Chapter 2
SABI NILA, ang swerte ko raw to have a best friend like Enzo. Yung parang tatay kong kung umasta, but eventually taga tolerate rin ng mga kalokohan ko sa buhay. Enzo is also the one who keeps almost of my secrets, yung tipong pati yung pagkakaroon ko ng crush ko noon sa Math Teacher ko ay alam niya. Sabi ko nga, mamatay ako pag wala si Enzo, he's my to-go person. I don't know the world if I don't have my best friend, hindi ko alam kung kakayanin ko ba if wala siya.
Lumingon ako kay Enzo na seryoso sa pagmamaneho, pabalik na kami ng bahay, lumabas kami para bumili ng paborito naming milk shake na madalas naming inumin kahit noong mga bata pa kami. Tahimik lang siya habang nagmamaneho, lately napapansin ko siya na palaging tahimik at parang may kung anong iniisip, mahirap talaga siyang basahin kahit noon pa man. Enzo is a type of person na hindi magsasabi ng kung anong tumatakbo sa isip niya, unless itatanong at pipilitin mo siya kung anong meron.
When we arrived sa bahay, sinalubong kami ni Gwayne. Enzo greeted my brother tapos ay dumiresto sa couch at naupo na parang akala mo siya ang may-ari ng bahay, napailing ako sa kanya.
Enzo handed me the strawberry & banana milkshake he bought for me.
"Here." He said, I smiled at him and he just shrugged his shoulders.
"So what's the plan?" I asked. Ilang araw na lang kasi ay birthday nanaman niya at bukod sa party sa Galaxy wala pa siyang balak for our seperate celebration. "Where do you think we should go? Abroad or here lang sa Philippines?" I said, excited.
Umupo ako sa couch, dumikit siya at pinatong 'yung isang braso sa balikat ko. Mukha siyang bored at walang interes sa usapan naming 'to, we're doing this plan almost every year, bakit parang hindi siya interesado ngayon?
"I think we should postpone our yearly trip for this year," Napatingin ako sa kanya dahil sa gulat, sumimangot lang siya. "Uh, I have plans with Kali and Vance." Sabi niya, nalungkot naman ako.
"Seryoso ka?" Tanong ko na parang halos hindi makapaniwala.
Tumayo siya at nag-inat na parang antok na antok. "Yep," Sabi niya at lumingon sa akin. "Ayaw mo 'nun? Mas madami kang time para makasama si Gab before my birthday kasi hindi siya invited." Napa-irap ako sa sinabi niya.
"Seryoso ka ba?" Tanong ko ulit. "O ginagago mo ko?" Natawa siya ng mahina.
"Hindi," Sabi niya at bumalik sa pagkakaupo sa tabi ko. "Seryoso akong hindi muna tayo aalis ngayon for my birthday because I have plans with my friends." Explain niya.
"Pagpapalit mo kong best friend mo sa mga team mates mo sa basketball?!" Tanong ko, okay I'm over reacting.
"Jusko naman, Cici!" Sabi niya habang tumatawa. "We're doing that almost every year, hindi ka ba nagsasawa?" Sabi niya pa.
"Fine!" Sabi ko na lang, sabagay nakakapagod naman talaga 'yung pag-alis.
"Good girl." Sabi niya, umirap lang ako sa kanya. "Anyway, you're coming with me."
"Where?" I asked. "Ipaalam mo ko kay Gwayne." Sabi ko pa, and take a sip on my milkshake.
"He already told me." Biglang lumitaw si Gwayne mula sa kitchen at may hawak rin ng milkshake na katulad ng akin. "You can go with him, basta wag lang masyadong gagabihin. Hoy, Sanchez iuwi mo ng maayos at buo ang kapatid ko, naintindihan mo?" Tanong ni Gwayne kay Enzo.
"Areglado, master!" Sabi naman ni Enzo at sumaludo pa. "Oh pano? Later?" Tanong naman niya sa akin.
"Saan nga?" Tanong ko.
"Pre-birthday celebration ko." He said and smiled. "I'll pick you up exactly 6PM and no more no less." Sabi niya at ginulo ang buhok ko. "See you later, My love!"