xii

3 0 0
                                    

Chapter 12



I'm broken.

That's the only word that can describe me right now, I'm too broken to the point I wanna disappear for a while and came back after I feel cool, o kung kailan ko trip.

Pero that's not life. May basketball league akong nilalaruan ngayon, may mga chismoso at chismosa akong mga kaibigan na maiiwanan, may pamilya akong ayaw kong iwanan. In short, hindi ako pwedeng mawala, hindi kasi ayaw ko rin na mawala.

Can I be his best friend forever?

Parang ayun yata 'yung pinaka-mahirap na tanong na narinig ko sa buong buhay ko. Actually, kaya kong maging kaibigan niya habang buhay. Kayang kong pangtawanan lahat ng friendship promises namin simula palang noon, pero hindi ngayon kung kailan hulog na hulog nanaman ako sa kanya.

Kaya ko ba?

Alam kong hindi pero ayoko naman na sa ganong paraan na lang matapos 'yung friendship na iningatan ko since then. I've been with him since we were little, and we shared a lot of things. I don't want to lose him one day, hindi ko kakayanin.

"You okay?" Miles asked me, I just smiled at him at umiling.

"Inaantok lang, can I sleep?" He nodded kaya umayos ako ng upo.

It feels weird. Hindi ko alam kung saan nangagaling ang pakiramdam na 'to pero isa lang ang alam ko, ganito ako kapag si Miles ang kasama.

I know na ganto lang talaga siya ka-caring, pero parang pakiramdam ko may hindi tama.

At dahil pinipilit ko lang naman na makatulog, natuluyan ang antok ko hanggang sa naramdaman ko na lang na nasa tapat na kami ng condo ni Gwayne.

"We're here sleepy head." Miles said tapos ngumiti. "Umuwi na silang lahat." Sabi pa niya ng mapansin niyang lumingon pa ako.

"Oh—" Magsasalita sana ako ng may mag-bukas ng back seat.

"Nalagay ko na gamit niya dun." It's Enzo. "Hi." Sabi nito ng makita ako. "Umakyat ka na sa unit mo, nandon na things mo." Sabi niya tapos nag-phone.

Lumingon ako kay Miles. "Let's go? Hatid kita 'don." Tumango ako tapos bumababang sasakyan.

"Bye Enzo!" Sabi ko, nag-flying kiss lang siya tapos nag-wave ng hand tas bumalik na siya sa phone niya.

Umakbay si Miles sa akin pagkaka-baba niya ng koste niya. Hinatid niya ko sa unit at hindi na nagtagal dahil naghihintay si Enzo sa koste niya.

Kinabukasan, I make myself busy para maiwasan ko muna na mag-isip ng kung ano-ano. Hindi kasi talaga ko pwedeng ma-stock sa ganitong phase dahil nawawala ako sa sarili ko.

Nasa campus ako at currently walking papunta field para kumain mag-isa. Macy and Wella are both busy kasi sa org nila kaya mag-isa ako, I sat sa bakanteng bench tapos nag-munimuni.

Nag-blend ako ng strawberry milkshake kanina bago umalis ng condo, and then nag-pack ako ng avocado sandwich. Nilabas ko rin 'yung favorite book ko na kahit ilang beses ko ng nabasa, hindi ako nagsasawa.

Payapa na sana 'yung buhay ko kung hindi lang dumating si Red.

"Aba! bakit nasa bookworm mode ka ngayon, Love ko?" Sabi niya tapos hinila 'yung libro ko.

"Red naman eh!" Inis kong sabi. "Kakadating ko lang dito sinira mo agad 'yung vibe!" Iritableng sabi ko.

Napakamot siya sa ulo tapos tumabi sa akin sa bench. "Sorry." Sabi niya tapos tumawa.

Looking Into Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon