10

19 2 0
                                    

Ellai's POV

Oras na ng pag inom ng gamot ng pasyenteng Dellamuebes kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa aking swivel chair dito sa aking opisina. Mamaya pang alas singko ng madaling araw ang labas ko ng trabaho at alas syete palang ngayon.

Sumakay ako ng elevator patungo sa baba upang kunin ang gamot ng pasyente.

"Good evening Doc" bati sakin ng isang nurse na lalaki. Mukhang bago lang to. Tumango lang ako.

Bumukas ang pinto ng elevator kaya naglakad na ako palapit sa pharmacy at kinuha ang gamot. Nang makuha ko na ay bumalik ako sa ikatlong palapag at naglakad na patungong kwarto ng batang Dellamuebes.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Sadro na nakaupo sa isang mahabang sofa sa gilid ng kwarto at nakasandal habang nakapikit. Lumapit na ako sa bata at hinawakan ang kamay nito.

Bumukas ang mata ng bata at tumitig sakin. "Why are you here po?" Tanong niya. Sa kanyang boses halatang hindi siya gumagamit ng lakas dahil delikado sa sugat niya.

Ngumiti ako. "I am here to give you your medicine. Gusto mo bang bumilis ang paggaling mo?" Aniko.

Tumango siya at ngumiti. "Opo. Ahm, ano po ang name mo?"

"Ellai" habang tinutusok sa dextrose niya ang gamot.

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. "I remember po. Yung story ni daddy sakin. Ellai rin po ang pangalan ng princess"

Nagtaka ako sa sinabi niya dahil wala naman akong kilalang prinsesa na Ellai ang pangalan. "Pwede mo bang ikuwento sakin ang story ng daddy mo?"

Lalong lumawak ang ngiti niya. "Sige po" nagagalak niyang sabi. "Nung unang panahon may isang prince daw po. May crush daw po siyang princess na Ellai po ang pangalan. Lagi niya raw itong nakikita pero di naman siya kilala ng princess kaya hindi sila nag uusap" panimula niya, mas lumapit naman ako sa kanya. "Nung naging friends nadaw po sila. Nagconfess po ang prince na crush niya si princess Ellai. Kaya nagcourt po si prince kay princess. Pero one day, nakagawa po ng mistake si prince. Nasaktan daw si princess Ellai ng sobra. Ipinakasal daw si princeng parents niya sa iba kaya nasaktan si princess Ellai. Tapos nung aalis na raw po si princess sa castle para hindi na niya makita si prince ay hinabol daw siya ni prince. Pero iniwan na raw po talaga ni princess si prince." Kwento niya. "Sa lahat nga po ng stories. Yan lang po ang ikinuwento niya na walang happy ending ehh. Wala naman po yan sa Disney" dagdag niya.

Ngayon alam ko na. Kwento namin ni Sandro ang ikuniwento niya sa anak niya, ang lakas ng loob. Pinalitan lang niya ng princess at prince para hindi mahalata ng bata.

Mapait akong nangiti. "Siguro... proof lang yan na 'not all love stories has a happy ending' diba?" Saad ko. Malungkot siya tumango.

Tumitig siya sakin at ngumiti. "You po ba, may husband na po ba kayo?"

Umiling ako. "No, neither boyfriend" mapait kong saad.

"Bakit po, wala po ba kayong plan?"

"I dont know" aniko, tumingala ako sa kisame. "Doc. Desdemona is afraid to get hurt again, young Dellamuebes" saad ko at ibinaling ang tingin sa kanya.

Nagtataka niya akong tinitigan. "Po? So nagkaboyfriend narin po kayo?"

Kay bata bata, ang daming alam.....

Yumuko ako. "Almost. He's almost be my man. But he hurt me. He cheated on me"

Hinawakan niya ang aking mga kamay at pinagsalikop. "Dont worry po. I wish, someday dumating na po ang para sa inyo. A good daddy and husband like daddy" saad niya, nangilid ang luha ko kaya lalo akong napayuko.

Will You Be Mine Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon