Chapter 16
"Enzo, pare naman.." Rinig kong sabi ni Red ng maka-pasok sila sa gate ng bahay.
"Hindi pre, oks lang ako. You can leave me here." Lasing na sabi ni Enzo.
"Hindi, ihahatid kita hanggang sa kwarto mo." Sabi pa ni Red tapos ay napatingin sa akin.
Kanina pa kasi ako naka-silip sa bintana at pinapanood sila, parang sira talaga 'tong si Enzo. Lumabas na ko at sinalubong sila sa pinto, kita ko sa mukha ni Red na pikon na siya.
"Nakakapikon kasama 'tong kapatid mo! Napaka-pasyente." Reklamo niya. "Buti na lang may dalang koste si Vance." Sabi pa nito.
"Bakit ba kasi nag-inom?" Tanong ko, napatingin lang siya ng saglit sa akin at parang lumungkot ang mukha.
"Hindi ko alam, Kuya." Sagot niya tapos ay inakyat na si Enzo sa hagdan.
Kaninang umaga, I cooked breakfast for him kasi gusto ko sanang ibalita sa kanya na sinisimulan ko ng ligawan si Cici pero umalis siya agad ng bahay at hindi na bumalik, bumalik nga lasing naman.
These days pansin ko, sobrang cold niya sa lahat ng tao. Even kay Cici, hindi ko alam kung bakit. Si Enzo kasi 'yuny tipo ng tao na madaling ma-recognize kapag may problem eh, kasi bigla na lang magiiba 'yung ihip ng hangin sa kanya.
Biglang hindi mamansin, o kaya minsan sobrang tipid mag-salita na parang may limit 'yung bawat characters ng salita sa kanya.
"Kuya Miles, ikaw na bahala 'dun kay Enzo." Sabi ni Red na namumula pa ang mukha at mukhang lasing rin.
"Yeah sure." Sabi ko tapos ay tinapik ko siya sa balikat.
"Anyway, I heard about you and Cici.." Lumingon ako sa kanya, nakita ko nanaman 'yung malungkot niyang mukha. "Congrats, take care of our Princess." Seryoso niyang sabi tapos ay iniwan na ako.
Napa-ngiti ako ng maliit dahil sa sinabi niya. Grabe alagaan si Cici ng mga kaibigan niya, kung tratuhin siya nitong mga 'to akala mo siya 'yung may ari ng mundo eh.
I'm glad she had them.
Sumunod akong umakyat at papasok na sana ng kwarto ko ng makita kong bukas 'yung pinto ng kwarto ni Enzo.
Naka-upo siya sa sahig at naka-sandal sa kama niya, naka-talikod siya sa akin kaya hindi ko alam kung tulog na ba siya o ano. Naka-harap siya sa malaking bintana ng kwarto niya na halos kita ang tapat ng bahay nila Cici.
"Enzo.." Narinig ko siyang bumuntong hininga bago lumingon sa akin.
"Kuya," Sabi niya kaya pumasok na ako. "Sorry late ba ko umuwi, nag-celeb—" Pinutol ko siya sa pagsasalita.
"Gago okay lang." Sabi ko tapos ay umupo sa kama niya. "Bakit hindi ka pa mag-pahinga." Umiling siya tapos tumititig nanaman sa labas ng bintana niya.
"Hindi naman ako lasing eh, kaya ko pa." Sabi niya. "Siraulo lang 'tong si Red eh." Dugtong pa niya.
Kahit sabihin pa niya 'yan, kilala ko naman siya eh. I know his alcohol tolerance is high than mine, sa sobrang lakas nga uminom niyan ni Enzo kaya niya kami ni Daddy patulugin ng maaga.
Maybe because he's way younger than me and he always do clubbing. Pero ayos lang naman, as long as hindi affected ang studies and basketball carrer niya, ayos lang mag-liwaliw, ganyan rin naman ginagawa ko sa New York.
Simula nung umuwi ako dito for a vacation, pansin ko na medyo madaming nag-bago sa lahat ng bagay dito sa bahay. From the furnitures, 'yung ambiance. Everything.
Even 'yung mga tao. Si Dad and Mom, they usually out to work. Si Enzo, palaging nasa training, kung wala namang training, hindi ko alam kung saan nagsusulpot.