May tumapik kay Ellai at nang lingunin niya ito ay ngumiti ito sa kanya.
Umupo ito sa tabi niya. "Hi, Im Neva Jolie Chiraz. Chiraz means calm so dont worry, mabait ako. Classmate niyoko pero di niyo ako manotice. Kapit bahay ako ni Ellai" pagpapakilala nito.
"Kayo ba yung bagong lipat sa village namin ni Ellai?" Tanong ni Sandro.
Pumitik sa ere si Neva. "Ahuh, kami nga. Pwedeng makipagfriends?"
"Pwede naman. Basta make sure totoo ka"
"Sige ba"
Nagkamayan sina Sandro at Neva. Nagtataka naman silang tinignan ni Ellai. "Tapos?" Tanong niya.
Ngumiti si Neva nang nilingon niya si Ellai. "Tapos friends na tayo" saad nito at umupo sa tabi niya.
****
Ellai's POVToday is our graduation day. Pero di ako masyadong masaya kasi isang linggo narin akong di pinapansin ni Sandro. Di ko alam kung ano ang dahilan niya basta bigla nalang niya akong iniwasan.
"Lets hear the message of our valedictorian. Everyone please around of applause" anunsyo ng mc.
Umakyat na ako sa entablado at hinawakan ang mic. Nakita ko si Sandro sa linya ng mga lalaki na nakayuko lang.
"Ahh. Alam ko, this is the day that we are waiting for. Ito yung araw na isa sa mga hindi natin malilimutan. Yung iba satin masaya, kasi natapos na nila ang unang yugto ng buhay nila. Ang iba naman ay malungkot, dahil sa araw na ito ay wala ang mga taong inaasahan nilang dumating and Im one of them. Because today is my graduation day, pero wala rito ang appa ko. Masaya na malungkot. Yung iba naman satin dito ay medyo masaya na medyo malungkot, bakit? Kasi mahihiwalay na sila sa mga naging parte ng buhay nila rito sa loob ng paaralan. Tulad ng favorite teachers nila, classmates, bestfriends and more." Pagkasabi ko nun ay nakita kong inangat na ni Sandro ang mukha niya at tumingin sakin, ngumiti ako. "Maraming nangarap na makapag aral at makapagtapos, pero iilan lang ang pinalad. At iisa na tayo ron. At gusto ko lang pasalamatan ang mga guro naming walang sawang nagturo at nag intindi samin, syempre yung parents ng mga batchmates ko salamat po. At syempre to my eomma. Thankyou very much for supporting me for everything. Thankyou" pagtatapos ko. Nagpalakpakan ang lahat at bumaba na ako.
Nang matapos ang seremonya ay nilapitan ko na si Sandro. Aalis na sana siya pero hinuli ko ang kamay niya.
Tatanggalin na sana niya ang kamay sakin pero hinigpitan ko ang pagkakahawak ko. "Anong problema?" Tanong ko, hindi siya sumagot at yumuko lang. "Sabihin mo naman oh para maayus natin" pakiusap ko.
Sa wakas ay bumuka na ang bibig niya. "Sorry" tanging niusal niya.
Nagtataka ko siyang tinignan. "Sorry para saan?"
Tiningala niya ako kaya nakita ko ang pangingilid ng luha niya, naapektuhan ako dun kasi kahit hindi ko pa alam ang dahilan ng pangingilid ng luha niya ay ramdam ko na ang sakit.
"Sorry...." di niya muna natuloy ang sasabihin ng bigla siyang humikbi. "Sorry kasi....hindi ko na matutupad ang pangako ko sayong di kita iiwan" pagkasabi nun ay pwersahan na niyang tinanggal ang kamay niya sakin at tumakbo na palayo.
Pakiramdam ko ay binagsakan ako ng mundo at natutop nalang ako sa kinatatayuan ko. Kumirot ang puso ko sa di malaman na pakiramdam, basta ang alam ko lang masakit. Sunod sunod na tumulo ang luha ko habang nakatingin parin ngayon sa gawi kung saan siya kanina nakatayo. Masyadong biglaan ang nangyari, di ko inaasahan. Napaluhod ako na kahit alam kong ikarurumi yun ng toga ko. Napahawak ang dalawa kong kamay sa mukha ko at tuluyan na akong humagulhol. Kulang na ng tao kaya alam kong wala nang makakapansin sakin. Sabi sakin kanina ni eomma ay mauuna na raw siya at hihintayin nalang niya ako sa bahay.
BINABASA MO ANG
Will You Be Mine Again?
RandomTotoo kaya kapag mahal ka noon at mamahalin ka parin hanggang ngayon? Ang tahimik ng buhay ng magandang doktora na si Ellai Gwen Desdemona muling gumulo nung magkatagpo ulit ang kanilang landas ng lalaking pinakauna at huli niyang minahal, si Anthon...