Life feels like fall of itself.
A dream within a dream.
And I want to wake up.- Shannon Hale
Nakatitig lamang si Aika sa kisame ng kwarto nilang mag-asawa. Mag-isa na lamang siya dahil pumasok na sa trabaho si Zen kaya naman iniisip niya ngayon kung ano ang gagawin niya maghapon maliban sa magbasa ng mga libro.
She was thinking of going back to work para hindi na siya naiinip kapag wala ang asawa niya. Zen, on the other hand, would always call her even when he was at work to make sure she had someone to talk to, which was very thoughtful of him.
Itinaas niya ang kamay at pinakatitigan ang singsing sa daliri niya. Five days. It has been five days since her husband proposed to her again. It has been five days and it still feels like a dream... a good dream.
Since it's a second wedding, they have decided to do it sooner. The sooner the better, ika nga nila.
She had a meeting yesterday with the wedding coordinator over dinner. They talked about the theme of the wedding that she liked. Everything was for her to decide. She tried to ask her husband, but Zen only replied that they would do whatever she wanted. He is really spoiling her too much.
Simula nang makabalik siya ay wala itong ibang ginawa kung hindi ang pagbigyan siya sa mga gusto niya. It looks like he's really trying to make everything up for her.
Bukas pa ang punta nila sa designer ng gown niya para sa kasal kaya naman buong maghapon lang siya sa bahay.
She got up from the bed and took a quick shower bago lumabas ng kwarto. Tinungo niya ang unang palapag ng bahay nila kung nasaan ang kusina para humanap ng kakainin nang maabutan siya si Manang Mel na nagluluto.
Kunot ang noo niya nang tanungin ito kung ano ba ang niluluto nito.
"Ano po iyan manang?" Tanong niya dito.
"Gising ka na pala, hija. Ito ba? Carbonara 'to. Pasira na kasi sa susunod na araw' yong mga sangkap eh sayang naman kaya niluto ko na." Nakangiting sagot nito. "Gusto mo ba?" Tanong nito nang lingunin siya.
Kaagad naman siyang umiling at tinakpan ang ilong. "Sorry po manang pero ang baho po ng niluluto niyo. You know that I don't like Carbonara." Sagot niya sa matanda na natawa lamang.
"Hanggang ngayon pala ay ayaw mo pa rin ng carbonara. Tanda ko pa noon na nagluto din ng ganito ang asawa mo at pinipilit kang tikman pero ayaw mo talaga dahil ang sabi mo ay ayaw mo sa white sauce." Anito. Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nito habang nagkekwento ng nakaraan nila.
Napangiti na lamang siya nang maalala ang sinasabi nito. "Nakakatuwa naman ho at natatandaan niyo pa iyon." Saad niya. "Pero alis po muna ako dito kasi ayoko po talaga ng niluluto niyo. Doon lang po ako sa pool side." Pagpaalam niya dito.
"Oh sige. Pasensya ka na. Padadalhan na lamang kita ng makakain doon ha." Sagot nito sa kaniya.
"Okay po. Salamat po."
Aika went to the pool side and sat there while holding her phone. She was browsing through the internet habang nakatambay.
Maya-maya ay dumating din si Heaven na bagong kasambahay nila at may dala itong pagkain para sa kaniya."Heto na po ang almusal niyo ma'am." Magalang na saad nito saka inilapag sa harapan niya ang gatas at hawaiian sandwich na almusal niya.
BINABASA MO ANG
𝓜𝓲 𝓥𝓲𝓭𝓪 𝓜𝓲 𝓐𝓶𝓸𝓻𝓮 [ R-18 COMPLETED]
RomanceWARNING SPG ⚠️⚠️⚠️ Read at your own risk. SYNOPSIS: Zen lost his wife in a horrific accident three years ago. Pakiramdam niya ay tumigil sa pag-ikot ang mundo niya kasabay ng pagkawasak ng puso niya. He was in denial of his loss. He loves Aika more...