#02
"Umusog ka nga! Ang sikip, Mon!"
Imbis na sundin s'ya ay mas lalo ko pang nilawakan ang upo kaya nahampas na n'ya ang braso ko. Kunwari akong suminghap at hinaplos kung saan lumapat ang kamay n'ya.
"Grabe, Phillie. Chansing ka."
"Kapal ng mukha mo! Tubuan ka naman ng hiya, Richmon!"
Binelatan ko lang s'ya at natawa nang pilit n'ya ako inuusog palayo sa kan'ya.
"Phillie, 'wag kang malikot! Umaalog na 'yung tricycle!" suway ko dahil malubak na ang daan. Malapit na kaming makarating sa bababaan namin.
"Ang laki-laki mo naman kasi! Pwede ka namang sa likod na lang sumakay." Bigla ay sinundot n'ya ang tagiliran ko dahilan ng pagkaumpog ko sa kisame ng sasakyan.
"Phillie Layne!"
Humagikhik lang s'ya. Nang mas lumubak pa ang daan ay para kaming mga tanga na naglalagay ng kamay sa ulo ng isa't isa para maiwasan ang masakit na pagtama sa kisame. Kahit para na kaming titilapon, hindi matigil si Phillie sa paglalagay ng dalawang kamay n'ya sa ulo ko samantalang ako ay walang kahirap-hirap na hawak ang ulo n'ya.
"'Yan na ang malaking lubak!" Buong buhay niyang nadadaanan ang parteng ito pero tuwang-tuwa pa rin. "Mon, yuko ka bilis," sabi n'ya pa at hinatak ako lalo palapit sa kan'ya para maayos ang pagprotekta sa ulo ko.
She giggled and anticipated the huge bump we were about to cross. "Gotchu."
I can smell her from our very close distance. Mariin akong lumunok nang maramdaman na nakasubsob ako sa malambot na parte ng leeg niya. Fuck.
Bago pa ako makareact ay pinakawalan na n'ya ako at para akong hapong-hapo nang makalanghap ulit ng hangin.
"Tangina..." bulong ko at pasimpleng tinakpan ang mukha. Tangina! Naaamoy ko pa rin s'ya!
"Anyare sa'yo?"
"Muntik mamatay." Tumikhim ako at umayos ng upo. "Higpit ng hawak mo, eh. Ginagantihan mo yata ako dahil inubos ko ang cucumber lemonade mo."
"Ikaw pala 'yon! Akala ko si Justin! Bayaran mo 'yun, panget!"
Bago n'ya pa ako mahampas ay hinawakan ko na ang kamay n'ya at binaba. Palihim ulit akong napamura.
She's so fucking soft.
Get your shit together, Richmon. Get your fucking shit together.
Napa-thank you Lord talaga ako nang makarating kami sa tapat ng compound nina Liam. May naiwan pa raw kasing lalabhan si panget kaya rito kami dumiretso. Tinulungan ko s'yang ayusin ang buhok n'yang tumikwas na dahil sa hangin.
"Talikod," utos ko. Alam na n'ya ang gagawin ko kaya agad s'yang sumunod at ibinigay sa'kin ang buhok n'ya. I braided her straight hair. Sinigurado kong walang tatakas na buhok para walang sabagal sa paglalaba n'ya.
"Pagupit ko na kaya ang buhok ko? Mahaba na 'to. Aabot na yata 'to ng 1k."
Tinali ko ang dulo at inayos ang ilang tumatakas. "'Wag."
"Bakit? Hindi ba bagay sa'kin ang maikli?" Minuwestra n'ya pa kung gaano kaikli ang sinasabi n'ya.
I twitched my lips. "You really like your long hair... I like it too..." Mas hininaan ko ang boses sa huling sinabi at nagkunwaring inaayos ang pagkakasukbit ng bag ko.
"Sabagay. Tsaka kapag nagpapagupit ako ng mahaba, nilalagnat ako, eh. Sayang araw kapag ganu'n. Sayang pa sa gamot."
Hindi ako sumagot kahit hindi ko nagustuhan ang sinabi n'ya. Humigpit lang ang hawak ko sa backpack ko.
BINABASA MO ANG
Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)
RomancePhillie fits in every shoe. Except hers. Si Phillie na yata ang reyna ng labada sa buong barangay nila. The best pa na kapatid, anak, at kaibigan. Maging kurso ng engineering na halos gapangin niya palabas ng classroom araw-araw ay kayang-kaya niyan...