10 years ago......
Ellai's POV
"Asan na ba kasi ang asungot na yun?" Naiirita kong sabi.
Nandito kami ngayon sa junior high school department at iniisa isa ang bawat room na madadaanan. Graduation day namin ngayon kaya lahat kami ay nakatoga. Inutusan kami nina Neva at Nathan na hanapin si Sandro dahil nandito lang daw yun kanina pero bigla lang siyang nawala.
"Pagkatapos iannounce na salutatorian siya. Bigla nalang siyang nawala" saad ni Neva na nakasunod sakin ngayon.
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ng pantalon ko. Napahinto rin ako sa pagtakbo kaya napahinto rin silang dalawa.
From: 09123456789
Kung gusto mokong makita. Umakyat ka dito sa 4rt floor, pumunta ka sa mens cr.
From: 09123456789
Kapag di ka sumunod. Mahihirapan lang kayong hanapin ako.
Wala mang nakalagay kung kanino galing ang mensahe na to pero alam kong si Sandro to.
Ibinaling ko ang aking tingin kay Neva at Nathan. "Nagtext si Sandro. Sinabi nia sakin kung nasaan siya. Pero sabi niya, kailangan ako lang daw para hindi na tayo mahirapang maghanap" aniko.
Namewang naman si Nathan. "Mautak talaga ang mokong nayan" saad niya.
Hinawalan naman ni Neva ang kwelyo ni Nathan. "Ano pang ginagawa natin? Umalis na tayo at bumalik na sa gymnasium" saad niya at hinila na si Nathan palayo.
Ako naman ay lakad takbong tinungo ang ika-apat na palapag.
Sandro POV
Di niyo na ako kailangang makilala ng lubusan dahil hindi niyo magugustuhan. Basta isa lang ang alam ko, gwapo ako.
Ilang minuto ang hinintay ko bago ko marinig ang yabag na nagmumula sa labas ng cr. Nakasandal ako ngayon dito sa sink habang hinihintay si Ellai.
Bumukas ang pinto at iniluwa si Ellai. Panandalian akong natulala at napaawang ang bibig. Di ko alam kung bakit hanggang ngayon patay na patay parin ako sa babaeng to. She's sweeter than sugar, noon nung di pa kami nagkawatak. She's cooler than ice, hanggang ngayon. She's gorgeous as godess......
Natigil ang pag-iimagine ko nang masalita na siya. "Anong kailangan mo? Andito kalang pala, pinahirapan mopa ako" saad niya. Para akong nasa alaska during winter season dahil sa lamig ng pakikitungo niya.
Inayos ko ang buhok ko. I admit, I'm seducing her. "What took you so long?" Tanong ko matching with tinging papogi.
Napasinghap siya, may sipon ata. "Hindi ka naman ganun ka importante para magmadali ako" sagot niya. Nahurt ako dun.
Napaubo naman ako. "Kaya kita pinapunta rito because there's something i want to tell you" saad ko. Sa pagkakataong to ay sumeryuso na ako.
Lumapit na siya sakin at nacross arm. "Tell me"
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "About last 3 years. Nung graduation nati......" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nung pinutol niya ito.
"Hindi mo na kailangang magpaliwanag. Your explainations can never bring back the past"
Binalewala ko ang sinabi niya at nagpatuloy nalang. "One week before our graduation. Kinausap ako ni daddy"
Flashback......
Nakaupo ako ngayon sa upuang nasa harap ng mesa ni dad habang nakayuko.
"How many times I'm going to tell you that stay away from her?" Tanong ni daddy, bakas ang inis sa boses niya. Takot na takot ako kay daddy dahil oras na nagagalit siya ay ginagawa niya lahat ng gusto niya.
BINABASA MO ANG
Will You Be Mine Again?
RandomTotoo kaya kapag mahal ka noon at mamahalin ka parin hanggang ngayon? Ang tahimik ng buhay ng magandang doktora na si Ellai Gwen Desdemona muling gumulo nung magkatagpo ulit ang kanilang landas ng lalaking pinakauna at huli niyang minahal, si Anthon...