chapter 23 Breakfast

8.1K 210 7
                                    

Ipinikit nya ng ilang minuto ang kanyang mga mata, habang nagkakarera sa kaba ang puso nya..

Unti-unti syang nagmulat at tumingin ulit sa dereksyon kung saan nakita nya pamilyar na bulto ng katawang iyon.

" Haisst... namamalikmata nga lang talaga ako. Paano ko ba sya makakalimutan!"

Tumungo na ako sa mini-grocery at pumili ng paborito kong ice cream flavor PISTACIO. " Ibabaling ko nalang ang atensyon ko sa pagkain nito."

Umakyat na ako at naupo sa tapat ng TV habang kumakain. Nakakalahati ko na ang ice cream pero wala paring magandang palabas.

" Makatulog na nga lang!" Tumayo na ako at nagtungo sa kusina para ilagay ang natitirang ice cream sa ref.

Pabalik na ako ng sala ng mapansin ko ang bulaklak na deniliver sakin kanina. Kinuha ko ito at tiningnan at inamoy-amoy. " Hmmm ang bango!"
Kanino kaya galing ito?

.....

Stan

Napansin nya kaya ako?
Ang akala ko pa naman kasi hindi na sya lalabas pa ng kanyang unit.

Napansin ko rin bitbit nya ang pinadala kong bulaklak kaninang hapon. Mukhang may maaliwalas ang araw nya. kaya naman naisip ko may pag-asa pa.

Kailangan ko ng gumawa ng hakbang.
Siya lamang ang nag-iisang babae na pinaka iingatan ko at sasambahin ko.

Babawi ako baby, babawi ako sa lahat-lahat.

.....

Tin

Kahit puyat, maaga paring nagising si Tin.

Nagluluto sya ng breakfast nya nag marinig nya ang kanyang doorbell.

Pinahinaan nya ang kalan, at saka inayos ang sarili bago nagtungo sa front door. Hindi na sya nag-abalang silipin ito sa pinhole.

Maluwag nyang binuksan ang pinto.

Ilang minuto din silang nagtiti-tigan.
Habang parang tumigil ang pag-ikot ng mundo nya. Tanging ang malakas na pag bayo ng dibdib nya lang ang naririnig nya. Pakiramdam nya nawala lahat ng dugo sa katawan nya.

Nang maamoy nya ang niluluto nya, eto ang nagpabalik sa wisyo nya. dali-dali syang tumakbo para patayin ang kalan.

" Im sorry, pumasok na ako." napapitlag ako..

" Nag dala pala ako ng breakfast, inisip ko kasi baka tulog kapa." kaswal nitong sabi na para wala lang.

" Why are you here? paano mo nalaman na nandito ako? At sino nagsabing pumasok ka dito sa loob." sunod-sunod kong tanong

" Tin.." Gosh, bakit parang nanlambot ang puso ko sa pagtawag nya lang ng pangalan ko. Ganito ba ako ka apektado sa taong to.

" Please, pakinggan mo muna ako. H'wag ka muna magalit. Let me explain." Pagsusumamo nito.

" I miss you..." he said

Tinitigan ko sya sa mata ng walang emosyon. Grabe ang tagal din naming hindi nagkita, lalo syang naging gwapo, Ang kanyang mga labi na walang sawa ko hinahalik-halikan noon, ang kanyang mga mata na laging nagbibigay ng mga ngiti sakin, kapag nahuhuli ko syang nakatingin sa akin.
Parang gusto ng mga paa kong tumakbo at yumakap sa matigas nyang dibdib. I miss you too..sigaw ng isip ko.

Pero kelangan kong magpakatatag.
Kung ayaw kung masaktan ulet. Nakatayo na ko, nakapag move on na ako, tapus heto sya ulet. Hindi maari.. sabi ng utak ko.
Nakapag move on nga ba talaga? e bakit apektado ka.. kontra naman ng puso ko. Chance, give it a chance.. dagdag pa ng pasaway kong puso.

" Okay, bibigyan kita ng ilang minuto. Ano ba ang kailangan mo?" matigas kong sabi

" Can we talk about it after breakfast, gutom na kasi ako eh. Eto oh bumili ako ng breakfast natin." sabay taas ng isang malaking supot ng paper bag.

" Excuse me Mr Villegas, like i've said im only giving you my minute to tell me why are your here?! Hindi natin kailangan sabay kumain ng breakfast, at hindi rin ako nagugutom!" pagalit kong sabi.

Gwwwrrr, sya naman pagkulo ng tiyan ko. Bwiset pahamak..pinahiya pa ko.

....

A/N: kunwari pa kasi namiss din pala.
Tin my kasabihan na..Love is much sweeter the second time around.

My Loner Love #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon