#03
Lunch time nang kami ni Justin ang magsabay kumain. May unexpected meeting kasi ang mga class representative kaya wala si Mon sa first two subjects.
"Phillie! Pa-paint ako sa sneakers. May dala akong sariling paint!" tawag ng dumaan kong kaklase. Nagthumbs up ako pagkatapos uminom ng tubig.
"Geh! Mamaya."
"Tagal mo nang trip 'yang pagdedesign sa sapatos, ah. Magpabayad ka na," komento ni Justin.
"'Yoko, vebs. Tamang libangan lang naman."
"Ikaw rin. Pera rin 'yun. Alam mo namang tayong mga dukha kailangan ng extra kayod."
Kung sabagay, tama naman s'ya. Naisip ko na rin 'yun pero, hindi bale na. Ito na lang din naman kasi ang masasabi kong ginagawa ko na hindi para sa pera.
"Vebs, may partner ka na sa thesis?" si Justin na inuubos ang tortang talong na binili n'ya. Uwian na ang mga pang-umaga kaya marami ang tao sa canteen. Isama pa ang mga athletes na kakatapos lang din ng practice.
"Wala pa."
"Weh?"
Kita mo 'to. Tatanong-tanong tapos hindi maniniwala sa sagot ko!
"Imposibleng 'di kayo magkapartner ni Rino. Magkabuhol kaya ang mga bituka n'yo."
"'Yung nguso mo kaya ang buhulin ko? Malamang sasabihin kong 'di na ako available kung totoo ngang kami ni Mon!" Hay naku, ang hirap umintindi. Sinubo ko na lang ang huling tira ng adobo nang mabalik ang mata ko sa nakakabwisit na mukha ni Justin. Lakas mang-asar ng ngiti sa labi!
"Parang iba naman 'yung sinasabi mo, Phillie."
Madali ko s'yang hinampas nang mapagtanto kung ano 'yung sinabi ko kanina. "Judgemental! Partner kasi sa thesis!"
"Whatever," he said. "Ang duga naman! Isama n'yo na ako! Parang 'di kaibigan, ah!"
"Edi sabihin mo kay Ma'am. Sobra naman 'yung bilang natin sa klase kaya papayag 'yan."
"Sige, sige. Malakas naman ako 'dun."
"'Di rin, vebs. Papayag 'yun kasi alam n'yang walang grupo na kukuha sa'yo kundi kami lang." Malakas akong tumawa nang bahagya n'yang hinila ang buhok ko sa inis.
Pinagtulungan naming isalansan nang maayos ang mga pinagkainan naming plato at ilang kubyertos. Isang oras pa bago ang sunod naming subject. Ang tagal namang matapos ng meeting nina Mon.
"Pabantay ako ng gamit, vebs. Ibibili ko ng lunch si panget."
"'Wag na! 'Yun na s'ya, o." Nginuso ni Justin ang direksyon kung saan nakita namin si Mon na nagmamadaling bumaba ng hagdan at palinga-linga. Tinawag s'ya ni Justin kaya mabilis din n'ya kaming nakita.
"Sakit ng likod ko kakaupo! Nagkwento lang naman si Sir ng tungkol sa buhay n'ya," iiling-iling n'yang reklamo habang binababa ang gamit. Umupo s'ya sa tabi ko at tumingala nang mapansin akong nakatayo.
"Sa'n ka? 'Di mo 'ko namiss?"
Umarte akong kinalabutan. "Ibibili ka ng kape nang kabahan ka naman sa pinagsasabi mo."
"Aysows! Akala mo talaga hindi n'ya hinahanap-hanap kanina. Alam mo bang nagti-360 na 'yung ulo ni Phillie kanina kakaabang sa'yo?"
Napunta yata lahat ng dugo ko sa mukha dahil hindi ako nakapagreact agad. Ang sarap sabunutan ni Justin! Napakafake news!
Konti lang naman.
"Hinanap mo 'ko?"
"O, 'wag kang kiligin. Baka 'di ka makatulog kakaisip sa sinabi ng asungot na 'yan," sabi ko na lang para mawala sa akin ang nananatya n'yang mata. Inilayo ko ang mukha ni Mon kaya naman tumawa ito.
BINABASA MO ANG
Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)
RomancePhillie fits in every shoe. Except hers. Si Phillie na yata ang reyna ng labada sa buong barangay nila. The best pa na kapatid, anak, at kaibigan. Maging kurso ng engineering na halos gapangin niya palabas ng classroom araw-araw ay kayang-kaya niyan...