#10

68 2 0
                                    

#10

"Galit ka?"

Nag-angat ako ng tingin matapos replyan ang chat ni Annika na nakauwi na s'ya. Nilingon ko si Phillie na naging malikot ang mga mata.

"Bakit mo naman natanong?"

"Si Ynok... hindi ko ineexpect na pupunta s'ya rito sa bahay. Ginagawa lang namin 'yung sa thesis namin. A-Ano..."

Bahagya akong natawa 'dun kahit wala namang nakakatawa. "Hindi mo kailangan magpaliwanag, panget."

Natahimik s'ya. Diretso ang tingin naming dalawa, pinapanood ang mga kapatid n'yang naglalaro sa labas. Nasa loob pa rin ng bahay nila si Ynok. "Baka kasi nagtatampo ka. Hindi ko nasabi sa'yo."

Sinulyapan ko s'ya at bumuntong hininga. "Sinadya mo bang hindi ipaalam sa akin?"

"Hindi."

"Ipagpapalit mo ba ako?"

"Lalong hindi!"

"Exactly. Kaya 'wag ka nang mastress d'yan." Pinitik ko ang noo n'ya kaya mabilis n'ya akong hinampas. Natawa ako at muling ibinaling ang tingin sa unahan.

Aaminin kong nagulat ako nang madatnan si Ynok sa loob ng bahay ni Phillie at hindi ko nagustuhan ang inis na lumukob sa akin. Hindi ako ang tipo ng taong napapangunahan ng emosyon pero nitong mga nakaraang araw, nahihirapan akong kontrolin ang sarili ko dahil mas napapalapit si Phillie kay Ynok. Nagseselos ako.

Pero may choice ako. Laging may pagpipilian. At mas pinipili kong maging rasyonal kesa madala ng makasariling emosyon. Hindi 'yun tama. May tiwala ako kay Phillie. She never lies to me. She's not very good at hiding her feelings.

"Kumusta ang araw mo? Nilampaso mo na ba pati ang coach n'yo?" tudyo n'ya.

Bumalik ang ngiti sa labi ko. Nakalimutan kong masaya ang naging takbo ng araw ko dahil sa nakita ko kanina. "Tanga. Edi hindi na kami tinuruan ni Sir kung nagmagaling ako? Bakit ba nandito ka? Hindi pa kayo tapos sa loob, ah?"

"Nandito ka, eh. Kwentuhan muna tayo."

"Hinayaan mo na si Ynok 'dun!" bulong ko.

"Shh! Saglit lang naman! Nabobobo na rin ako sa study namin."

Nagtagal pa kami ng ilang minuto sa labas ng bahay nila para magkamustahan. Para akong natanggalan ng tinik sa lalamunan. Mas napatunayan ko lang ngayon na tama ang ginawa kong pagpili sa utak ko kesa magpadala sa selos. Nandito si Phillie sa tabi ko. Sapat na 'yung rason para kumalma ako.

Bumalik kami sa loob. Talagang kasama ako. Ang nag-aabangan na si Ynok ay bahagyang tumaas ang kilay nang makita akong kasama ni Phillie na pumasok. Akala n'ya ba iiwan ko sila rito ng sila lang?

"Rino, akala ko umuwi ka na?"

May ngisi akong umupo sa harap n'ya katabi ang upuan ni Phillie. "Maaga pa. Wala naman akong gagawin."

"'Di ka aabutan ng traffic?" Tinanggal n'ya ang tingin sa laptop para tignan ako.

"Traffic hour is my favorite."

"Panget, kumain ka na?"

Mas nadepina ang ngisi ko nang makita ang paglipat ng mata ni Ynok kay Phillie na nakayuko sa gilid ko at nasa akin ang buong atensyon. Hindi ako sumagot kaya halos kurutin ako ni Phillie sa inis.

"Hindi ka pa kumakain 'no? Siraulo ka talaga! D'yan ka lang, kukuha ako! Richmon parang tanga. Gustong-gustong nalilipasan ng gutom!"

Gustong-gusto lang magpaalaga.

Kumain na ako pero wala akong balak palagpasin ang atensyon na binibigay ni panget lalo na sa harap ni Ynok. Muli n'yang binalik ang mata sa laptop.

"Wait lang, Ynok, ha? Kuhanan ko lang ng pagkain si Mon."

Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon