Chapter 13
Pareho na naming hindi namalayan 'yung oras, madilim na sa buong paligid at tanging lampshade na lang ang nagsisilbing ilaw namin.
Kakatapos lang rin ng pang-apat naming movie na pinanood pero kalahati palang ng huling pelikula, nakatulog na siya.
Naka-sandal 'yung ulo niya sa balikat ko at prenteng natutulog habang naka-buka pa ng kaunti 'yung bibig niya. Napagod siguro 'to sa training niya.
Napa-ngiti ako kaya bigla ko nanamang ininda 'yung mukha ko na nasiko kanina sa game. Sa bandang cheekbone kasi ako natamaan kaya kapag napapangiti ako, sumasakit.
Napa-hawak ako dito tapos bumaling ulit sa tulog sa tabi ko.
Bigla nanamang bumalot sa sistema ko 'yung takot. Hindi ko alam kung saan nangagaling 'yon pero, natatakot ako.
Alam ko na hindi habang buhay siya ang kasama ko, na dadating rin 'yung time na titigil na kami sa pagiging mag-kaibigan dahil may iba na kaming dapat mas isipin.
Kaya ng sabihin ko 'yon sa kanya noong nasa harap kami ng dagat, may parte sa akin na sana pala hindi ko na sinabi 'yon dahil baka kung ano ang isipin niya pero mas malaki yung parte na takot akong balang araw biglang hindi na kami magkaibigan.
Duwag ako, oo.
Sino ba namang tao 'yung hindi takot na mawala 'yung kaibigan niya? Lalo na kung sobrang halaga nito sayo?
Naalala ko noong grade six kami, dinala si Cici sa ospital kasi may mataas siyang lagnat. Uso noon 'yung dengue at maraming namatay na batchmates namin.
Magka-hawak kami ng kamay buong oras, palagi niyang sinasabi noon na natatakot siya sa injection at sa swero.
"Enzo, paano kapag namatay ako? Sino ng best friend mo?" Nagulat ako noon nung tanungin niya 'yon, at the same time kinabahan na rin.
Hindi ako agad naka-sagot dahil hindi ko naman alam ang isasagot sa kanya kaya niyakap ko na lang siya.
"Hindi ka mamatay, okay? Hindi mo ako iiwan, best friends tayo habang buhay." Sabi ko sa kanya noon.
Iyak ng iyak si Cici 'nun, wala naman ako magawa dahil hindi naman ako doktor. Kaya hindi ako umalis sa tabi niya hanggang sa lumabas lahat ng result ng lab test sa kanya, na-confine siya ng isang buong araw 'nun. Napag-alaman namin na hindi pala siya dengue patient kundi tutubuan siya ng unang chickenpox niya.
Nung nalaman ng mga kapit-bahay at kaklase namin noon na may bulutong siya, naging usapan siya kahit hindi siya pumapasok ng school at lumalabas ng bahay. Sobrang lungkot niya noon, pinagbawalan ako ni Tita Ingrid na lumapit sa kanya kaya sa telepono lang kami lagi magkausap.
"Ci, tingin ka sa labas ng bintana mo." Sabi ko sa kanya, nakatingala ako noon sa harap ng bintana ng kwarto niya habang hawak 'yung cellphone ko.
"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong niya.
"Wala, gusto ko lang makita mo ko. Kasi alam ko miss
mo na ko eh!" Biro ko sa kanya, nakita ko pa siyang umirap.May sugat siya sa pisngi at sa noo, siguro 'yun na 'yung isa sa mga bulutong niya. Napansin niya na matagal ako ng nakatingin sa kanya kaya nag-tago siya sa kurtina.
"Wala na, pangit na ko." Sabi niya sa kabilang linya. "Ang itchy ng buong balat ko, kapag kinamot ko nagiging sugat. Ang pangit na!" Umiiyak niyang sabi.
Natawa ako dahil kahit walang telepono, rinig ko 'yung malakas niyang iyak.
"Huy! Ano ka ba! Kahit dumami pa 'yang bulutong mo o hindi man maalis 'yung scars ng mga sugat mo, ikaw pa rin 'yung pinaka-maganda kong kaibigan!" Sabi ko sa kanya. "Silip ka na ulit sa bintana oh!" Sumilip siya ulit sa bintana at nag-punas ng luha.
"Di bale ng pangit ka at puno ng peklat sa balat, basta hindi ka mawala o kaya iwan ako, okay na ko 'dun Cici!" Sabi ko sa kanya hanggang sa makita ko 'yung ngiti niya.
Binuhat ko siya at dinala sa kwarto niya. Ng mailapag ko siya sa kama, inayos ko 'yung mga buhok niya na tumatakip sa mukha niya tsaka ko siya binalot ng kumot.
Umupo ako sa kama niya tapos pinag-masdan siya. Sa tagal ko ng kilala si Cici, pati 'yung itsura niya kapag tulog halos kabisado ko na.
Sobrang kalmado lang niya kapag tulog, kaya nga ang sarap niya palagi panoodin eh. 'Yung tipong ang sarap lang niyang panoodin kesa sabayan siyang matulog.
Narinig kong tumunog ang phone niya ng dalawang beses, lumabas doon ang pangalan ni Kuya Miles na hinahanap siya sa text.
Hanggang ngayon, iba ang kaba na nararamdaman ko sa tuwing naalala kong gusto nga pala ng kapatid ko ang best friend ko, hindi maalis sa isip ko na matakot at mag-isip ng kung ano.
Na paano kung masaktan lang siya ni Kuya Miles? Paano kung hindi sila mag-work? Paano kung kailangan ng bumalik ni Kuya Miles sa New York para mag-aral?
Paano kung pareho talaga nilang gusto ang isa't-isa? Paano na ako?
Mawawalan na ko ng best friend dahil malamang mas marami ng oras si Cici kay Kuya Miles kung magiging sila na. Ayoko 'nun.
Bumuntong hininga ako tsaka tumayo sa kama niya at lumabas na ng kwarto.
'Sleep well, My love! See you tomorrow!' Sabi sa text ni Kuya.
~