Chapter 23

484 34 0
                                    


Avery

Kung hindi mainit ang ulo, laging late na kung dumating si Sebastian. Nakakapagtaka talaga kung bakit ito nagbago.

"Seb gumawa ako ng breakfast. Want to eat with us?" tanong ko sa kanya noong makalabas ito ng aming silid.

"No, thanks. Sa office na ako kakain," sagot niya.

"At least have some sandwich," sabi ko pa.

"I said no!" pagalit niyang sabi bago nito binitbit ang kanyang attach case at lumabas ng pintuan.

Napadla ako dahil nasaktan ako. Hindi makagalaw. I feel like I'm going to burst in tears kung hindi lang dahil sa presensya ni Cameron. Nahihiya na rin ako sa mga katulong ng bahay sa dahil sa mga pambubulyaw ni Sebastian sa akin.

Am I wrong? All I want is just a complete family at akala ko ay matatagpuan ko iyon kay Sebastian. Well I guess I'm wrong this time around.

"Mommy?" tanong ni Cameron na naramdaman kong humawak sa aking kamay. "Are you okay?"

Tumingin ako sa kanya at saka ngumiti.

"I'm fine anak. Don't worry," sagot ko sa kanya.

"Why is Papa angry with you, Mommy?"

"I think he has a problem right now. Don't worry mamaya ay mawawala na rin iyon," pagsisinungaling ko sa kanya.

"Okay," sagot niya ngunit nababakasan ko sa kanya ang hindi naniniwala. Eight years old na si Cameron at alam na niya ang tama o mali. Every day he grows up, the more that he becomes a splitting image of Marius. At natatakot ako baka makilala siya ng mga nakakakilala kay Marius.

Hindi na ito nangulit bagkus at tumungo ito sa kanyang silid at nag-toothbrush bago nagpaalam na papasok na sa kanyang eskwelahan.

Kinagabihan ay maga-alas tres na ng madaling araw ng umuwi si Sebastian. I was assaulted by another scent this time. Hindi ito katulad ng kay Gaynell but it's something sweet. Bumangon ako dahil hindi ko matiis ang amoy na iyon. Para kasi akong sinasaktan. That sweet smell is something that I'm well aware of. It is the scent that the omega produces when fated mates are paired. Only omegas can smell it.

That smell is suffocating me so I had to go out and cry my heart out. It hurts. It hurts so bad that I want to just rip my heart and throw it away from me. I shouldn't have accepted him in the first place. This is all my fault. Naramdaman kong bigla na lang sumakit ang aking tiyan. I'm still in my third month of pregnancy. So I have to calm down para hindi mag-react ang baby sa loob ng aking tiyan. Sebastian still isn't aware of my pregnancy and I doubted it if I had the guts to tell him. Pinahiran ko ang aking mga luha at saka ngumiti.

"I should pack our stuff out and move again before Sebastian kicks us out. I'm needed here," sabi ko sa aking sarili.

Ah, life of an omega is hard.

"Follow that car, please," sabi ko sa taxi driver ng hapong iyon habang nakaantabay ng labasan ng opisina nina Sebastian. Nagbabakasakali lang ako kung makikita ko ba siyang lumabas o hindi.

Sinundan ng driver ang sasakyan ni Sebastian. Kanina kasi ay nagduda ako kung bakit naiwan na naman ang driver niya sa bahay at ang old butler nito ang kasama. Hindi ko maintindihan ang aking sarili habang sinusundan namin ang sasakyan nito. Para bang hinihila ang aking buhok sa sensasyong hindi ko mawari lalo na at hindi pamilyar sa akin ang daanan na tinatahak namin. I've been to all of Saavedra's properties. Lahat na ay napuntahan ko ngunit iyong pupuntahan ni Sebastian ay hindi ko alam.

Namalayan ko na lang na nagbukas ang isang gate ng isang malaking mansion. Bumaba ako sa taxi at binayaran pagkatapos. Naglakas ako palapit sa gate habang tinatambol-tambol ang aking dibdib sa kaba. Eksaktong pag-sara ng gate ay nakita kong lumabas ng pintuan si Gaynell. Masaya itong tumakbo payakap kay Sebastian. Binuhat siya ni Sebastian at nakita kong iniyakap nito ang mga paa sa bewang ni Sebastian. And then I saw them kiss. I put my hands against my mouth upang pigilan ang tunog na lalabas mula doon habang bumubuhos ang aking luha sa aking mga mata. Ang sakit. Ang sakit sakit na. Hindi ko na kaya ang aking nakikita. Si Gaynell ang fated pair ni Sebastian at hindi man lamang nito sinabi sa akin?

Fated to You ( B L )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon