xv

0 0 0
                                    

Chapter 15



"I'm planning to tell her." Napatigil ako sa narinig ko, para akong nilamig na ewan. "I wanna tell her she's my everything." Narinig ko pa siyang napa-ngisi.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo ko sa couch at pumunta ng veranda kung saan mahangin at kita ang mga nagtataasang buildings sa paligid nito. Kita rin mula rito 'yung campus nila Cici na sobrang lawak.

"I'm telling you this because you are her best friend.." Sabi pa niya mula sa kabilang linya.

Kakalabas ko lang halos mula sa kwarto ni Cici, nag-aayos na ko ng mga kalat sa buong condo niya ng tumawag si Kuya Miles para sabihin na sisimulan na niyang ligawan si Cici. Sa bawat salitang binitawan niya ngayon, wala akong ma-isagot.

"Okay lang naman na simula ka na 'no?" Tumawa pa si Kuya Miles sa kabilang linya. "Enzo.." Tawag niya pa sa akin.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya kaya hindi ako agad naka-react. "Oo naman.." Sagot ko tapos ngumiti.

"Suportado kita, Kuya.." I heard him laughed sa kabilang linya. "Just promise me na.." He cut me off.

"I promise I will take care of Cici." Tumango ako kahit alam kong hindi naman niya kita bago ko binaba 'yung tawag.

Isang linggo na rin ata 'yung nakalipas simula nung huling nagkita kami ni Cici. Busy ako sa trainings at sa games namin, pasok kasi sa Final 4 'yung University namin.

Ang dami engagements ng team, mga shoot sa sports magazines, endorsements ng mga sponsors ng league, may mga interviews pa nga sa mga sports channel eh.

Buti na lang busy ako kaya hindi ko na masyado iniisip 'yung mga sinabi at pinaalam sa akin ni Kuya Miles.

Bumababa ako galing sa kwarto ko at naabutan si Kuya Miles na nag-hahanda ng breakfast. Nagulat ako dahil bigla siyang umuwi dito eh nitong mga nakaraan nasa condo niya lang siya at nag-aaral daw siya.

"Uy! Good Morning!" Sabi nito sa akin tapos binatuhan ako ng table napkin. "Kain na tara!" Yaya niya.

Luminga-linga ako at hinahanap ang magulang namin. "Nasaan 'yung dalawa?" Tanong ko at sumilip pa sa garden para tignan kung nandon ba sila.

"Nag-golf si Daddy, sumama si Mommy." Tumango ako tsaka umupo sa dining table.

Busy pa rin siya sa kung anong inaayos niya sa lamesa na akala mo may importanteng tao ang kakain 'dun eh dalawa lang naman kami. Naka-ngiti pa siya na parang baliw dito, may naka-suksok rin sa tenga niya na earbuds, mukhang nagsa-soundtrip pa ata.

Kumain ako katulad ng sabi niya. Busy ako sa pagkain ng bigla siyang mag-salita.

"Sunduin kita later." Lumingon ako sa kanya at sasagot na sana ng bigla niyang i-angat ang phone niya at nakita ko 'dun si Cici na ka-videocall pala niya.

Kaya pala ngingiti-ngiti. Sabi ko sa isip ko, tumayo na lang ako at kumuha na lang ng wheat bread at hotdog tsaka pumunta ng garahe para lumayas na.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, maaga pa para sa training at klase ko pero umalis ako ng bahay kasi naririndi ako sa nakikita ko.

Nag-drive na lang ako papunta sa park na malapit sa subdivision namin, nanood ng mga asong naglalakad kasama 'yung mga amo nila.

Habang tahimik ako na nakaupo dito sa bench at nanonood sa mga dumadaan, hindi ko nanaman maiwasan makaramdam ng lungkot.

Ang laking kulang kapag wala si Cici sa isang buong araw ko.

Looking Into Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon