v

7 0 0
                                    

Chapter 5

"GOOD MORNING, BRO." Napalingon ako ng may humawak sa balikat ko. "Happy Birthday!" He hand me a box of the latest kicks na gusto ko.

"Wow." Sabi ko at inabot 'yung box na inaabot niya sa akin. "Ang galante ha? Ganyan ba 'yung mga students ng NYU?" I joked. "Thanks, Kuya." Sabi ko lang, tumabi siya sa akin sa dining table habang pareho naming inaantay ang Parents naming.

This is the first morning na magkakasama kami ulit after a almost 4 years na wala si Kuya Miles dito sa Pilipinas for his Graduate School. Dumating siya one week ago and nag-stay muna sa condo niya tapos umuwi na siya dito sa amin and will be here for 2 months lang para mag-bakasyon, semestral break daw kasi nila kaya dito muna siya habang wala pang klase.

"Nagkita na ba kayo ni Kuya Gwayne?" Tanong ko habang kumakain, umiling siya habang tutok na tutok sa phone niya.

"Yep, I'm with him kanina sa gym." Sabi niya ng hindi ako nililingon. "I haven't seen Cierra yet, nandiyan ba siya or naka-dorm siya?" Tanong niya, napatigil ako sa pag-nguya ng marinig ang pangalan ni Cici kay Kuya Miles. Ng hindi ako sumagot siniko niya ako. "Ano?"

Napa-iwas ako ng tingin sa kanya at sumagot. "N-no, baka hindi lang lumalabas ng bahay nila." Sabi ko, tumango siya.

"I have something for her and Tita Ingrid." Sabi niya at ngumiti sa akin. "Musta chicks life sa NU, bro?" Tanong niya sa akin.

Napa-iling ako. Kahit kalian talaga hindi na nag-bago 'to si Kuya, siya 'yung dahilan bakit palagi akong sinasabihan ni Cici ng babaero eh! Dahil sa mga tinuturo ni Kuya sa akin, well kung hindi niyo naitatanong matinik sa chicks 'tong kapatid ko.

Mabilis lang na dumadaan sa mga palad niya ang mga babae na akala mo damit kung palitan. Diyan lang sumakit ang ulo ng Parents naming sa kanya dahil madalas siyang mag-paiyak ng babae, ako ang talaga ang good boy sa aming dalawa.

"Shut it." Sabi ko, natawa siya.

"Torpe ka pa rin ata, Enzo eh!" Sabi nito sa akin at ginulo ang buhok ko.

He's one year older than me, same sila ng age ni Kuya Gwayne. Ang kaibahan lang, hindi masyadong babaero si Kuya Gwayne compared to my brother, one woman man si Kuya Gwyane at si Macy 'yon, Cici's friend.

Naging magkaibigan si Kuya Miles at Kuya Gwayne noong high school palang sila. Back then, hindi ko pa alam na kapatid ni Cici si Kuya Gwayne kay Tito Bobby, but eventually nalaman ko rin kasi sobrang tuwang-tuwa si Cici noon na may kapatid na siya.

Naging sobrang protective ni Kuya Gwayne kay Cici ever since, pero never nitong pinagbawalan ang kapatid niya na ma-explore ang mga bagay-bagay, basta ba kasama ako. After umalis ni Kuya Miles, naging busy si Kuya Gwayne sa business nila ni Tito Bobby at Tita Ingrid kaya naiiwan palagi si Cici sa bahay, and syempre as her best friend palagi akong to the rescue, kaya nga siguro lumipat kami ng bahay sa mismong tapat ng bahay nila Cici para hindi na ko mahirapan na puntahan siya everytime na kailanganin niya ako eh.

After breakfast, tinulungan ko lang ayusin 'yung mga gamit na dala ni Kuya Miles sa lagayan niya ng damit tapos niyaya kami ni Mom and Dad na mag-lunch sa labas kasama 'yung family nila Cici. Pumayag agad 'yung Parents namin since sobrang lakas ni Kuya Miles sa kanila, ewan ko ba.

I haven't seen Cici after noong movie sesh namin sa kwarto niya last time, nabalitaan ko kasi na kasama si Gab sa exchange students na ipapadala sa Japan and I guess nag-mumukmok ang kaibigan ko dahil doon.

Until now, hindi ko pa rin gets kung anong nagustuhan ni Cici sa Gab na 'yon. Lampayatot naman, tapos parang bading kung kumilos, baka nga ako pa 'yung gusto 'nun at hindi siya eh. Pero kilala ko naman si Gab, I know na mabait siyang tao, maybe ayun yung bagay na gusto ni Cici sa lalaking 'yon.

Looking Into Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon