iii

10 0 0
                                    

Chapter 3   
                                                                   


SHE'S NOT MY TYPE.

Ayun ang unang bagay na pumasok noon sa isip ko noong nakita ko siya. That time puro pa ako basketball at walang balak pumasok sa isang serious relationship.

And then I met her, Nina.

She's very simple, quite na akala mo hindi makabasag pinggan kung kumilos. Everyone likes her so sinasabi ko sa sarili ko, I'll never be one of her fan boys. Pero kinain ko ang sinabi ko, because despite of her being quite there's something about her na nagustuhan ko, she has a pure heart.

She's the one who makes my world upside down, hindi ko alam kung paano pero nagulat na lang ako isang araw, sobrang mahal ko na siya. That time ko lang naramdaman ang bagay na 'yon, na totoo pala na may ganong pakiramdam?

~

I was walking sa corridors paakyat ng building namin, maaga akong pumasok dahil may try-out ako sa basketball team when I heard a piano playing, kinalibutan ako pero naglakas parin ako ng loob na silipin ang music room para tignan kung may tao ba rito o kung ano man.

Naka-pikit pa ako habang hawak-hawak ang door knob ng para buksan ito pero hindi ko pa napipihit ang pinto ng makita ko na kung sino ang nagpapa-tugtog ng piano. It's Nina, playing Moon River.

Napa-bitaw ako sa knob at natulala sa kanya habang naka-pikit siyang tumutugtog ng piano. Tumatama sa mga mukha niya yung sinag ng araw from the window and that makes her more beautiful, not gonna lie.

Nagulat siya ng makita niya ako sa glass window, napatayo pa siya. Binuksan ko 'yung pinto at pumasok tsaka siya pinalakpakan, nahiya ako sa ginawa ko kaya napakamot ako sa batok.

"Sorry kung naki-epal ako, rinig na rinig kasi from first floor 'yung piano so nag-assume ako na may multo dito but only to find out that it was you." Mahabang paliwanag ko. "Galing mo, wala akong alam sa piano pero ang galing mo." Sabi ko tapos ay umalis na dahil sa hiya ko.

~

That time, palagi na kaming nagkakakita sa corridors. She even asked if gusto ko raw matuto mag-piano, pumayag ako since dagdag rin sa pogi point if pareho kami ng trip sa buhay. I courted her and it lasted almost 3 months before she answered me 'yes'.

Akala niya daw kasi trip ko lang siya, pero dahil sa loob ng tatlong buwan ay napatunayan kong seryoso ako sa kanya, sinagot na niya ako.

Back then, we we're so happy. Hindi naming iniisip kung anong mangyayari bukas, kasi we both believe na hindi namin hawak ang kung anong meron sa future.

Pero kahit anong saya at stable ng relasyon, may isang bibitaw talaga. For unknown reason, bigla nalang siyang nawala at umalis, hindi ko alam kung anong nanyari, walang abiso basta bigla na lang siya nawala. Nung mga panahong 'yun umaasa pa rin ako na baka bigla siyang sumulpot at bumalik, pero hindi. Hindi bumalik si Nina, hindi ko na siya ulit nakita after ng ilang taon.

Aamin akong kakaibang saya 'yung nararamdaman ko ngayon dahil nakita ko na ulit siya. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay yung saya kasi nakita ko siya ulit ngayon, sobrang excited ako to see her and hindi ko ma-explain kung bakit.

"Remember when you told me you like me?" She suddenly asked, napailing ako dahil naalala ko. "Sinamahan mo lang ako 'nun na pumunta ng library, ang random mo that time and bigla mong sinabing gusto mo ko." Naka-ngiti niyang kwento.

"Ako ba talaga nag-sabi 'nun?" Hindi ko maka-paniwalang sabi. "Ang cheesy ko pala talaga. Tama nga si Cici." Sabi ko pa.

"Excuse me." Napa-lingon kami ng biglang magsalita si Cici. "Powder room lang." She smiled at Nina pero sa akin ay umirap siya, nagtaka naman ako at sinundan siya ng tingin hanggang sa maka-punta siya sa powder room.

Nawala ako sa mood nung nakita kong dumating si Gab, honestly naiinis ako sa existence ng isang 'to. Hindi ko alam kung bakit parang ang hangin ng dating niya sa akin pero dahil siya ang nagpapa-saya sa kaibigan, tatanggapin ko na lang siya.

Habang humahaba 'yung gabi, humahaba rin 'yung pag-uusap namin ni Nina. We talked about how's life after our sudden break-up, nalaman ko na sa ibang bansa na siya nag-aaral and she's here for unfinished business daw. Wala naman siyang nabanggit about sa kung anong business niya ditto sa Pilipinas at umuwi siya, pero feeling ko kasama ako sa mga unfinished business niya na 'yon.

"Boyfriend ni Cici?" She asked, lumapit siya sa akin ng kaunti at bumulong. "Akala ko kayo ni Cici, hindi ba?" Tanong niya pa, napatingin ako sa kanya.

"ARE YOU FOR REAL?" I said, tumawa ako at napa-iling. "Imposible," Natatawang kong sabi. "imposibleng magustuhan ako niyan." Bulong ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya. "Bakit naman imposible?" Tanong niya. "If single ka and single rin naman si Cici, I don't see any problem with that." Tinapik niya ako sa balikat.

Lumingon ako kay Cici at Gab na nag-uusap na halos mag-dikit na 'yung mga mukha, umiling ako at umirap tsaka hinarap si Nina.

"Kasi hindi ako ganyang type ng tao." Nginuso ko si Gab kaya napa-lingon si Nina doon sa dalawa.

After ng ilang oras, nag-paalam si Gab na aalis na siya. Tumakas lang daw kasi talaga siya para makita si Cici, ang cheesy.

And simula ng umalis si Gab, itong si Cici walang ginawa kundi ang irapan ako 'pag tumitingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano nanamang topak niya kaya pinabayaan ko na lang muna at bukas na lang siya harapin.

Moments passed nakita ko na lang si Cici na tulog sa counter, napailing ako at natawa. Iinom-inom, hindi naman pala kaya. Mag-aalaga nanaman ako ng batang lasing.

"Mukhang lasing na ata si Cici, Enzo." Sabi ni Nina sa akin, hinawi ko siya at lumapit kay Cici na naka-yukyok sa bar counter.

"Cierra." I called her name, tumingala lang siya at tinignan ako.

"Hey." Sabi niya at bumagsak nanaman ang ulo, napailing ako dahil sa kanya.

Bumaling ako kay Nina. "Sorry about Cici, mukhang kailangan ko na siyang i-uwi dahil lasing na siya." Sabi ko kay Nina.

"Sure! Mukhang kailangan na talaga nitong best friend mo magpahinga." Sabi niya at natawa. "See you next time, Enzo." Nag-wave siya sa akin at umalis na.

Umirap ako at inakay na si Cici, panira rin ng moment 'tong babaeng 'to eh! Pero dahil siya ang best friend ko siya uunahin ko, yare ako kay Kuya Gwayne kapag nagalusan kahit kuko nitong si Cici, mahal ko pa buhay ko 'no!

Sa byahe pauwi, hindi ko maiwasang mapa-iling sa tulog na si Cici rito sa tabi ko, she's peacefully sleeping as if nasa sarili niyang kwarto na siya at masarap na natutulog. Hindi naman ito ang unang beses kong nakitang lasing si Cici, actually I saw her many times na lasing at sobrang wasted.

Halos sana na nga ako na ganyan siya, hindi naman kasi masyadong pa-aalaga si Cici. Kalmado lang siya, minsan nagsasalita ng kung ano-ano katulad ngayon, may kung anong nirereklamo siya sa buhay niya.

Ng maka-uwi kami ng bahay, naabutan ko si Tita Ingrid. Inaantay niya raw kami dahil pati rin daw si Kuya Gwayne ay lumabas at hindi pa rin umuuwi until now.

"Lasing?" She asked me at tinuro ang anak niya, tumango ako. "Nako naman, Cierra!" Sabi niya sa anak niya at tinulungan ako.

Dinala namin ni Tita Ingrid si Cici sa kwarto niya, humiga siya agad sa kama niya at natulog ng mapayapa. Kinuha ko 'yung make-up remover niya sa vanity table at kumuha ng cotton pads tsaka ako lumapit sa kanya at marahang inalis ang make-up niya sa mukha niya, after that kumuha ako ng sponge bath para naman linisin ang amoy alak niyang katawan.

Halos everytime na malalasing siya, ganito ang routine ko. Babysitter ng lasing na si Cici Laurel.

"Sorry about Cici, Enzo." Tita Ingrid said, umiling ako at natawa ng mahina.

"No worries, Tita." Tapos ipinag-patuloy ang pag-lilinis kay Cici.

"I can do this forever, honestly." Dugtong ko pa, I saw Tita Ingrid's smile and then tapped my shoulder before leaving Cici's room.





*

Looking Into Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon