Chapter 7
The past few days of my life are kinda boring. My training just started yesterday and I had to double my time doing my homework and readings.
Our liga season is coming, kaya medyo busy na. Hindi ko na rin gaano nakakasama si Enzo because his training started na rin, good thing Miles took place. Sinusundo at hinahatid niya ako pag wala si Gwayne, hindi ko na nga halos nagagamit 'yung koste ko dahil kay Miles.
Today is Enzo's birthday, I took more than an hour thinking about what paper bag should I get for my gift. And then I end up putting it on a craft box I bought sa isang shop sa mall near my Uni.
Actually, sobrang kabado ako na ibigay sa kanya 'to. Hindi ko kasi sure kung magugustuhan niya 'to, like hindi ganito 'yung mga past gift ko sa kanya, so nahihiya ako.
Nag-prepare ako ng sarili ko dahil may lunch-out kami kasama ang buong family nila Enzo, I texted him if anong color ang suot niya today and he said naka-blue daw siya.
I took almost ilang oras para lang piliin kung anong kulay ng cropped top shirt ang susuotin ko. I know, I know this is insane. I'm insane.
After ng ilang oras kong pag-iinarte, bumababa na ko at nakita si Gwayne na bored na nakaupo sa sofa.
"Hi, Kuya!" Bati ko sa kanya at tumabi sa sofa.
"Woah woah, you're extra!" Sabi nito at parang nagtataka pa. "And you call me Kuya ha, super extra." Tumawa ito at umiling.
"Ito naman, lahat na lang binigyan ng meaning." Umiling rin ako at tinext na lang si Enzo na ready na ko.
"Nga pala, nandiyan na si Miles." Sabi nito, kumunot ang noo ko.
"Yep, one week ago na right?" Sabi ko, lumingon si Gwayne sa akin.
"Nagkita na kayo?" Sabi niya, tumango ako.
"Y-yes?" Nag-taka ako kasi akala ko alam niya na nandito na si Miles.
"Mokong 'yon, di man lang nag-sabi." Iiling-iling na sabi ni Gwayne.
Nagyaya na si Mommy na lumabas kaya sumunod na kami, nakita ko si Enzo sa tapat ng gate nila na mukhang tense kaya tinawag ko siya.
"Panget!" Tumingin naman siya agad.
"Let's go?" Tumango ako pero bago pa man ako maka-lapit sa kanya lumabas ng bahay si Miles.
"Enzo, pahiram ng koste mo." Nagulat ako sa sinabk ni Miles, tumingin ako kay Enzo and parang clueless siya kung anong nangyayari. "I'll drive Cici papunta kina Mommy." Sabi niya at inagaw kay Enzo ang susi ng koste niya.
"Uhh.. Miles." Nag-aalangang sabi ko at lumingon pa kay Enzo. "See you there?" Malungkot kong sabi kay Enzo, tumango siya tapos ay sumakay na ko sa koste.
I miss him, I mean Enzo. Ang lapit-lapit niya lang naman pero namimiss ko siya, alam mo 'yung feeling na parang may malaking naka-harang sa aming dalawa ngayon. And alam ko na 'yung mga trainings namin ang harang na iyon kaya di na kami gaano nagkikita kahit nasa iisang subdivision lang naman kami.
Madaming kinukwento si Miles pero hindi ko gaano naintindihan, occupied kasi ng isip ko si Enzo. Pagdating naman namin 'dun sa venue, kami nanaman ni Miles 'yung magkatabi, nagkukwento siya about sa life niya sa NY. Well, interesting naman 'yung mga kwento niya kasi I've always dreaming of leaving there.
Sa sobrang saya ng lunch namin, I almost didn't have the chance to have a moment with Enzo. Nakakainis nga kasi halos buong oras, na kay Miles lang 'yung usapan and parang di na nila naalala na birthday celebration ito ni Enzo.