#11

63 2 0
                                    

#11

Magbubuhol na ang kilay ko sa pagkakakunot nito pero wala akong pakialam. Nakakaasar si panget! Parang tanga!

Nararamdaman ko ang panaka-nakang sulyap sa'kin ni Amy. Kami na lang ang natira sa hapag dahil gumagawa kami ng assignment. Alam nilang warla kami ni Mon. Malamang paniguradong mata na naman n'ya ang mga kapatid ko ngayon!

Nagseselos si gago. Kay Ynok pa! Eh, tropa namin 'yun! Naiinis pala s'ya rito eh bakit ako ang inirapan n'ya? Parang ako pa ang nakagawa ng kasalanan! At hindi pa talaga ako sinundan pauwi. Hinayaan lang ako!

Nasapo ko ang ulo at sunod-sunod na isinubo ang pagkain kong nakalagay sa maliit na mangkok. Pagkatapos ay bumalik na naman sa pagdu-doodle ng mga sapatos sa likod ng notebook ko. Okay, kumalma ka, Phillie. Baka nga kasi pagod talaga? Nakita mo naman ang intense ng pagrereview nila, 'di ba? Tambak-tambak pa ang libro tapos ang sungit pa nu'ng coach.

O, bakit? Stressed din naman ako, ah? Ang hirap kaya ng study namin. Hindi lang naman s'ya ang nahihirapan magfocus tapos iirap-irapan n'ya ako? Dukutin ko 'yang mata n'ya! Pake ko kung brown eyes at long lashes s'ya?

Sumubsob ako at nagpatuloy sa pagdo-drawing at designing. Hindi ko na alam kung anong linya 'tong pinaggagawa ko dahil hindi ko rin magawang makapagfocus sa pagsasagot ng assignments ko.

Bwisit ka, Mon.

Napabuntong hininga na lang ako at sumubo ulit ng kanin. Baka nga natatakot s'ya na ipagpalit ko s'ya kay Ynok as best friend? Hindi ko rin naman itatanggi na mas nagiging close kami ni Ynok ngayon lalo na dahil naayos na namin ang nangyari dati. Isa pa, pinagbubutihan ko rin talaga na mapalagay sa akin ang loob ni Ynok. Gusto ko kasi talaga makabawi sa sama ng ugali ko dati. Napapansin na siguro ni Mon kaya nabadtrip s'ya. Hay... hindi naman kasi talaga kami sanay na binibigyan ng higit atensyon ang iba maliban isa't isa.

But I only mean friendship. Nothing more. Wala ba s'yang tiwala sa akin? Medyo nasaktan ako kanina dahil pakiramdam ko pati sa pag-aaral n'ya naging sagabal ako. Si Justin kasi puro biro! With actions pa kaya kuhang-kuha ako!

Bigla akong natigil sa pagdo-drawing nang may magchat. Pasimple kong tinignan 'yun at nakita na kay Mon galing ang message. Inabot ko kay Amy ang cellphone ko at s'ya ang pina-seen. Ngayon lang magcha-chat?

"Anong sabi?" Ano ba 'yan, Phillie. 'Di naman halata na kanina mo pa hinihintay ang chat n'ya 'no?

"Cucumber lemonade, teh."

Ay... "'Yun lang?"

Maya-maya pa, may notification kay Amy. Tumayo ako para sumilip 'dun. Si Mon ang nagchat sa kapatid ko. Nagtatanong kung kumain na kami.

"Bakit sa'yo pa nagtatanong 'yan?" Kinuha ko ang cellphone at naghintay ulit kung magchachat s'ya pero kay Amy ulit nagpadala. Talagang walang pansinan, Richmon?

Nakasimangot kong inubos ang pagkain at tinungga ang tubig. Narinig ko naman ang paghagikhik ni Amy na parang kinikilig-kilig.

"'Wag ka nang gg, teh. Nagtatanong na nga kung kumain ka na raw? Update yarn?"

Napakurap ako pero taas noong nagkibit-balikat. "Whatever." Nagligpit na ako pero muling napatingin kay Amy nang magparinig ulit s'ya.

"Awts, 'di pa yata nakain si Kyah Rino. Mukhang nagda-drive pauwi, teh, o. Nagsend ng pic ng city lights! Gandaa!"

Anong 'di pa nakain? Anong oras na!

"I-chat mo. Sabihin mo umuwi na at 'di pagkain ang lalapit sa kan'ya. Anong oras na! Mamaya hinahanap na s'ya ni Abuela."

"Hmm... I say, ikaw na ang magpauwi, teh," tudyo ni Amy pero hindi ko na s'ya pinansin. Alam kong naghihintay lang s'ya ng reaksyon ko na pwede n'yang mareport kay Mon! Lakas talaga nu'n. Pati mga kapatid ko, hawak n'ya. Kinuha ko na lang ang cellphone at nagthumbs up sa cucumber lemonade n'ya.

Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon