#01

105 2 1
                                    

#01

Gumawa ako ng bula mula sa sabon habang nagpapahinga ng kaunti. Nang pumutok 'yun ay napangiti ako at muling gumawa ng isa pa, hindi na alintana ang nangangati kong kamay at paa dahil kanina pa babad sa bareta at tubig.

"Good morning, Phillie."

Natigil ako nang mamataan si Liam na lumabas ng bahay nila at lumapit sa akin. Halatang kagigising pa lang nito at pupungas-pungas pa. Natawa ako sa hitsura n'ya dahil mas halata ang kasingkitan ng mga mata n'ya kapag bagong gising.

Hawak n'ya sa magkabilang kamay ang dalawang tasa ng kape. "Kape muna tayo—I m-mean... pinapaabot ni Mama. May almusal sa loob, tara."

Ngumiti ako at naghugas ng kamay para lumapit sa kan'ya. Nahihiya kong inabot ang tasa ng kape at tumabi sa kan'ya para panoorin ang mga alaga nilang manok.

"Hindi na. Salamat sa alok. Kumain na ako sa bahay," tanggi ko pero tinaas ang tasa. "Ito ang hindi ko tatanggihan."

Parehas kaming natawa at muling natahimik. Mag-aala singko pa lang ng madaling araw pero pumunta na agad ako sa bahay nina Liam para umpisahan ang paglalaba. Hindi ako natuloy sa pagpunta kahapon dahil sa biglaang pagbuhos ng malakas na ulan kaya ngayon na lang.

Matagal na naming suki sa paglalaba ang pamilya ni Liam kaya madalas kaming nagkakausap. Binuksan ko ang cellphone para i-chat si Amy, kapatid ko.

Phillie Nuts: Mahal na reyna, may usapan tayo kagabi. Baka nakakalimutan mo?

Phillie Nuts: Anong oras pasok mo? Patulong ako saglit dito kina Liam. Gumising ka na dyan!

A(r)my: nAndyan bà unG krA$h qouh Te???

Phillie Nuts: Yung manok? Oo.

Natawa ako nang i-angry react n'ya ang chat ko. Ilang segundo s'yang typing bago mawala saglit.

A(r)my: Te d2 nA c maD3r. BuRlö6 4nG Nànay muoh. TàlO mAjoN6.

Napabuntong hininga na lang ako.

Phillie Nuts: Sige, dyan ka na lang. Yung kambal ha. Ihatid mo. Lagyan mo ng tig-isang ballpen at nagpukpukan kahapon yan dahil nag-aagawan. Magbaon ka ng kanin, nagluto na ko dyan. Hintayin mo si Jek, nasa kanya pamasahe nyo.

A(r)my: 3 lAñ6 iTlög d2?? W4là qA?

Phillie Nuts: Di ako magbabaon. 2 classes lang ako. Mag-asikaso ka na. Anong petsa na.

Nang magthumbs up ay saka ako napanatag. Muli akong humigop ng kape. Sarap!

"Wala kang pasok?" tanong ni Liam na nasabayan ng notification ng chat. Pasimple kong sinilip 'yun at nakita sa chat head ang mukha ni Mon.

"2 classes lang. May meeting daw 'yung mga profs namin," sagot ko. "Ikaw?"

"3 classes lang pero paniguradong gagabihin na naman 'pag magkayayaan ng inuman."

Kapwa kaming natawa. Alak na yata ang dumadaloy sa ugat ng lalaking ito. Kung sabagay, rinig ko patayan na sa department nila ngayon dahil malapit na naman ang qualifying exam nila.

Nakikinig ako sa kwento ni Liam nang muling tumunog ang cellphone ko. Doon ko naalala ang chat ni Panget.

mayamang buwan: aga-aga nandyan ka sa bahay ng kwago

mayamang buwan: jwu

mayamang buwan: sabi ko jwu

mayamang buwan: aba, lagi mo kong nakakalimutan pag kausap yan

Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon