8

14 4 0
                                    

Nakarating na kami. Bumaba na ako at lumingon lingon, baka sakaling makita ko si Sandro. Simula nung tumapak kami sa bukana ng bahay nila ay parang bumigat ang pakiramdam ko, parang kinukutoban ako ng masama. Para akong sinasakal.

Sinalubong kami ni Aicee na malawak ang ngiti. "Hey, buti naman nakarating kayo. Ang totoo niyan, kayo lang ang besita ni Sandro. All of them are a friend of our parents, most of them mga business partners nila" saad niya habang nakatingin sa mga besita. Ngumiti nalang ako.

Mayamaya ay nagsimula na ang party pero di ko parin makita si Sandro, something strange is happening.

Habang kumakain ang lahat ay biglang namatay ang mga ilaw at ang natira na lang ay ang spotlight mula sa entabladong nasa harap namin ngayon. Nasa harapan ako kaya kitang kita mula rito kung sino ang magsasalita sa harapan. Nakita kong umakyat mula sa kabilang hagdan ang isang may kaedarang lalaki at pumunta sa harapan.

Kinuha niya ang mic at nagsalita. "Thankyou for coming tonight. I appreciate your presence in my son's birthday" panimula niya, siya pala ang daddy ni Sandro. Kung titignan mo siya, hindi halata sa tindig niya ang edad dahil matuwid parin itong nakakatayo pero nakikita na sa mukha niya ang edad niya. "And for my son's 20th birthday....." naputol ang sasabihin niya nang makita ako. Tumalim ang tingin niya. "Oh, you are here young Desdemona" puna niya, napayuko naman ako. "If your dating my son. Just stop" anunsyo niya.

Dahil sa pagkabigla ay napatayo ako. "What do you mean by that?" Tanong ko.

Mapakla siyang natawa. "Sa pananalita mo palang, kumukulo na ang dugo ko. Like father like daugther" sarkastiko niyang saad.

Ayokong iniinsulto ang tatay ko. Mabait ang tatay ko at wala akong nakikitang mali sa kanya para maging rason kung bakit ganito umarte ang taong ito sa harapan ng lahat.

"Diretsohin mo na ho ako" saad ko.

"I dont like you" matalim niyang saad.

Nagkibit balikat ako. Kung gaganyanin niya ako sa harap ng lahat, hindi ako magpapatalo. "Either me sir"

Nagtataka niya akong tinignan. "What did you say?"

"I dont like you too. Because your son is the guy who i like"

Natahimik ang lahat sa sinabi ko. Mapaklang natawa ang daddy niya.

"Mukhang di mo alam kung ano ang nangyayari sa pagitan namin ng mga Desdemona, young lady" aniya, hindi ako nakasagot. "Ang inyong kompanya ay ang pinakamabigat naming kalaban, and Sandro knows that. Mukhang hindi niya sinabi sayo" dagdag niya. Tuluyan nang natutop ang bibig ko dahil sa sinabi niyang iyon. Hinarap niya ang lahat. "I officially announce the engagement of my son and the unica hija of Tadeos Incorporation." Anunsyo niya sa lahat.

Biglang kumalabog ang pinto mula sa taas at lumabas si Sandro. Parang binambo ang puso ko nang makita ang magulo niyang buhok at nakabukas pa ang mga butones ng polo niya. Kasunod nun ay lumabas din si Norelie na parang ginahasa sa itsura niya. Magulo ang buhok at magulo narin ang red revealing dress niya.

Bumaba si Sandro at umakyat sa entablado, kinuwelyuhan niya ang daddy niya. "What are you doing dad?!" Nangangalaiting sigaw niya. "Nagsimula ang party without my knowing. And worse, tulog pa ako!" Dagdag niya. Ngumiti lang sa kanya ang daddy niya.

Humarap ulit ang daddy niya sa mga biseta, di alintana ang anak na hinahawakan ngayon ang kwelyo niya. "This is my son, Anthon Sandro Dellamuebes. And he's officially engage with miss Norelie Maine Tadeos" anunsyo niya na naging dahilan ng pagsunod sunod na patak ng mga luha ko.

Will You Be Mine Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon