TRP: 42 (Leaving)

608 22 0
                                    

LECKZY'S POV

"Kailangan ko pa bang ipaulit ulit sa inyo na hindi ko ibabalik ang kompanya nila Saddie hangga't hindi sya tumitino at pag-sisihan ang lahat ng pag-kakamali nya." Sabi ko kay Daddy sa cellphone.

"Hindi kita pinalaki ng ganto, Leckzy. Sumusobra ka na! I don't know you anymore. Dahil sa galit mo, nawawalan ka na ng pakialam sa nararamdaman ng ibang tao! Puro pag-hihiganti na lang ang nasa utak mo! Hindi ko inakala na aabot ang lahat ng ito sa ganto, Leckzy! Wag mong hayaang pabalikin kita sa America at hindi na pabalikin dito." Daddy said angrily on the other line before he ended the call. Hindi nya ako naiintindihan dahil hindi nyo naman naranasanang masaktan.

"Binili mo ang kompanya nila Saddie?" Gulat akong napatingin sa aking likod ng marinig ang boses ni Izzy.

"Izzy, ginulat mo ako!" Sabi ko. Medyo kinabahan ako ng seryoso lang syang nakatingin sa akin.

"Akala ko ba last na yun, Leckzy? Last na yung ginawa natin sa party nya? Yun ang usapan natin diba?" Seryosong sabi nya.

"Izzy, hindi mo ako naiintindihan----" naputol agad ang sinasabi ko dahil sa sinabi nya.

"Nakakalungkot lang na makita na unti unti ka ng nagbabago. Unti unti ng naglalaho ang babae na pinakahinahangaan ko." Sabi nya bago malungkot na ngumiti sa akin.

"Leckzy, sa tuwing kasama kita, feeling ko ibang tao ang kasama ko. Hindi si Leckzy. Hindi si Leckzy na mabait, matulungin, palangiti, makulit, at higit sa lahat mapagmahal sa kapwa." Sabi nya at unti unting nagsituluan ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Hindi na kita kilala!" Sabi nya. Bigla akong nakaramdam ng sakit. Unti unti na ring nagsituluan ang mga luha sa aking mga mata pero agad ko iyong pinunasan.

Hindi ko napansin na sobra na pala lahat ng ginagawa ko. Hindi ako 'to, e! Dahil sa galit at sakit na nararamdaman ko, nawalan na ako ng pakialam sa nararamdaman ng mga tao sa paligid ko.

"I'm.... I-I'm really s-sorry! I'm sorry!" Sabi ko habang umiiyak.

"I don't need your sorry. Basta ibalik mo lang yung dating ikaw. Please, Leckzy!" Sabi nito bago ako iniwan.

Doon ko na hinayaang tumulo ang mga luha ko. Ang dami ko ng nasaktan na tao. Hindi ako ito. Nabulag ako dahil sa galit at sakit. Pati ang mga inosenteng tao nadamay dahil sa galit ko. Walang kasalanan ang magulang ni Saddie pero dinamay ko sila.

Sobra na akong nahihiya sa lahat. Lalo na sa magulang at mga kaibigan ko. Dapat hindi na lang ako bumalik dito. Dapat nag-isip muna ako. Litong lito na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Kung babalik ba ako sa America? Magiging ayos na ba ang lahat? Tutal ako lang naman ang nanggugulo. Ako lang naman ang punot-dulo ng lahat ng ito. Kung hindi ako bumalik dito, hindi ito mangyayari. Hindi ko masasaktan ang mga kaibigan ko, at ang magulang ko.

*-*-*-*-*-*-*-*

Pagpasok ko ng bahay ay bumungad agad sa akin ang madilim na sala. Mukhang tulog na sila.

Malakas akong napabuntong hininga. Aakyat na sana ako sa taas para pumunta sa aking kwarto ng mahagip ng aking paningin si Daddy na naka-upo sa kitchen counter. Umiinom sya ng alak habang nakatulala lang sa kawalan.

Unti unti akong lumapit sa kanya. Mukha namang Hindi nya parin nararamdaman ang presensya ko. Nahihiya parin ako kay Daddy dahil nitong mga araw lagi na lang kaming naga-away.

"Daddy." Mahinang tawag ko sa kanya sapat na para marinig nya. Gulat syang napatingin sa akin. Pero mga ilang segundo lang din ay napakunot ang noo nya.

The Reneged Promises (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon