1

148 7 9
                                    

Sa isang opisina nakaupo ngayon sa isang swivel chair ang doctor na si Ellai Gwen Desdemona. Isang napakagaling na doktor na maraming tagahanga dahil sa kanyang galing at talino. Bukod pa dun ay napakaganda niyang dalaga, mabait at palaban. Hindi man masyadong nakikita ang pagkakaroon ng ibang lahi ni Ellai dahil mas nangingibabaw ang genes ng kanyang ama ay hindi parin nawawala ang namana niya sa kanyang ina. Hugis pusong mukha, may katangusang ilong, walang kasigla siglang mga mata na sa bawat pagtitig niya sayo'y mararamdaman mo ang lungkot na hindi mailabas ng kanyang bibig, may kakapalang kilay, mahahabang pilik mata, mapupulang mga labi na minsan lamang kung ngumiti, may biloy sa pisngi ngunit minsan mo lang makikita dahil sa minsanang pagngiti, hanggang balikat lang ang malapursilanang buhok, maputi at makinis na kutis na parang pinaliguan ng gatas. May katangkaran at medyo malaman. Ganyan ang uri ni Ellai. Sino ba naman ang hindi magkakagusto diba?

Bente singko pa lamang siya ngunit ang isip niya ay masyadong nang mulat sa lahat. Ngunit kahit sa dinami-rami ng mga nabibighani sa kanya ay wala parin siyang naging nobyo dahil lahat ng nagtatangkang ligawan siya ay kanyang iniiwasan.

Habang nakasandal sa kanyang upuan ay pumikit si Ellai. Ilang saglit pa ay di niya namalayan ang likidong tumulo mula sa kanyang mga mata dulot ng sakit ng nakaraan na hanggang ngayon ay di pa niya malampasan.

Sa kanyang bawat pagpapahinga ay palagi niyang naaalala ang mga panahong siya ay nag aaral pa lamang ng elementarya at sekondarya. Kung paano siya nagkaroon ng masasayang alaala na kailanman ay di na maibabalik pa. Mayroon ding masasakit na alaala na naging dahilan ng kanyang pagiging palaban sa buhay.

18 years ago......

Nagkakilala si Ellai at Norelie dahil magkaklase sila. Dahil sa pagiging bibo ni Ellai ay nagkainteres sa kanya si Norelie kaya nakipagkaibigan ito sa kanya.

Si Norelie ay may lahing amerikano kaya makikita rin ang kagandahan nito.  Ang kanyang bilugang mukha, may katangusang ilong, mahahabang pilikmata, kulay rosas na mga labi na laging nakangiti at ang maputi at makinis na kutis. Kasing tangkad ni Ellai at kasing edad.

Nagkaroon sila ng magandang pagsasama ng kanyang kaibigan, sabay silang gumagawa ng proyekto, takdang aralin at ng kung ano ano pa. Madalas pang tumakas si Ellai sa kanilang bahay upang masamahan si Norelie sa mga gawain nito. Naliligo sila ng dagat nang hindi nagpapaalam sa kanilang mga magulang, umaakyat ng bundok at ng kung ano ano pa. Alam man ni Ellai na mapanganib ang kanilang ginagawa ay sinamahan parin niya si Norelie dahil bukod sa matalik niya itong kaibigan ay ayaw niya itong layuan dahil baka mapahamak ito.

Isang araw, inaya ni Norelie si Ellai na pumunta sa farm nito. Nag alangan man si Ellai dahil alam niyang hindi siya papayagan ng kanyang ina ay sumama parin siya. Nagtiwala siya rito na hindi siya nito isusumbong sa kanyang mga magulang. Nagtungo na sila at ipinakita ni Norelie ang mga alagang manok, baboy at aso ng ama nito. Nakauwi si Ellai ng ligtas ngunit binabagabag diya ng konsensya dahil sa paglilihim niya sa kanyang ina.

Nagpatuloy lang ang mga paglihim ni Ellai sa kanyang ina hanggang sa isang araw a nagkaroon sila ng proyektong kailangan nilang gawin sa bahay sa ni Ellai.

Nang makaalis na si Norelie sa bahay nito ay ipinatawag si Ellai ng kanyang ina.

"Nay? Bakit niyo po ako pinatawag?" Bungad niya sa kanyang ina.

Nakaupo ang kanyang ina sa isang silyang gawa sa kahoy habang sumisimsim ng kape. Kung titignan mo silang dalawa ay hindi mo agad mahahalatang mag ina dahil medyo malayo ang mukha ni Ellai sa kanyang ina. Singkit ang mga mata nito, samantalang siya ay hindi na mahahalata ang pagkasingkit. Makikita mo nalang ang kasingkitan ni Ellai kapag nakangiti. Makikita mo rin ang medyo pagkamasungit nito dahil sa matatalas nitong mga mata satwing tititigan ka. Maputi at makinis din ang kutis nito gaya ng kanyang dalawang anak. May katangkaran din.

Will You Be Mine Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon