ix

1 0 0
                                    

Chapter 9

Nahinto ko 'yung sasakyan ko ng makita kong pumasok si Cici sa koste ni Dad tapos bigla kong nakita si Kuya Miles, kumunot ang noo ko at kinapa ang phone ko sa bulsa ng hindi inaalis sa kanila 'yung mata ko.

Tinawagan ko si Cici pero hindi niya ko sinagot, nung umalis na 'yung koste ni Dad tsaka ako pumasok sa garage namin at nag-park, after nun sumugod agad ko sa bahay nila Cici at naabutan si Kuya Gwayne na nasa sala at naglalaro ng PSP.

"San nag-punta si Cici?" Tanong ko agad sa kanya, lumingon lang siya saglit sa akin tapos ibinalik ang focus sa nilalaro niya.

"Katips, 'dun daw muna siya eh." Sagot niya, nainis ako dahil hindi ko alam na balak niyang pumunta don.

Alam kong may condo si Kuya Gwayne 'dun, ilang beses na kong nakapunta don. Napa-iling ako, bakit bigla niyang naisip na 'dun muna? Ang weirdo talaga ng babaeng 'yon.

Nag-munimuni muna ako sa kwarto ko ng ilang oras after ko dumaan sa bahay nila Cici, niyaya ako ni Kuya Gwayne na uminom sa Galaxy mamayang gabi kaya pumayag ako.

Naisipan kong tawagan si Cici, alam kong iniiwasan niya ang mga tawag at messages ko. Siguro ayaw niya na malaman kong lilipat muna siya sa condo ng Kuya niya, lately napapansin ko sobrang secretive niya.

Na parang wala ng sense na ako ang living diary niya na 24/7 pwede niyang sabihan ng kung anong tumatakbo sa isip niya. Ang hirap niyang basahin ngayon, madalas kasi parang tulala lang siya tapos kapag tinanong ang idadahilan niya 'yung training nila sa basketball.

Ng finally sagutin na ni Cici ang tawag ko, after kong sabihin sa kanya na alam kong nasa condo siya ni Kuya Gwayne ay narinig ko ang boses ng kapatid ko sa kabilang linya.

Magkasama pa rin pala sila, though alam ko naman na si Kuya Miles ang naghatid sa kanya papuntang condo, pero hindi ko akalain na hanggang ngayon magkasama pa sila.

Honestly, hindi ako komportable sa kung paano tratuhin ng kapatid ko si Cici ngayon. At kahit anong gawin ko, hindi ko masisi ang kahit sino sa kanilang dalawa. Sanay si Cici na ganon si Kuya sa kanya, sweet, caring, protective.

Matagal ko ng alam na may gusto si Kuya Miles sa best friend ko. Hindi siya direktang sinabi sa akin pero the way Kuya Miles looks Cici, I know there's something and that made me cautious.

Ewan, basta lang pakiramdam ko hindi tama. Kilalang-kilala ko ang kapatid ko, syempre kapatid ko 'yan kaya alam ko ang bawat kilos niya. Never tinago ni Kuya Miles ang mga pasimpleng gestures niya kay Cici, pero ang ipinagtataka ko kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya umamin dito.

Halos makalimutan ko ng kausap ko si Cici sa telepono after ko marinig ang boses ni Kuya. Kaya nag-paalam na lang ako at humiga sa kama ko na parang akala mo ay pagod na pagod pero sa training kanina hindi naman ako pinag-laro.

Pre-occupied kasi ako, hindi ko alam kung anong rason. Basta lang, wala ako sa huwisyo. Nakakahiya nga sa buong team dahil ang pabigat ko, kaya ininsist ni coach na manood muna ako.

Kaya lang habang nanonood ako, mas lalo akong nawala sa mundo.

Si Nina kasi.

Lulubog-lilitaw siya, parang kung trip niya lang tsaka siya magrereply sa akin. Tapos hindi pwedeng hindi niya mabanggit si Kuya Gwayne asking kung nakita ko daw ba o kung ano raw ang ginagawa, nagtataka na ko.

When I asked Kuya Gwayne kung kilala niya si Nina, ang sabi niya hindi raw. Kaya mas lalo akong napaisip, tapos dumagdag pa si Cici.

7PM ng tumawag si Kuya Gwayne, niyayaya na niya akong umalis. Hindi ko alam kung anong naisipan niya at niyaya niya kong mag-inom kahit na may pasok pa siya bukas, pero sumama naman ako sobrang kailangan ko ng beer energy ngayon.

Looking Into Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon