11

19 3 0
                                    

Ellai's POV

Nakatingin lang ako ngayon kay Norelie na umaapoy na ang mga mata dahil sa galit at pagka dismaya.

"Wag ka nang mag iskandalo rito" madiing saad ni Sandro sa asawa niya.

Pagak na natawa si Norelie. "I knew it. Hanggang ngayon siya parin" mapait niyang ani.

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Wag mong dalhin ang personal mong kaik-ikan sa trabaho" aniko.

Nilingon niya ako. "Wait for my revenge" pagkasabi'y padabog na lumabas ng kwarto.

Ibinaling ko naman ang aking tingin sa iba pang nandito. Ngumiti sila sakin ng mapait. Lakad takbo akong lumabas ng kwartong yun dahil hindi ko na kaya ang nakakasakal na paligid. Nagtungo ako sa aking opisina at umupo sa aking silya. Sumandal ako at tinakpan ang aking mga mata gamit ang isang kamay. Humagulhol ako dahil hanggang ngayon ay di ko parin matanggap na namatayan ako ng pasyente, anak pa ng taong mahal ko.

Narinig kong bumukas ang pintuan pero hindi ko nalang nilingon.

"Ellai" malungkot na tawag sakin ni Nathan. Iminulat ko ang aking mga mata at tumingin sa kanya. "Wag mong sisihin ang sarili mo. Sabi nga ng doktor, walang may gusto sa nangyari. Hindi kayo ang may hawak sa buhay ng isang tao. Kahit gaano natin gustong pahabain ang buhay ng isang tao, kung hindi na talaga niya kaya hindi na kaya" dagdag niya.

Tumayo ako at patakbong yumakap sa kanya, gumanti naman siya ng yakap sakin. Hinaplos niya ng hinaplos ang aking buhok at mahinang tinatapik ang likod ko. Ilang sandali pa ay tumahan na ako at umupo na sa sofa. Tumabi siya sakin, isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat at pumikit.

Nang magising ako ay narealize ko na nakatulog na pala ako. Tumingin ako sa relo at alas kwatro trenta na ng madaling araw. Nakita ko si Nathan na tulog narin sa tabi ko habang nakasandal ang ulo sa sofa.

Yinugyog ko siya. "Gising na, uuwi na ako" tawag ko.

Kinusot muna niya ang kanyang mga mata at tumingin sakin. "Ihahatid na kita" aniya. Tumango naman ako.

Pagkalabas namin ng opisina ay nakita kong may mga nurses na nakatulog na sa mga ward na kanilang binabantayan. Hindi ko nalang sila ginising dahil naiintindihan ko naman ang antok nila. Wala na akong pasyente ngayon kaya makakauwi na ako.

Nang makasakay na ako sa kotse ni Nathan ay nagsalita siya. "Nakapag isip ka naba?" Tanong niya.

Saglit akong nanahimik bago nagsalita. "Sige, susubokan kong buksan ang puso ko. Siguradohin molang na hindi ka papalya" aniko.

Nakita ko siyang ngumiti at nag salute. "Aye aye, Ellai" sagot niya. "Bukas ihahatid at susundoin kita" dagdag niya, tumango nalang ako.

Nang makarating sa bahay ay nagpaalam muna ako saglit at pumasok na sa loob. Sinilip ko muna sa tabi ng pinto. Nakita ko siyang malawak ang ngiti bago pumasok sa kotse.

Sana sa pagkakataong to, hindi na maulit ang kinatatakutan ko.

Nang makaalis na siya at umakyat narin ako sa kwarto at pabagsak na humiga sa kama. Sa aking pagpikit naalala ko na naman ang batang Dellamuebes.

Magandang hugis ng mukha, mapupungay na mga mata, matangos na ilong, mapupulang labi, at hindi kaputiang kutis......Kuhang kuha mo ang itsura ng ama mo.

Halos wala akong nakitang parte ng mukha niya na nakuha niya kay Norelie, talagang photo copy.

Di ko namalayan na nakatulog pala ulit ako.

NAGISING ako dahil sa tunog ng alarm clock. Bumangon na ako at pinatay ang maingay na alarm clock.

Pagkatapos kong maligo ay sakto namang tumunog ang telepono ko.

Will You Be Mine Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon