TRP: 41 (Sabrina)

593 23 0
                                    

LECKZY'S POV

"Leckzy, anong gusto mo dito sa dalawa? Itong adobo o itong menudo?" Tanong ni Clark sa akin.

"Adobo." Walang ganang sabi ko bago kumuha ng adobo pero nagulat ako ng bigla nyang agawin ang kutsara na hawak ko.

"Let me!" Sabi nya at nagsimulang mag-lagay sa plato ko. Malakas na lang akong napabuntong hininga at hinayaan sya sa ginagawa nya.

"You can eat now, Princess!" Sabi nya bago ngumiti sa akin. Inirapan ko sya at malakas ulit na bumuntong hininga.

"Sana all!" Chelsey said at kinalabit si Ivan. Nalilito namang tumingin sa kanya si Ivan.

"Ano yun, Babe?" Tanong ni Ivan.

"Lagyan mo rin ako sa plato ng mga pagkain." Malambing na sabi ni Chelsey.

"May kamay ka naman, ba't 'di mo gawin?!" Sarkastikong sabi ni Ivan. Kinurot sya ni Chelsey sa braso bago inirapan.

"Apaka-sweet mo talaga! Bwesit ka!" Sabi ni Chelsey bago kumuha na ng mga pagkain.

"Totoo naman ah! Kaya mo naman gawin, ipapautos mo pa sa akin." Ivan said. Chelsey glared at him.

"Shut up!" Sigaw nito kay Ivan. Napailing iling na lang si Ivan.

Bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko na si Kuya Kian ang tumatawag kaya tumayo ako at naglakad papunta sa labas bago ko ito sinagot.

"Hello, Kuya Kian!" Sabi ko sa kabilang linya.

"Lecks, asan ka?" Tanong nya.

"Uhm...ahhh, nandito ako sa bahay ng grandparents nila Clark!" Sabi ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa nya. Napakunot ang noo ko.

"Sana magkaayos na kayo ni Clark. Sige na, baba ko na rin 'to. May gagawin pa pala ako. Ingat kayo dyan." Sabi nya at pinatay na ang tawag.

Napabuntong hininga ako bago inilagay sa bulsa ang cellphone. Pero maglalakad pa lang ako papasok ng mag-ring ulit Ang cellphone ko. Tinignan ko ang caller at nakita unknown number lang ito. Pinatay ko ang tawag at maya maya lang ay nag-text naman ito.

UNKNOWN NUMBER:
Ibalik mo ang kompanya namin at titigilan na kita. Please, nagmamakaawa ako, Leckzy!

ME:
I will think about it!

Pinatay ko na ang cellphone ko pagka-send ko ng text sa kanya. I putted my cellphone in my pocket and went inside the house. Pagpasok ko ng bahay ay napansin ko agad na wala si Clark sa upuan nya.

"Sino ang tumawag?" Tanong ni Chelsey.

"Kuya Kian!" I said. Umupo na ako sa upuan ko at nagsimulang kumain. Pero hindi ko talaga mapigilan ang pag-tingin ko sa upuan ni Clark.

"Nasa loob na sya ng kwarto nya. Bigla daw sumakit ang ulo nya." Sabi ni Izzy. Gulat akong napatingin sa kanya.

"Sinagot ko lang ang tinatanong ng isip mo." Sabi nito at nagpatuloy ng kumain.

Hindi ko alam pero bigla na lang akong nawalan ng gana. Malakas akong napabuntong hininga bago tumayo sa aking inuupuan. Napatingin sila sa akin maliban kay Izzy.

"I have lost my appetite!" Sabi ko at naglakad papunta sa taas.

Napansin ko agad si Clark na nasa terrace ng kwarto nila. Naka-open kasi ang pinto kaya nakita ko agad sya. Malakas akong napabuntong hininga bago pumasok sa loob ng kwarto namin.

Kinuha ko ang lagyanan ng gamot sa aking bag bago kumuha ng gamot para sa sakit ng ulo. Lumabas ako at dire-diretsong pumasok sa kwarto nila Clark.

"Ehem!" Gulat syang napatingin sa akin.

The Reneged Promises (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon