Chapter 18
Ano kayang ginagawa niya? Nasaan kaya siya ngayon? Masaya kaya siya?
Huminga ako ng malalim, hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na 'yung ginawa ngayong araw. Hindi ako nakapasok sa school today dahil nilalagnat ako, sabi ng doctors nabigla daw ako sa game ko kahapon and need ko i-rest ang buong katawan ko for a week.
After this week, finals na namin. Confident naman ako na gagaling ako agad after ng isang linggo, hindi naman kasi ako nakakalimot uminom ng multi-vitimins.
Ang problema lang, kaya ako nagkasakit ay dahil ginawa kong busy ang sarili ko nung mga nakaraang araw sa training at pag-aaral.
Ayoko kasing sumagi sa isip ko si Enzo at Nina. Isang linggo na rin simula nung lumabas si Nina sa ospital and after nung araw na pumunta kami ni Miles sa ospital ay hindi ko pa ulit nakikita si Enzo.
Hindi ko sana siya hahanapin pero dahil ata sa lagnat ko ay gustong-gusto ko siyang makita ngayon. Gusto ko siya ang mag-alaga sa akin katulad noon na kapag may sakit ako ay siya ang nagaalaga sa akin.
But he's not here.
Nakarinig ako ng ilang katok mula sa pinto ng kwarto ko. Hindi ako tumayo mula sa pagkaka-upo ko sa kama ko kaya bumukas iyon at niluwa si Miles, may dala siyang pagkain.
Kanina pa siya nandito, umaga palang dumaan na siya dito sa bahay dahil nalaman niya daw na may sakit ako.
Kuya Gwayne fetch me yesterday sa condo and told me na hindi na ako babalik doon dahil hindi raw ako pwedeng mag-isa simula ngayon. Pinagalitan ako ni Kuya Gwayne dahil sinagad-sagad ko naman daw ang sarili ko kaya nagka-sakit ako ng ganito.
"You should eat, Love." He smiled at me tapos ay umupo sa gilid ng kama ko.
"Thanks Miles." Ngumiti ako sa kanya tapos ay kinuha 'yung pagkain na hawak niya.
Pinapanood niya lang ako habang kumakain tapos ay inabutan na ako ng gamot. "You wanna watch movie?" Kumunot ang noo ko.
"I brought my laptop with me," Sabi niya tapos ay tinuro ang laptop bag niya sa akin. "So?" Ngumiti ako tapos tumango. "Yes!" Masayang sabi niya tapos ay inabot 'yung laptop niya sa kabilang side ng kama ko.
Ever since that night happened sa park, we never talked about the kiss. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya, honestly, pero that kiss shouldn't happen. Mali.
Alam ko kung ano ako para kay Miles, alam kong hindi niya ginagawa ang mga bagay na 'to ngayon dahil lang ang tingin niya sa akin ay little sister. I know Miles likes me, and it is unfair to him that I like Enzo.
I like Enzo for every ounces of his being. I can't explain how everything ended up like this, or how my feelings for him gree bigger and bigger. I just love him, no explanation needed.
But I know Enzo was never mine from the beginning. He belongs to someone else and not for me, I know how he loved Nina back then and that hurts me a lot.
I can feel Enzo's love for Nina at sobrang nasasaktan ako dahil 'dun.
Alam kong kahit anong mangyari walang makaka-palit kay Nina sa puso ng best friend ko, first girlfriend niya 'yan eh, first heartbreak rin.
Naalala ko 'nung umalis noon si Nina at iniwan si Enzo na mag-isa at walang kaalam-alam sa nangyari, iyak ng iyak noon si Enzo.