x

2 0 0
                                    

Chapter 10


Dati, if someone asks me about my relationship with Enzo ang sinsabi ko lang kaibigan ko siya at wag nilang lagyan ng kahit na anong issue 'yon.

Kasi, bakit ba hindi normal sa paningin nila na may friends talaga na babae at lalaki na walang romantic feeling sa isa't-isa? Big deal ba talaga 'yon?

But everything turns out to a total mess when I felt this illegal feeling.

Highschool kami 'nun, nag-try out ako for a Women's Basketball Team ng school namin. Okay naman, nag-training pa nga ako with Tito Juls ng ilang araw para sa araw na 'yon.

Naging dream ko kasi bigla na maging varsity player ng school namin kasi nainggit ako kay Enzo, he was a best player back then. Lahat halos ng lalaki naming schoolmates siya 'yung idol, pero hindi katulad ng mga nasa libro na bida, hindi ganon kadami 'yung mga crush sa kanya.

May isa silang big game na lalaruan the same day ng try-out ko, so hindi ko na inexpect na nandon siya para suportahan ako. Ayos lang naman, besides nakikita kong pareho naming big opportunity 'yon, pero syempre sa sobrang tanga ko na-disgrasya ako sa gitna ng try-out.

Na-sprain ako and need akong i-treat sa ospital or else, hindi na ko makakalaro kahit kailan. Inis na inis ako 'nun sa sarili ko kasi bukod sa hindi ko natapos 'yung try-out, nakita ko si Enzo na nasa tabi ng hospital bed ko habang suot-suot pa rin ang jersey niya.

~

"Anong ginagawa mo dito?" Inis kong sabi sa kanya, nag-frown lang siya tapos ay umiling.

"Ganyan ba 'yung bungad mo sa akin?" Sabi niya. "Alam mo bang tumakbo ako ng ilang kilometero para puntahan ka dito to make sure you're fine." Sabi pa niya.

"Sorry pero how about your game? Tapos na ba?" Umiling siya tapos ay inabot sa akin ang isang slice ng apple.

"Nope, nag-ditch ako." Cool niyang sabi. "Nung sinabi ni Red na nasa ospital ka tumakbo na ko habang nasa gitna ng laro." Paliwanag niya.

"Enzo!" Dismayadong sabi ko. "Sayang! Importanteng laro 'yon!"

"Mas importante ka sa larong 'yon." Sagot niya.

~

After 'nun, ang daming issues na umikot. Muntik ng maalis sa team si Enzo pero dahil siya ang star player ng school namin, hindi 'yon natuloy.

I thought he will lose his carrer that day, nagalit ako sa kanya ng dahil doon. Alam kong pangarap niyang maging basketball player tapos ay wala siya sa importanteng liga nila. But when he says I am more important than that game, nawala lahat ng galit ko.

I realized, all this time he's with me. He never left me behind, lagi siyang nandiyan para mang-inis at patawanin ako pag pakiramdam ko ayaw na ng mundo sa akin. And with that, I can't stop thinking about him all day, that's the day I realized I have a crush on him.

Yung tipong, naiiyak na ko kasi hindi ko alam bakit ko nararamdaman 'to. Na dapat pinipigilan ko 'to pero kahit anong pilit kong iwasan at pigilan para lang siyang lalong lumalala. Baliw na baliw na ko, hanggang sa isang araw hinayaan ko na lang 'yung sarili ko na masanay na may ilegal na kilig akong nararamdaman para sa kanya.

Eventually, crush turns out to be like and like turned into something I really can't imagine, I'm inlove with him.

Habang tumatagal na kasama ko siya, habang pareho naming inaabot yung mga pangarap namin, lalo lang nagiging komplikado para sa akin na itagong mahal ko na siya. Hindi bilang kaibigan ko kundi bilang siya si Enzo, nagsimula na akong masaktan nang dahil sa mga pinapakilala niyang babae.

Looking Into Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon