#27

39 2 0
                                    

#27

"Cheers tayo para sa birthday ni Baby!"

Kaliwa't kanan ang sigawan ng tuwa mula sa mga bisita. Si Ces ang nag-aya ng tagay at lahat kami nagsitayuan para magcheers.

"Para kay Ma'am Baby!" malakas na segunda ng mga tauhan ko at kumanta ng happy birthday. Hindi ko maiwasang tumawa kasama sila at nakisabay sa trip nila.

"Si Ma'am Baby na ang taya sa alak!"

"Ma'am Baby! Ma'am Baby! Ma'am Baby!"

Today is my birthday. Well, ayun ang gusto kong isipin. Hindi ko naman talaga sigurado kung ngayon nga ang araw ng kapanganakan ko. Bigla lang naman pumasok sa isip ko na mahalaga ang araw na 'to. I just assumed that on this date, it was my birthday. Ilan taon na rin naman akong nagdiriwang sa ganitong araw kaya nakasanayan ko na.

Si Ces ang may pakana ng surpise birthday party ko. Kaya pala ayaw n'ya 'kong papuntahin sa bahay n'ya ng ilang araw, 'yun pala naghahanda s'ya. Nakalatag sa malawak na bakuran nila ang pinagdugtong na dalawang mahabang mesa. Nakahain sa gitna ang lechon at halos wala nang mapaglagyan dahil sa banyera ng mga putaheng nakahanda.

I was beyond surprised! Hindi ko talaga inaasahan na sosorpresahin n'ya ako ng ganito at kasabwat pa ang mga tauhan ko sa shop!

Wala naman akong balak gawin ngayon kundi magsimba lang. Magpapasalamat sa lahat ng natatanggap kong blessings sa taong 'to at dahil hindi ako pinabayaan ng Panginoon kahit sukng-suko na ako. Kung walang gabay N'ya, baka tuluyan na akong nawalan ng pag-asa na makakabangon pa ako sa buhay ko ngayon.

Malaki ang ngiti kong binalingan si Rino na nasa gilid ko. I tagged my arm on his and pulled him close to me. Hindi ko agad binaba ang baso ng beer dahil hindi pa natatapos ang kasiyahang 'to.

"Hindi lang ako ang matataya ngayong araw! Birthday din ni Rino ngayon! Cheers para sa kan'ya!"

"Oooh! Soulmate talaga! Happy birthday, Sir Rino!" Sabay-sabay ang bati sa kan'ya ng mga tao. Masyado akong masaya kaya pinapatulan ko na lang ang pang-aasar nila. Kahit kailan talaga ang hilig nila akong asarin.

Kasama ko si Rino kanina para abutan ang unang misa. Wala akong nasabi sa kan'ya na may lakad ako ngayong araw kaya nagulat ako nang sabay kaming lumabas ng kan'ya-kan'yang bahay. Hindi pa inaasahan na pareho kami ng suot. Kulay pink na plain t-shirt. Pasimple pa akong namula nang marealize namin na pareho kami ng damit. Para kaming nag-usap na magkaterno kahit hindi naman s'ya magrereport sa'kin sa araw na 'to.

Para kaming magbebeng nakacouple shirt!

"Nagsisimba ka pala ng ganitong oras," bukas n'ya ng usapan habang naglalakad kami at dinadama ang sariwang pang-umagang hangin.

"Hindi ako makatulog, eh..." mabilis kong binawi ang puyat na tono at pinasigla ang boses para pagtakpan ang totoong dahilan. "Birthday ko kasi. Excited ako kaya hindi ako nakatulog."

Tumigil s'ya sa paglalakad. Nang lingunin ko s'ya mataman ang titig nito sa'kin at nahihiwagaan ang mga mata.

"Birthday... mo?"

"Oo. Magsisimba ako para magpasalamat. Tara. Libre ko almusal natin mamaya pagkatapos ng misa—"

"Birthday mo?" Nahigit ko ang hininga nang inilang hakbang n'ya ako, puno pa rin ng pagtatanong ang mga tingin. Natatawa ko s'yang tinaasan ng kilay.

"Oo nga! Bakit parang—"

"Ngayon ang birthday ko..."

"Huh?" Lumapit ako kasi masyadong mahina ang boses n'ya. Nag-iwas s'ya ng tingin pero binalik din sa'kin ang mata.

Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon