"Some people are going to leave, but that's not the end of your story. That's the end of their part in your story."
- Faraaz Kazi
"Since I can't be with you right now I will have to be content just dreaming about when we will be together again."
- Susan Polis Schutz
Aika wiped her tears. Kanina pa siya umiiyak habang hinahaplos ang lapida harap niya. Her heart is still breaking kahit na isa at kalahating taon na ang nakakalipas magmula nang mangyari ang lahat ng trahedya sa buhay niya.
Ilang beses niyang sinabi sa sarili na okay lang siya at kaya niya. Ilang beses niyang pilit kinukumbinsi ang sarili na matapang siya at malalagpasan din ang lahat ng ito.
Mula nang magising siya sa hospital ay wala siyang ibang ginawa kung hindi ang umiyak. The doctors even have to give her sedatives para lamang kumalma siya. Sa tuwing magigising siya ay ramdam na ramdam niyang nawawasak ang puso niya.
Napakabilis lumipas ng mga araw. Isa at kalahating taon na pala ang lumipas. Ilang buwan na lamang at magdadalawang taon na din. She looked at the picture in front of her and smiled bitterly. "I miss you... I am so sorry for what happened. Kasalanan ko... Kung hindi dahil sakin eh di sana buhay ka pa ngayon." Aniya habang umiiyak.
Palaging sinasabi sa kaniya ng mga tao sa paligid niya na wala siyang kasalanan sa mga nangyari, but that's not how she sees it. She would always blame herself for what happened.
She hugged herself when she felt cold. Tirik na tirik ang araw pero bigla siyang nakaramdam ng lamig. Hinintay niyang mawala ito pero hindi... and that's when she burst into tears again. "Is it you? Are you here? Are you hugging me? Please don't go.. and just hug me."
"Ssssh! Tahan na." Bulong sa kaniya ng inang si Risa na ngayon ay hinahagod ang likod niya. "Halika na at baka malate pa tayo." Pag-aya nito sa kaniya na umalis na.
Inalalayan siya nitong makatayo. "I promise dadalawin ulit kit dito. Huwag ka malulungkot ha? Babalik ako..." Aniya bago sila naglakad ng ina patungo sa kotse na naghihintay sa kanila.
It was Kane who was driving the car. Nginitian siya nito nang makasakay sila sa backseat ng kotse nito.
"Salamat sa pagpayag na samahan ako dito, Kane." Aniya.
"Wala iyon. Yari ako kay Zen kapag pinabayaan kita. Baka hindi non patahimikin ang kaluluwa ko." Nakangiting sagot nito na ikinangiti niya din.
Tahimik silang tatlo sa byahe habang siya ay nakatingin sa labas ng sasakyan. A lot of stuff was going on inside her head. She felt her mother caressing her hand kaya naman napangiti na din siya.
Isang oras din ang naging byahe nila nang makarating sila sa resort na pupuntahan.
"Goodness! Maigi at dumating na kayo! Aayusin pa namin ang buhok mo! Ano ba ang nangyari at ngayon lang kayo dumating?" Naiinis na tanong ni KC na siyang mag-aayos ng buhok niya.
"Sorry na Ate. Dumalaw muna kasi sa sementeryo." Sagot niya dito.
"Oh." Was all she could say. Iginiya na siya nito papasok sa kwarto kung saan siya aayusan ng make-up artist habang ginagawa ang buhok nito ang buhok niya.
"Ang ganda mo na kaya hindi na kailangan na makapal ang make-up. Pero since gabi ang kasal mo.. kailangan iyong kita pa din na may kulay ang mukha mo." Saad ng make up artist niya matapos siyang lagyan ng face mask sa mukha. "Mamaya na kita me-make upan. Kailangan irelax muna natin ang skin mo. Moisturize muna natin."
BINABASA MO ANG
𝓜𝓲 𝓥𝓲𝓭𝓪 𝓜𝓲 𝓐𝓶𝓸𝓻𝓮 [ R-18 COMPLETED]
RomanceWARNING SPG ⚠️⚠️⚠️ Read at your own risk. SYNOPSIS: Zen lost his wife in a horrific accident three years ago. Pakiramdam niya ay tumigil sa pag-ikot ang mundo niya kasabay ng pagkawasak ng puso niya. He was in denial of his loss. He loves Aika more...