xi

3 0 0
                                    

Chapter 11



Sabi nila if you're keeping an important person in your life, kailangan mo raw ipakita at iparamdam sa kanya na hindi mo kayang wala siya sa buhay mo.

Na kulang ka pag hindi siya ang kasama mo, na hindi mabubuo ang isang buong araw kung wala siya na para bang kasama na siya sa lahat ng plano mo in the future.

We love and protect that someone in order to keep them in our lives, ganon sila ka-importante sa buhay natin.

I felt weird, hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yung pakiramdam na 'yon pero as of this moment gusto ko lang na wag na matapos 'to.

Kung pwede nga sana habang buhay na lang ganito.

I closed my eyes and feel the warmth of her. Hindi ko alam kung kailan ko nahanap na ang comfort ay nasa mga yakap ni Cici, basta one day unintentionally na-heal ako ng mga yakap niya na parang ayun 'yung sagot sa lahat ng klase ng sakit na pwede kong maramdaman.

"Let's be best friends for the rest of our lives." I whispered to her.

Lumingon siya at ngumiti tsaka binalik ang tingin sa  dagat. "Of course! I'll die if you're not around." Sabi niya.

Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya, sobrang weird. Ang bilis ng tibok ng puso ko, para hindi na ko makahinga na ewan pero bahala na.

Ang dami-daming tumatakbo sa isip ko ngayon, katulad na lang ng bakit hindi nagparamdam si Nina sa akin ng ilang araw tapos bigla siyang tatawag sa akin na parang kailangan niya ng kausap.

Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyayari sa kanya, hindi ko naman magawang magtanong sa kanya kasi pakiramdam ko napaka-pakielamero ko na pati mga nangyayari sa kanya inaalam ko pa. Hindi naman kami, ewan ko ba.

Tapos si Kuya Miles pa, hindi ko rin alam bakit ako bothered sa sinabi niyang gusto niya si Cici. Ano bang nangyayari sa akin?

Malamig na and yet we're still hugging each other, dinadama 'yung ingay ng hampas ng alon sa dalampasigan.

"Can I visit you sa condo mo?" I asked, she remained silent for a moment. "Bakit parang nag-iisip ka pa?" Takang tanong ko.

I heard she laughed. "Silly, Of course iisipin ko pa! Out of the way masyado kung mangagaling ka pa ng NU." Sagot niya.

"I can go there kahit saang way pa 'yan." Sabi ko.

"Okay then." She said.

"Can I also sleep there?" Tanong ko ulit, lumingon siya ng sandali.

"Why—" I cut her off.

"I'll go there after my game sa Araneta." Lumingon siya. "I'm not taking any answers from you, I'll just go there kahit ayaw mo." Tumawa ako kaya natawa rin siya.

"Siraulo ka talaga." Sabi niya tapos hinampas pa yung braso na naka-ikot sa bewang niya at sinandal yung ulo sa dibdib ko.

"Ow—" Pareho kaming napalingon ni Cici ng may biglang nag-salita.

Si Red, kasama si Kuya Miles. Napabitaw ako kay Cici at bahagya siyang tinulak, nakita ko sa mga mata nga kapatid ko na gulat siya sa nakita niya.

"Miles!" Sabi ni Cici tapos ay tumakbo sa kapatid ko para yakapin ito.

"Sorry medyo late ako." Sabi nito at ngumiti kay Cici. "I bought you some strawberries, gawin nating milkshake?" Tumingin sa akin si Cici tapos ngumiti kaya mgumiti rin ako.

Lumingon siya kay Kuya Miles. "Let's go.." She said, tumango si Kuya Miles tapos inakbayan na si Cici at sabay na pumunta sa nirentahan nila Red na  cottage.

Looking Into Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon