6

28 4 0
                                    

"Wag kang maniwala dyan, di ka niya mahal talaga" panimula niya.

"Akin ka nalang" linya niya. Natawa ako dahil napapikit pa siya at parang feel na feel ang kanta. "Iingatan ko ang puso mo. Akin ka nalang. Wala nang hihigit pa sayo" dagdag niya. Pagkatapos niyang kantahin ang chorus ay nagstrum siya ng tatlong beses at tinapos na ang pagtipa sa gitara.

Nakatanaw ako ngayon sa kalawakan habang mapait na nakangiti. "Sa tingin mo, totoo yung sabi sabing 'it's never to late?" Tanong ko.

Tinanaw din niya ang kalangitang kulang ng bituin. "Depende sa sitwasyon. Kagaya ng exam, kapag lumabas na yung result. Di mo na mababago ang mga mali mong sagot. Pero may mga bagay na kahit kailan ay di ka talaga mahuhuli. Example, its never to late to trust again" sagot niya.

Natahimik naman ako.

Mayamaya ay tumayo na siya. "Sige na, bumalik na tayo sa kubo. Hating gabi na" saad niya. Natango nalang ako at sumunod na sa kanya.

Present time......

Nakaupo ako ngayon nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Neva. "Hola Amiga!" Bungad niya.

Napatakip naman ako ng tenga ko. "Litse, unang bungad ang ingay ingay" aniko.

Umupo siya sa silyang nasa harap ng mesa ko. "Kumusta ka na? Its been a while. May shota ka naba? Gwapo? Anong trabaho?" Sunod sunod niyang tanong.

"Pota, hinay hinay lang. Hindi ka naman hinahabol diba?" Reklamo ko.

Tumunghay siya sakin. "So ano, meron naba?" Tanong niya, umiling naman ako. Napahawak siya sa dibdib niya at nabibiglang tumitig sain. "My gad! Dalawang taon na simula nung huli tayong nagkasama! Wala parin?! Girl, 7 years nalang lalagpas na sa kalendaryo ang edad mo, may balak kaba talagang mag asawa o gusto mong tumandang birhen?" Aniya.

Napasandal ako. "Love can wait"

"Potragis yang motto mo. Girl, ano pa ba ang mga gagawin mo para patagalin pa? Mag blind date ka kaya, baka andun yung soulmate mo"

"Ayoko"

"Bakit?"

"Para lang tayong nasa piryahan tas huhugot ng kulay para manalo"

Natahimik naman siya saglit. "Pero ano nga ang plano mo?"

Di ko na siya nasagot nung biglang bumukas ulit ang pinto at iniluwa ang isa sa mga nurse ng hospital na ito.

"Doc, ipinatapatawag po lahat ng doktor dahil may mga pasyenteng biglaang dumating. Karamihan po sa kanila ay mga sunog ang iba't ibang parte ng katawan" natatarantang saad ng nurse.

Napatayo naman ako. "Sige, susunod ako" aniko. Yumuko lang siya saglit at umalis na.

Third person POV

Nag aalalang hinawakan ni Sandro ang anak niyang si Dennis dahil may tama ito sa tiyan. Isa sila sa mga nadamay sa pagsabog ng isang mall malapit sa hospital.

"Please save my son. Save my son" nagmamakaawang ani ng kanyang asawa sa mga doctor na ngayon ay di na alam kung sinong pasyente ang uunahin. Lumingon ito sa kanya. "Bakit parang di lang tayo pinapansin ng mga doctor?" Tanong nito sa kanya. "Bakit parang wala lang silang paki?" Dagdag nito. Nabundol ng asawa niya ang isang doktor na may mataas na katungkulan. "Doc, please unahin mo ang anak ko. May tama siya sa tiyan" Saad niya rito.

Hinawakan ng docktor ang balikat ng kanyang asawa. "Sorry, but i have my patients. Maghintay nalang po kayo na dumating yung pinakamagaling na doctor dito" anito.

Will You Be Mine Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon