Chapter 4
"HINDI KO NA MAALALA KUNG ANONG NANGYARI KAGABI." Sabi ko saka hinilot ang sentido ko, feeling ko anytime sasabog na yung ulo ko dahil sa sobrang sakit.
"Huh!" Napalingon ako kay Enzo ng bigla siyang tumayo at humarap sa pool area namin. "Buti ka pa, hindi mo naalala 'yung nangyari kagabi, ako kasi natatandaan ko pa eh." Sabi niya at hinila ang buhok ko.
"Aray ko bwiset ka!" Angal ko sa kanya. "Ano ba kasing nangyari?" Tanong ko sa kanya.
"Isipin mo," Inaalala ko ang nangyari pero wala talaga kong maisip bukod sa pinapunta ko si Gab dahil nagkita si Enzo at Nina unexpectedly, naginom ako ng umalis si Gab dahil sa inis and wala na kong maalala. "Ano wala kang ma-recall?" Tumango ako, tumawa siya at umupo ulit sa kaharap kong upuan.
"Napaka-ingay mo , Ci!" Sabi niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko."Ang dami mong rants sa buhay, pati yung guard na sumaludo sa atin papasok ng subdivision inaway mo." Tumawa nanaman siya. "Sabi mo, bakit sayo hindi siya sumasaludo tapos sa akin bumabati pa." Ginulo niya ang buhok ko, hindi ko maalala yun ha?
"Sorry, hindi ko nanaman napigilan." Guilty kong sabi sa kanya, hindi kasi ito ang unang beses na nag-paalaga ako sa kanya dahil lasing ako. "Next time talaga hindi na ikaw yung tatawagan ko pag weng-weng na ko." Sabi ko, nakatingin lang siya sa akin.
Alam kong mukhang tanga ang kinilos kong 'yon, hindi naman ako dapat mainis kay Nina dahil lang bumalik siya. I know she has reasons kaya niya nagawang iwanan ang best friend ko noon, past is past though.
"Hindi mo kailangang mag-sorry." Tumayo siya at lumapit sa akin saka ako hinila patayo at niyakap mula sa likod ko. "Sanay na ko, Cici. Kahit habang buhay pa kitang sunduin ng lasing sa inuman, okay lang sa akin." Sabi niya, ramdam ko yung hininga niya sa mula sa likod ng tenga ko kaya medyo nakikiliti ako.
"Pano kapag--"
"Ayan ka nanaman." Sabi niya ng akmang may sasabihin ako. "Kahit pa may Anak na ko, same goes with you. Walang magbabago, susunduin pa rin kita sa inuman kapag lasing ka na." Hinarap niya ako sa kanya. "Kaya nga, medyo bawas-bawasan mo 'yang pagiging lasingera mo ha?" Sabi niya at tumawa.
"Inamo." Sabi ko sa kanya at hinampas ang braso niya.
"Minumura mo ko?" Tumango ako. "Bad 'yan, Cici!" Sabi niya, tinaas ko ang middle finger ko sa kanya.
"Isa pang mura mo, isusumbong kita kay Tita Ingrid!" Sabi niya pa at akmang papasok ng bahay namin kung nasaan si Mommy. Tinaas ko pa yung isa kong daliri sa kanya habang tumatawa. "Tita Ingrid si Cici, pinapakyu ako oh!"
"Cierra!" Rinig kong tawag ni Mommy sa akin.
"Bleh!" Parang batang sabi naman ni Enzo.
"Enzo, pakyu ka." Bulong ko tsaka siya tinalikuran at iniwan doon sa pool area. "Mommy, wag ka nga naniniwala diyan kay Enzo, nagi-ilusiyon lang 'yan." Sabi ko pagka-pasok ko.
"Ikaw, hindi ka man lang maging thankful diyan sa best friend mo, halos buong gabi ka niyang binabysit dahil sa kalasingan mo." Sabi ni Mommy sa akin ng tumabi ako sa kanya sa dining area, pumasok na rin si Enzo at tumabi sa akin, kumindat ito sa akin.
Inirapan ko siya. "Tita, wag mo na kong masyadong puriin, lumalaki yung ulo ko." Biro pa nitong si Enzo, kaya itong Mommy ko biglang tumawa ng malakas.
"You're so funny talaga, Enzo!" Maarteng sabi ni Mommy at hinampas pa si Enzo sa balikat. "Sana talaga kayo na lang nitong si Cici ko." Napatigil ako sa pagpitas ng grapes dahil sa sinabi ni Mommy.
Alam kong bigla rin napatigil si Enzo ng dahil 'dun. Pasmado talaga yung bibig nitong Mommy ko eh!
Tinignan ko ng masama si Mommy, napatakip siya ng bibig na para bang gets niya na medyo off yung sinabi niya. Napa-ngiwi pa siya tsaka ko nginuso si Enzo na natulala sa grapes na pinipitas niya mula sa dining table namin, this is so awkward!