#07
"Si Mama?"
"Umalis na, 'Te!" sagot ni Amy na nagpapakain kay Gigi. Sabay ko namang inaasikaso ang kambal at sarili ko para pumasok sa eskwelahan.
"Akin na 'to!"
"Nakakarami ka na, Kikay! Amina!"
Nalingat lang ako saglit ay nagsalpukan na sina Mikay at Kikay. Pinag-aagawan nila kung kanino na lang ang huling pandesal na naiwan sa mesa.
"Kambal!" awat ko nang maghilahan na sila ng buhok. Nagulo na ang tinali ko sa kanila! Pinaghiwalay ko sila bago pa pumasok ang isa sa kanila ng may black eye. I heaved a deep sigh.
"Ate! Ang sakit ng sabunot ni Mikay!" sumbong ni Kikay na umiiyak na. Maging si Mikay ay umiiyak na sa inis.
"Puro ka sumbong! D'yan ka naman magaling!"
Napahawak ako sa ulo ko dahil pumipintig na 'to sa sakit. Idagdag pa na hindi ako nakatulog ng maayos kagabi at nakainom ako ng kaunti. "Upo."
"O, bakit? Anong gagawin ko eh sinabunutan mo ako!"
"Nagpapaawa ka lang!"
"Upo!" Nang bahagyang tumaas ang boses ko ay tumigil sila at sisigok-sigok na umupo. Nakita ko si Jek na napasilip mula sa cr para tignan kung anong nangyayari. May shampoo pa s'ya sa ulo kaya sinenyasan ko s'yang 'wag kaming intindihin.
"Anong sinabi ko tungkol sa pag-aagawan ng pagkain? Nakalimutan n'yo? Mikay? Kikay?"
Napayuko sila at pinunasan ang luha sa pisngi. "Maghating kapatid."
"Tama. 'Yun ba ang ginagawa n'yo ngayon?" dagdag ko habang kumukuha ng malinis na pamunas. Sabay silang umiling. "Use your words."
"H-Hindi po."
"Imbis na maghating-kapatid, anong ginawa n'yo?"
"Nag-away po." Ilang segundo silang natahimik bago muling umiiyak na nagkalbitan. "Sorry, kambal!"
Humingi rin sila sa'kin ng tawad pagkatapos nilang magbati. Muli kong inayos ang tali at uniporme nilang medyo nagusot. Nagpatuloy ako sa pag-aasikaso sa kanila hanggang sabay-sabay silang umalis para pumasok. Si Jek ang maghahatid sa kambal ngayon. Si Amy naman walang pasok kaya s'ya ang magbabantay kay Gigi.
"Amy, pasok na 'ko. 'Wag mo na galawin ang labahan d'yan. Ako na 'yan mamaya."
"Sige, 'Te."
"Ah, may nakabilad din palang sapatos sa bubong. Sandali, akyatin ko muna." Binaba ko ulit ang bag at lumabas. Nagmamadali akong sumampa sa hagdang gawa sa kahoy pero nakakadalawang akyat pa lang ako, may nagbaba na sa'kin.
"Mukha kang kawatan." Si Mon! "Anong gagawin mo?"
"Kukunin 'yung sapatos ng kaklase natin. Nagpapintura 'yun sa'kin kahapon kaso 'di ko natapos kaya inuwi ko. Tuyo na 'yun."
Habang nagsasalita ako binigay na n'ya sa'kin ang bag n'ya at s'ya na mismo ang umakyat sa bubong.
Bait talaga ni panget! "Thank you!" sabi ko pagkababa n'ya. Satisfied kong tinignan ang gawa ko. Uso raw kasi ang aesthetic kaya neutral colors lahat ng gamit ko.
"Ang ganda," manghang komento ng katabi ko kaya lalo ako natuwa.
"Baka, Phillie mo 'to?"
"Good morning!" dungaw ni Mon mula sa pinto.
"Naks, consistent sa pagsundo si Kyah Mon!"
"Mismo. Alam mo namang bigla na lang nahalik sa lupa 'yang ate mo kapag nalilingat ako." Ang aga naman ng paglalambing ng panget na 'to. Naiirita na agad ako.

BINABASA MO ANG
Phillie, Wear Your Shoes (Loving Her Series I)
RomancePhillie fits in every shoe. Except hers. Si Phillie na yata ang reyna ng labada sa buong barangay nila. The best pa na kapatid, anak, at kaibigan. Maging kurso ng engineering na halos gapangin niya palabas ng classroom araw-araw ay kayang-kaya niyan...