Chapter 42

375 32 1
                                    


Avery

Bigla akong napahawak sa aking tiyan habang naglalakad kami ni Ate patungo sa bahay na sinasabi niyang pag-aari ng parents ng kanyang partner noong nabubuhay pa ito. Medyo malayo-layo ito sa mainroad at kailangang lakarin dahil ito nakapasok ang sasakyan doon.

"Are you okay Jade?" tanong niya sa akin habang hawak-hawak ang kamay ni Cameron.

"Yeah I'm fine teh. Sumipa lang kasi ang kambal," sagot ko sa kanya.

"Siguradong ayos ka lang ha? Malayo-layo pa ang bahay dito, Jade. Pwede tayong magpahinga," sabi pa niya.

"Hindi na ate. Dumiretso na tayo," sagot ko.

Pagdating namin sa bahay ay hingal na hingal ako. Binuksan ni ate ang bahay gamit ang susi na iniwan sa kanya ni Abigail, ang kanyang partner bago ito nangibang-bansa.

"Wala tayong pagkain dito at malayo-layo rin ang city mula rito. Are two okay na maiwan kayo dito?" tanong niya sa akin matapos kaming magkapasok sa loob.

The house is obviously built during invasion era base na rin sa ayos at disenyo ng bahay. Maliit lang ito, bungalow style na nasa tuktok ng burol. Kung hindi ako nagkakamali ay dating farm house ito. Sa labas ay makikita ang malulusog na grassland at mga buhangin. May mga mangilang-ngilang mga tupa ang nanginginain sa mga damo at may mga pastol na nakaupo sa carpet at nagkakape. Ayon kay Ate ay disyerto na raw ang kasunod ng bayang pinuntahan namin.

"Bring Cameron with you, ate," sabi ko sa kanya.

"Huh? Bakit? Baka kung mapano ka? You need someone to be with you," sagot niya

"I'll be fine. Sige na ate. Humayo na kayo para makarating kayo bagon magdilim," sagot ko sa kanya.

Kahit na halatang-halata ang hesitant ni ate na dalhin si Cameron ay nanaig pa rin ang pagpupumilit ko. Cameron is trying to understand everything but he's just a kid. At may limit rin ang pang-una ng bata.

Inihatid ko sa pintuan ng bahay ang dalawa.

Ayon rin kay ate ay may taga-linis ng bahay. Dalawang beses sa isang linggo kung ito ay pumunta. Sabi niya ay isa raw itong omega na malayong kamag-anak ng nanay ni Abi. Malinis ang bahay. Halatang bagong palit ang mga sapin ng mga upuan at mga kama sa bawat kwarto na naroon. Matapos kong mai-lock ang main door ay pumasok ako sa isang kwarto at nagpasyang magpahinga matapos hubarin ang abaya na aking suot. Halos tatlong araw rin kaming nagbyahe ni ate mula sa kapital city ng Bremix. Nakakapagod ang byahe at nakaka-stress na rin. It's been like one month since palipat-lipat kami ng lugar na mapagtataguan. Ilang linggo na lang ay due date ko na. Ramdam na ramdam ko na ang pagnanais na makalabas ng aking mga anak sa aking tiyan. Marius hasn't contacted us yet at hindi ko maiwasan ang hindi mag-alala.

What if naisipan nina Haize at Sebastian na ipapatay si Marius? What if sa galit nila na hindi ako mahanap ay siya at ang mga magulang niya ang mapagbuntungan ng galit nila rito.

Habang nag-iisip ay biglang nag-vibrate ang bagong keypad phone na binili sa akin ni ate. Agad ko itong sinagot.

"Hello Jade? Ipad-lock no ang pintuan sa labas ng bahay. Doon ka lumabas sa secret door na nasa loob ng kusina. Kapag nakita mo yung lumang ref diyan, buksan mo iyon at doon ka pumasok palabas ng bahay. May nakasalubong kami ni Cameron na itim SUV. Bihirang magkaroon ng ganoong uri ng sasakyan dito. Magtago ka at huwag na huwag kang lalabas o mag-iingay kahit anong mangyari. I have bad feelings about them," bilin niya sa akin.

Agad kong ginawa ang sinabi sa akin ni ate. Just why the hell did those bastards know something like this place? Naghanap ako ng pwedeng pagtaguan sa loob ng bahay na hindi ako mahahanap kung sakali mang buksan nila ang bahay. Nakita ko ang isang malaking kabinet na natatakpan ng puting kumot sa huling kwarto at doon ako nagtago. Halos kakasara ko lang ng pintuan ng marinig kong may mga nag-uusap sa labas.

Fated to You ( B L )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon