halos gapangin niya palabas ng classroom araw-araw ay kayang-kaya niyan...