#15

79 2 0
                                    

#15

TRIGGER WARNING: Intrusive thoughts & Self-harm

Nakayuko ako habang naghihintay ng sweldo ko sa paglalaba. Wala ako sa maayos na kalagayan para maging masigla. Parang lahat ng galaw ko mabigat. At kahit ilang beses akong bumuntong hininga, hindi 'yun naiibsan. Ni hindi ko naubos ang labada ko ngayon.

"Phillie, ito..."

Tumunghay ako at maliit na nginitian si Liam habang kinukuha ang bayad sa'kin. Mataman n'ya akong pinagmamasdan na parang kinakapa ang pakiramdam ko.

"Pasensya, Liam. Nakakahiya, hindi ko natapos 'yung labahin, natagalan pa ako sa paglalaba. Pasabi kay Ate Desiree, pupunta ako bukas ng maaga para matapos."

"Phillie, magpahinga ka," nag-aalala n'yang sabi. "'Wag mong isipin ang labahin, kaya na namin 'to. Ilaan mo na ang araw bukas para sa sarili mo. Nitong nakaraang araw pa kita nakikitang matamlay pero subsob pa rin sa trabaho."

Kahit papaano ay napangiti ako nu'n. Tumango ako at nilunok ang bumigkis na bigat sa lalamunan ko. "Salamat sa concern. Drained lang ako sa school works."

Natahimik kami ng ilang segundo bago n'ya basagin ang katahimikan. "Everything will be alright, Phillie. Matatapos din ang issue."

"Anong issue?" Sa ilang araw kong pag-aalaga sa sakit sa puso ko, nawalan na ako ng pakialam sa nangyayari sa paligid kaya naman hindi ko alam kung anong sinasabi ni Liam. Malungkot naman s'yang nagpatuloy.

"'Y-Yung issue na mag-on na sina Annika at Rino. Mukhang hindi mo pala alam. Ilang araw na ring kumakalat 'yun."

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bibigyan ko pa ng atensyon ang bagay na 'yan. Sa bigat ng loob ko sa nangyaring sagutan namin ni Mon, parang gusto ko na lang isarado ang pinto ko sa lahat... na hindi ko naman pwedeng gawin dahil may mas kailangan pa akong asikasuhin kaysa sa away namin.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Mula pagluluto ng hapunan, pag-aasikaso sa mga kapatid ko, pagliligpit, at ngayong pagtambay ko sa bintana, malabo sa alaala ko. Kinapa ko ang pisngi at natagpuan na basa 'yun. Umiiyak na naman ako. Hindi na naman ako makahinga ng maayos na parang wala akong malanghap na hangin. Kumikirot na naman ang puso ko na kahit hawakan ko ang dibdib, hindi ko magawang mapawi ang sakit.

Tahimik akong humagulgol at pinagdarasal na hindi ako marinig ng mga kapatid ko. Ibinaon ko ang mukha sa unan at 'dun ibinuhos ang lahat.

Ano ba? Ilang gabi na akong ngumangawa. Ilang gabi pa ako iiyak?

Hanggang ngayon paulit-ulit pa rin sa utak ko ang mga sinabi ni Richmon. Ang galing n'ya. Ang galing-galing n'yang iparamdam sa'kin kung gaano ako kabilis saktan. Ang galing n'ya dahil alam na alam n'ya kung paano ako ibabalik sa pwesto ko.

Pero siguro nga may kasalanan ako. Baka nga kasi talagang nasasakal ko s'ya. Baka hindi n'ya lang masabi sa'kin kasi alam n'ya kung gaano ako kadrama. Pero nangako kami na walang lihiman, eh. Bakit sa isang iglap, ang dami na naming tinatago sa isa't isa?

Maybe I really tired him out. Sa tagal naming magkasama, sawang-sawa na s'ya sa mga problema ko kasi paulit-ulit lang naman ang nangyayari. Pagod na s'ya kakapasan sa'kin. Pagod na s'yang saluhin ako. Pagod na s'ya...

Pagod na rin ako... at s'ya lang ang pahinga ko. S'ya lang ang takas ko sa mga responsibilidad ko. S'ya lang ang takas ko para maging ako. But I ended up dragging him down with my burdens. I am his burden.

Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon dahil totoo lahat ng sinabi n'ya. Sa rami ng pinagdaanan ko, dapat kaya ko na pero sa huli umaasa pa rin ako na matatakbuhan ko s'ya. Gusto ko nand'yan pa rin s'ya. Ang selfish selfish ko.

Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon