xvii

1 0 0
                                    

Chapter 17



Ilang araw na kong parang tanga. Hindi ko kasi malaman kung ano ba 'tong dinadrama ko, nakaka-pikon na puro si Red ko.

Nag-stay rin ako sa athlete's dorm kasama si Kap Vance dahil nagiging hassle sa akin umuwi mula Manila hanggang San Juan. Hindi naman ganon kalayo 'yung bahay namin hanggang University pero mas prefer ko na dito na lang umuwi dahil mas mabilis ako nakakapag-pahinga after training.

Pero kahit nandito na ko sa Manila, hindi ako maka-iwas sa bwiset.

Tinignan ko ng masama 'tong nasa harap na ko kumakain ng ice cream at napapa-ngisi kapag may mga dumadaan na babae sa harap namin.

"Daming chicks dito sa NU, pare!" Bulong niya, umiling ako sa kanya at umirap.

"Anong oras ka uuwi? Tangina ka baka hinahanap ka na ng Mama mo." Sabi ko, tumawa siya.

Nandito kami sa tabi ng University, kaharap nito 'yung dorm namin, nasa convenience store kami na pinapaparadahan ko ng sasakyan ko. Maaga palang nandito na 'tong si Red, sabay ba kaming nag-breakfast at hanggang ngayong tanghali nandito pa rin siya.

Hindi ko naman siya mataboy dahil wala rin naman akong ginagawa sa dorm dahil kasama ni Kap Vance si Aia ngayon, buti pa si Vamce.

"Ang hilig mo ko tirahin ng ganyan eh tayo lang naman dalawa single sa tropa ngayon.." Sabi niya tapos sumubo ng ice cream. "Ikaw kasi ayaw mo pa umamin eh." Dugtong pa niya.

"AAMIN SAAN?" Tanong ko. "Nababaliw ka nanaman, Pula. Umuwi ka na." Sabi ko akmang tatayo na sana pero pinigilan niya ako.

"Ito naman! Hindi mabiro eh!" Sabi niya habang tumatawa.

"Kung mang-pipikon ka lang, umuwi ka na!" Sabi ko sa kanya.

Natahimik si Red kakatawa ng tumunog ang phone ko na nasa ibabaw ng lamesa, pareho kaming napatingin doon at nakitang si Nina ang tumatawag.

Napatingin ako kay Red, naka-ngisi na siya ngayon at sumusubo pa rin ng ice cream na sa isang tub.

"Patay tayo diyan," Bulong niya, hindi ko pa rin sinasagot 'yung tawag at vibrate lang ng vibrate ang phone ko. "Kaya naman pala hindi umaamin, kasi may gumugulo sa isip mo."

"Gago." Sabi ko tapos dinampot na 'yung phone ko. "Hello?" Bungad ko.

Hindi agad sumagot si Nina sa kabilang linya, kaya tinawag ko na ang pangalan niya.

"Enzo.." Sabi niya, hindi ko maintindihan ang tono ng boses niya. Alam ko kasing mahinhin mag-salita si Nina, hindi ko tuloy gets kong malungkot ba ang tono niya o hindi. "Pwede bang puntahan mo ko ngayon?"

"Anong nangyari?" Sabi ko agad at napatayo pa. "Nasaan ka?" Tanong ko pa tapos dinukot 'yung susi ng koste ko sa bulsa.

"Dinala kasi ako sa ospital ng dorm mate ko eh—" Pinutol ko na siya sa pagsasalita.

"Text me your location pupunta ako," Tumingin ako kay Red na naka-hawak sa shirt ko. "Isasama ko 'yung kaibigan ko." Sabi ko pa, ngumiti ng malawak si Red dahil doon.

"Si Cici ba?" Umiling ako kahit hindi naman niya ako kita.

"Nope, si Red." Sagot ko tapos lumapit na sa sasakyan ko na nasa harap lang ng convenience store na pinagtatambayan namin ni Red. "Hintayin mo ko diyan, okay?" Sabi ko tapos binababa na 'yung tawag.

"Pupuntahan mo siya? Anong nangyari?" Tanong ni Red, umiling ako.

"Hindi ko rin alam, tara na." Sabi ko tapos sumakay na sa koste ko, sumunod naman siya at sumakay sa passenger seat.

Looking Into Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon