#17
TRIGGER WARNING: Violence
Nginitian ko si Ynok kahit na nag-uunahan sa bilis ng tibok ang puso ko. Kinakabahan ako. Nakakailang beses na rin akong tumikhim dahil pakiramdam ko natutuyuan na ako ng lalamunan.
Dinala ko s'ya sa restaurant na malapit lang sa campus. Hindi ko na sinabi kay Mon ang tungkol dito. Gustong harapin ito ng mag-isa.
Napainom ako ng tubig para ibaling sa ibang bagay ang kaba ko. Nang sulyapan ko si Ynok, nililibot n'ya ng tingin ang kainan bago mahuli ang tingin ko at ngumiti.
Medyo kumirot ang puso ko sa bait ng ngiti n'ya. Mukhang tuwang-tuwa s'ya kasi lumabas kaming dalawa. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Pero ayoko nang patagalin 'to. Ayokong maging unfair sa kan'ya. Walang ginawa si Ynok kundi pakitaan ako ng kabutihan at lagi akong pangitiin. Isipin ko pa lang na masasaktan ko s'ya grabe na ang guilt na nararamdaman ko.
Pero... gusto ko nang magpakatotoo.
Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa inis at gigil. Alam mo, kasalanan mo ito, Phillie Layne. Medyo pinatunayan mong bobo ka sa ganitong bagay. Ano ba naman kasi ang naisip mo at dinamay mo pa si Ynok?
Lalo lang akong nasaktan nang marealize kong ginawan ko na naman ng masama si Ynok.
"Anong okasyon ba't tayo kakain? Advance celebration na ba 'to para sa success ng defense natin bukas?" he teased. Sinabayan ko s'ya sa pagtawa kahit na may halong ngiwi ang pagngiti ko.
Maybe... maybe this is not the right time? He looks happy and I don't have the heart to wipe that smile off his face. I-I should do this another day. Defense namin bukas. I should be sensitive enough—
"Babastedin mo na ba ako?"
'Dun ako natigilan at hindi agad nakahuma sa biglaan n'yang pagtatanong. Parang umurong ang dila ko. Sa isang iglap, para akong nawalan ng boses at lakas ng loob na magtapat sa kan'ya.
Mataman n'ya akong tinignan. Walang galit 'dun pero nasisilip ko ang sakit.
"Y-Ynok... tsaka na natin pag-usapan, please?"
Malalim naman s'yang bumuntong hininga. "Wala namang pinagkaiba, Phillie. Ngayon o hindi, masasaktan pa rin ako. Simula umpisa naman, hindi ko na s'ya mahihigitan sa'yo, 'di ba?"
"Ynok..."
"Mahal mo si Rino. Matagal na. Wala ka lang lakas ng loob na aminin sa sarili mo... 'di ba?" Pumait ang boses n'ya kaya lalo akong nakaramdam ng matinding konsensya.
"I'm sorry... hindi ko magawang magpakatotoo sa sarili ko kasi natatakot ako. Magkaibigan kami. Kung paiiralin ko ang nararamdaman ko para sa kan'ya na mas higit pa sa kaibigan, pwede kong masira ang kung ano 'yung meron kami ngayon..." Ito ang pinakakinakatakutan ko dahil kapag hindi ko makontrol ang feelings ko para kay Mon, kung paiiralin ko ang pagiging makasarili ko, mawawala sa'kin ang friendship na ang tagal naming iniingatan.
I've loved him ever since we were kids. I loved him when he accepted me for who I am. I loved him when he didn't care about our status. I loved him when he first set his eyes on my siblings and played with them. I loved him when he didn't say anything wrong about my mother, even though there were times that he didn't like the way she treated me.
Mahal ko s'ya... mahal ko s'ya. At kahit ilang beses kong itago at idaaan sa bulong, sulyap, at dasal ang pagmamahal ko sa kan'ya, lumalabas pa rin 'yun sa bawat tono ko sa tuwing may tampuhan, asaran, tawanan, at iyakan kami. Ilang beses kong tinangkang umamin pero hiyang-hiya ako. Kasi hindi ko s'ya deserve. Kasi gusto ko maayos akong haharap sa kan'ya... 'yung may pangarap, may goal, may oras, at may mapagmamalaki. Gusto ko munang may mapatunayan sa sarili ko bago ko s'ya pangarapin. Pero nang makita ko s'ya na napapalapit na kay Annika, naisip ko na baka hindi nga talaga kami pwede. Na 'yung selfishness at selos ko, hindi uubra kasi magkaibang-magkaiba kami. Bagay na bagay sila. Bagay rin ako sa kan'ya... bagay maging best friend.

BINABASA MO ANG
Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)
RomancePhillie fits in every shoe. Except hers. Si Phillie na yata ang reyna ng labada sa buong barangay nila. The best pa na kapatid, anak, at kaibigan. Maging kurso ng engineering na halos gapangin niya palabas ng classroom araw-araw ay kayang-kaya niyan...