Chapter 8
Avoiding someone is kinda hard, especially if that someone can't live without you. Nakakainis naman kasi, bakit ang laging wrong timing 'yung mga gantong scenarios? Bakit ang unpredictable?
Its been a week since that night happened, 'yung gabi na I realized for the nth time na siya nanaman.
Nakakainis 'no? When you're in a middle of forcing yourself not to fall again, pero eventually nahulog ka pa rin naman, and this time parang ang hirap ng umahon.
Inayos ko 'yung gamit ko, I decided na sa condo muna ako ni Gwayne mags-stay. Hindi kasi ako maka-hinga dito sa bahay and ever since that day happened, I'm starting to avoid Enzo and his calls. Wala lang, siguro mas nakakalito if kausap ko siya? I mean, I know you know what I meant, I think I like him again and nakakaselos na makita siya kasama si Nina ulit.
I didn't bother to tell him rin na lilipat muna ako sa condo ni Gwayne sa Katipunan na malapit lang sa Uni so its easier for me to go to school. Basta, I need to lay low muna.
Miles offered nga pala na ihatid ako 'dun and pumayag na rin ako since I do need a company to bring my stuff.
"Ci, sure ka na?" Gwayne asked as if matagal akong mawawala. Tumango ako sa kanya tapos umirap. "Bakit naman kasi bigla kang nag-decide na 'dun muna? Hindi ko talaga kayo ma-gets." I frowned.
"Bakit 'kayo'?" I asked. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Cici, hindi ako bulag, hindi rin ako bingi. And mas lalong hindi ako manhid, I know what's happening around me, I just didn't bother to interfere kasi ang saya niyo panoodin." Mas lalo akong naguluhan, ako lang ba o talagang hindi niya pinupunto 'yung ibig sabihin niya?
Umirap na lang ako at kinuha na 'yung duffle bag ko and my other trainig stuff. I have photoshoots and other errands next week, feeling ko magiging okay rin 'yon na way para hindi ko muna maisip si Enzo.
"I gotta go." Cold kong sabi sa kanya at nilagpasan si Gwayne.
"Text me if you need me." Sabi niya tapos a tinapik ako sa balikat.
Pag labas ko, naabutan ko rin si Miles na palabas na ng bahay. Luminga-linga pa ako dahil baka nandiyan si Enzo sa kanila at makita ako, for sure magtatanong 'yon kung bakit ang dami kong dalang gamit.
"Hey, ready?" Tumango ako, napansin siguro niya na tumitingin ako sa loob ng bahay nila kaya nagsalita na siya. "Enzo's not here, may training pa." Tumango ako.
"Good to hear." Sabi ko tapos ngumiti. "Let's go!" Sabi ko tapos sumakay na rin sa koste ni Tito Juls dahil tapos na niyang ayusin 'yung mga bagahe ko.
Habang nasa byahe, nakatanggap ako ng message mula kay Enzo asking kung nasaan ako. Hindi ko 'yon pinansin at nanahimik na lang habang pinapanood ang dinadaanan namin. Miles offered to cook me dinner since saturday naman daw and walang pasok tomorrow, tutulungan niya daw ako mag-organize ng mga gamit sa condo ni Gwayne.
Pumayag ako since kailangan ko rin naman talaga. Hindi naman ganon kalayo 'yung place namin sa condo ni Gwayne kaya nakarating kami agad 'dun, pagdating ko palang umupo na ko sa sofa at sumalampak.
Finally, peace of mind.
"What's with you today?" Napatayo ako ng magsalita si Miles, tumabi siya sa akin sa sofa at inayos 'yung buhok ko. "Tahimik mo ha, what happened?"
Napa-yuko ako, hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na kaya ako ganito ay dahil sa kapatid niya, hindi ko kaya.
"Wala naman," Sabi ko tapos tinapik siya sa balikat. "Thanks for being with me today." Sabi ko, ngumiti siya tapos ay ginulo ang buhok ko.
"You're always welcome, Cierra." Napa-make face ako dahil sa tinawag niya sa akin.
We started unpacking my things, nung inaayos ko na 'yung mga gamit ko nag-sabi siya na we need to buy something sa grocery store for our dinner kaya niyaya niya ako na lumabas.
Feeling ko lahat ng bagay bago for me and hindi ako sanay, imbes na si Enzo na best friend ko ang kasama ko sa paglilipat ko, kasama ko ang kapatid niya. It is weird for me, pero alam ko naman na hindi ko pwedeng istorbohin si Enzo dahil may Nina na siya, ulit.
Tawa kami ng tawa ni Miles habang namimili, siraulo kasi binalik-balikan 'yung free taste stall ng sushi. Sa totoo lang, wala akong kwenta dito. Siya lang naman may alam ng kung anong bibilihin niya kaya nag-insist na lang ako na itulak 'yung cart.
"Anong lulutuin mo?" Tanong ko sa kanya.
"Hmm, ano bang gusto mo?" He asked, napaisip ako.
"I want salad, ceasar salad." Ngumiti ako, ilang araw na kong nagce-crave 'dun.
"Okay then," Tapos lumapit siya sa vegetable section and parang busy na pumipili ng lettuce, ang cute niya kaya nilabas ko ang phone ko tapos kinuhaan siya ng picture ng patago.
Hindi ko pa nababalik ang phone ko sa bulsa ko ng biglang mag-flash sa screen ang pangalan ni Enzo, he's calling me. Hindi ko sana sasagutin 'yon pero mukhang narinig ni Miles na tumunog 'yung phone ko kaya napatingin siya sa akin.
"Enzo." I said kaya tumango siya tapos bumalik sa paghahanap ng lettuce.
Nanginginig pa 'yung kamay ko 'nung pipindutin ko na 'yung accept button, pero sinagot ko pa rin 'yon.
"Hey." Ayun 'yung unang bungad niya sa akin, para akong pagpapawisan ng malamig ng marinig ko 'yung boses niya.
Sa ilang araw ko na pag-iwas sa kanya, ito na lang ulit 'yung unang beses ko na narinig 'yung boses niya.
"H-hey." Sabi ko rin, napakamot ako sa ulo kasi nanginginig 'yung boses ko.
"Buti naman sinagot mo na 'yung tawag ko," Malungkot niyang sabi.
Napatingin ako kay Miles na busy sa paghahanap niya, sumunod ako sa kanya sa freezer section.
"Sorry, I was busy." Palusot ko kahit 'yung totoo, ayoko talaga siya kausapin.
"Tapos hindi mo pa sinabi na umalis ka muna dito sa bahay niyo, anong nangyari? Bakit hindi mo ko sinabihan." Napapikit ako, nakakainis talaga si Gwayne.
"Anong mas okay, chicken or pork?" Miles asked me.
"Hmm, chicken." Sabi ko tapos ngumiti sa kanya.
"Si Kuya Miles ba 'yon?" Tanong ni Enzo sa kabilang linya, oh crap.
"Yes, hinatid niya ako dito sa condo ni Gwayne." Sabi ko, hindi ko alam pero parang tunog disappointed ang tono niya.
"Okay," Sabi niya tapos tumahimik ng ilang segundo bago ulit nag-salita. "You two enjoy, bye." Hindi pa ko nakakapag-paalam, binababa na niya.
Ng makabalik kami ng condo, nag-luto at kumain kami ni Miles. Ang dami namin napag-usapan na parang hindi kaming usually nagkikita kapag sinusundo niya ako sa school.
Wala pa rin pingbago si Miles, siya pa din 'yung Kuya ni Enzo na madalas kong kakampi pag hindi kami okay ng kapatid niya, noon kasi sobrang siraulo ni Enzo eh. Palagi niya akong iniinis and nagiging dahilan yon para magaway kaming dalawa, kaya buti na lang nandon lagi si Miles para kampihan ako.
Sobrang ideal type of man ang characteristics ni Miles. Gentleman, gwapo, matalino at mabait, ang problema nga lang, babaero siya. Ginagamit niya lahat ng assets niya para makakuha siya ng loob ng mga babae, though sanay na kami sa kanya ni Enzo, parang buhay ko nga ata never ko pa siya nakitang napasok sa serious relationship.
By 9PM, nagpaalam na si Miles. Dadaan pa daw siya sa Galaxy kasi nandon daw 'yung mga HS friends niya.
Ng maiwan na kong magisa, napa-isip nanaman ako kung tama bang ina-admit ko nanaman sa sarili ko na gusto ko nanaman si Enzo.
Tagal na 'nung last time na nahulog ako sa trap na ganito, pero may nangyari ba? Wala pa rin naman! Malamang, ganon rin mangyayari this time.
Alam kong paulit-ulit rin lang na mangyayari 'to, alam kong babalik lang rin ako sa simula kaya hahayaan ko na lang na lumipas 'to, kasi alam kong matatapos rin 'to. I've been here.
Sanay na lang rin ako.
*