9

15 3 0
                                    

Third person POV

Tumingin si Norelie sa telepono ni Ellai. "Sino ang tumawag?" Usisa nito.

Ibinalik na ni Ellai ang telepono sa bulsa niya. "None of your business" pabalang niyang sagot. "Umalis kana, sinisira mo ang moment ko" dagdag niya.

"Ellai" tawag ng isang pamilyar na boses. Nang nilingon ito nina Ellai ay nakita niya si Sandro na tumawid na pala ng kalsada para makarating sa kanila. "Let me explain" saad nito at lumapit sa kanya.

Umatras naman si Ellai. "Wag kang lalapit. Nandidiri ako sayo" aniya.

Nangilid na naman ang mga luha ni Sandro. "Ako paba ang nasa puso mo, o may iba na?" Malungkot na tanong ni Sandro.

Tiningala niya ito at tinitigan sa mata. "Dalawang buwan palang ang nakakalipas, may iba na agad?" Sagot niya.

"Kung ako pa. May chance pa ba?"

Mapait na natawa si Ellai. "Wala na. Bakit pa tayo lalaban kung may sabit na? Bakit pa tayo magpapatuloy kung magkakaanak kana?. Sa ganitong sitwasyon, lalabas na ako ang kabit dahil buntis na si Norelie samantalang ako hindi mo pa nagiging girlfriend"

"Please. Don't do this to me. I love you Ellai" pagmamakaawa ni Sandro. Hinawakan siya ni Norelie sa braso pero hinawi lang niya ito. "Dont get near to me. Son of a bitch!" Asik niya. Lumayo naman sa kanya si Norelie sa takot na baka ano ang gawin niya rito. Tinignan niya ulit si Ellai. "Let's start again. Hindi ko naman ginusto yung nangyari ehh. Pinainom ako ng pampatulog nun" pagpapaliwanag niya.

Hinawakan ni Ellai ang mga kamay ni Sandro at tinitigan niya ang mga mata nito. Nagsisimula na nang mag unahan ang mga luha niya. "Ginusto mo man o hindi. Pinainom ka man o hindi. Nagbunga parin ang ginawa niyo Sandro"

Napaluhod na si Sandro at tumingala sa kanya. "Ganito nalang ba kadali sayong iwan ako?! Bakit mo ginagawa to? Para maghiganti? Para saktan ako? Kasi kung oo, nasasaktan na talaga ako. Umabot na ako ngayon sa point na parang gusto ko nang tapusin ngayon ang buhay ko!" Sigaw ni Sandro kay Ellai.

Napapikit naman si Ellai, nang iminulat niya ang mga mata ay namumula na ito sa pagpipigil na masundan ang mga luhang pumapatak sa mga mata niya. "Linalayuan kita, hindi dahil sa gusto ko. O sa gusto kong maghiganti. Not even dahil gusto kong saktan ka!." Bulalas niya at tinanggal ang pagkakahawak ni Sandro sa mga kamay niya. Lumayo siya ng kunti at napasinghap. "Because your father want me to stay away from you!....Because if i did'nt, your father will not hesitate to kill the both of us. Sinabi niya sakin yun 3 weeks ago." Patuloy niya. "Im sorry, just please... set me free" pagmamakaawa niya. "Lets start a new life as a stranger, lets go back to the time on when we both dont know each other. You and i dont exist in our world.......Im doing this because I want you to live, thats because i love you. And because i love you, i will let you go and let you find someone else to love even it hurts me a lot. And because i love you, i will save your life...... and also mine... even the truth is........ Im fully dead inside.... Im sorry.....Let's start a new life, like what you've said earlier. As a stranger, we live in a same world but we don't exist in our own world. Pwede?" Pagtatapos niya. Nakarating na rin sina Neva at nanunuod na ngayon sa kanila. Pinunasan ni Neva ang luhang tumulo mula sa kanyang mga mata dahil ramdam din niya ang sakit na nararamdaman ngayon ng kaibigan niya.

Di na nakapagsalita si Sandro at tuluyan nang napayuko. Si Ellai naman ay tumalikod na sa kanila. Nakita niya sina Nathan na nakatingin na sa kanila kaya lumapit na siya rito. Inaya niya itong umuwi na at sumang ayon naman ito sa kanya.

Nang makauwi siya ay pabagsak siyang umupo sa sofa sa sala ng bahay niya. Sunod sunod nang tumulo ang mga luha niya. Nabigo niya ang pangakong hindi na siya iiyak dahil walang deserving na magpaiyak sa kanya.

Will You Be Mine Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon