Chapter 5

814 62 3
                                    


Avery

Kahit sabihing may privilege kaming mga omega ay hindi pa rin ito magiging sapat lalo na sa mga single parent na katulad ko lalo na kung maliit pa ang anak mo at hindi naman ganoon kalaki ang sinasahod mo. Pinagkakasya ko lamang ito mula sa gastusin sa bahay, pangangailangan ni Cameron at renta ng aming tinitirhan. I wanted to give up studying at kumuha ng isa pang trabaho para sumapat naman kahit papaano ang kita ko sa amin. Pero kung gagawin ko iyon, hahaba ang oras ni Cameron sa day care at kakaunti lamang ang oras na pwede maging bonding time namin ng aking anak.

May nga pagkakataong gustong-gusto kong tawagan si Marius upang manghingi ng sustento para sa anak namin pero pinipigilan ko ang aking sarili. He doesn't have to know that he has a son. I can't hide the fact that my son is a splitting image of Marius. But I pray every night na sana hindi niya mamana ang ugali nito.

The only thing I never regretted when I was with Marius was when I learned that I am pregnant. Cameron is my blessing. Siya iyong rason kung bakit hindi ako sumuko o ni hindi ko nagawang ibenta ang aking katawan kapalit ng pera. He's the reason why I'm still sane despite those hardships I went through.

"Malapit na ang birthday ng baby mo," sabi sa akin ni Sion habang nasa break kami. "Any plan?,"

"Siguro ipapasyal ko na lang siya sa park at bibilhan ko na lang siya ng cake. Honestly, I barely made a profit these past few months. And I'm saving for his future so, that's explain," sagot ko sa kanya.

I'm an omega. And being omega means no job opportunities for us. Mailap ang trabaho lalo na kapag nagkaroon kami ng heat. Most of the companies don't hire omegas. Their heat may cause a problem lalo na kung may mga alpha na nagtatrabaho doon.

"Does his father know he had a son?" tanong niya.

Bumuntong-hininga ako.

Sion knows everything about me. And he knew who my baby's father was.

"No. Hindi nya pwedeng malaman," sagot ko sa kanya.

"You know he had the right to know he had a son with you," aniya pa.

"I know that. Pero ayokong ipaalam na may anak kami. You know the story of my life, Boss. Kapag nalaman niyang may anak kami, yung nag-iisang rason kung bakit lumalaban ako sa buhay ay maaaring maging rason na tuluyan na akong sumuko," sagot ko.

"But you know raising a kid isn't easy lalo na sa mga katulad natin," aniya pa.

"I know. That's why I'm striving hard," nakangiting sagot ko. "I'll do anything for my son."

Pagsapit ng gabi ay nagpaalam na ako kay Boss.

Paglabas ko ay nadatnan ko si Seb habang naghihintay sa akin sa labas. This guy's one hell of persistent. And I hate it.

"Good evening," nakangiting sabi niya.

"Do you need to come here every single night?" tanong ko sa kanya.

"I have to," aniya pa. "Paano ko maipapakita sayo kung gaano ako kaseryoso sayo?" aniya pa.

"Seb, look," sabi ko bago kami nagsimulang maglakad. "I am already marked. Hindi na ako pwede. Besides, I don't have any plans for any relationship right now."

"Kahit anong sabihin mo, magpupumilit pa rin ako, Avery. I already set my eyes on you. And one thing about me that you should know is that, I'm stubborn as hell," sabi niya bago tumingin sa akin. "And I'm dead serious about you."

Napahinto ako sa paglalakad at saka tumingala ako sa kanya.

"You know, your fated pair will come one day. Why don't you wait? Don't waste your time on me. I'm already damaged."

Fated to You ( B L )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon